Special 26

11.9K 135 12
                                    

(Meeting an Old friend)

Habang nasa school ang kambal, si Kath naman naiwan sa bahay at si DJ kasalukuyang nasa Trabaho at busy sa paperworks niya.

"Sir Daniel may bisita po kayo."sabi ng assistant secretary ni DJ na nagpa-silicon ng dibdib dahil sa sobrang laki nito.

"May appointment daw ba siya?"sabi ni DJ habang nakatingin pa rin sa paperworks niya at yung secretary ay binaba yung butones ng blouse niya para malitaw ang cleavage niya lalo na kanina pa kita.

"Wala po siyang appointment sir pero sabi niya kapag daw sinabi ko ang name niyang Phatrhik Rhiveroh ay makilala ko niyo daw siya."sabi nung secretary at inakitan pa ang pagsalita ng 'Patrick Rivero' Napatayo naman si DJ at lumapit sa may pinto kung saan nandoon ang secretary.


Nag-assume yung malanding secretary na lalandiin siya ng Boss niya kaya naman binaba niya pa lalo ang butones ng blouse niya at hahawakan na niya sana sa dibdib si DJ ng buksan ni DJ ang pinto kaya naman natamaan ang secretary na nakaharang doon at pumalanggak sa floor.

"Patrick Bro! Kailan ka pa nakauwi?"masayang bati ni DJ sa long time friend niya, Kasama nito ang anak na lalaki na halata ang bored sa mata.

"Bigatin na tayo, Dati papetiks-petiks lang ngayon President na ng kompanya niyo."sabi ni Patrick sa kaibigan.

"Eh ikaw bro, Kamusta naman ang buhay? Tara tuloy."sabi ni DJ sa kaibigan at nadatnan ni Patrick kasama ang anak nitong lalaki na nakapalanggak sa floor ang secretary ni DJ.

"Papa, Bakit hinahalikan nung babae yung sahig?"sabi ng bata, Natawa naman si DJ sa sinabi ng anak ni Patrick.

"May pakitawag naman si August dito."sabi ni DJ, Tumayo naman yung secretary ni DJ para lumabas at tawagin si August. Si August ang lalaking secretary ni DJ.

"Na-kwento ka kagabi sa akin ng asawa ko na nagkasalubong nga daw kayo, Anak mo pare?"sabi ni DJ kay Patrick. Tinignan naman ni Patrick si DJ ng hindi makapaniwala.

"Obvious ba DJ? Kamukha ko oh."sabi ni Patrick at ginulo ang buhok ng anak niya.

"Sigurado ka?"asar ni DJ kay Patrick, Knowing Patrick na hindi mahaba ang pasensya ng isang ito.

"Oo naman siguradong-sigurado akala mo sa akin?"sabi ni Patrick at natawa naman si DJ.

"What's your name little man?"sabi ni DJ sa anak ni Patrick at tinignan naman ng anak ni Patrick si DJ.

"Gino Dela Rosa.. po."sabi ni Gino, Sinamaan kasi siya ng tingin ni Patrick dahil hindi man lang gumalang. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si August.

"Sir may kailangan po kayo?"tanong ni August kay DJ.

"Gusto ko sanang kumuha ka ng bagong Assistant Secretary yung hindi hostess ang itsura, It's your choice to pick the suitable assistant since ikaw naman ang mag-aassist."sabi ni DJ, Napangiti naman si August dahil hindi na siya lalandiin ni May.

"Yes sir."mabilis na sabi ni August mag-tatanong pa sana si May ng hilahin na siya palabas ni August.

"Bakit nga pala nabisita ka?"tanong ni DJ kay Patrick.

"Ah kakamustahin lang kung buhay ka pa saka aalis na din kami papunta sa States, Alam mo naman na kailangan ko ring asikasuhin ang kompanya namin doon."sabi ni Patrick kay DJ at nagtatango naman si DJ kay Patrick.

SLH (The Special Book)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora