Special 14

13K 140 6
                                    

(DJ: Kailangan na silang dalhin sa mental.)


Isang napaka-walang kwentang araw para sa Parking 5 ang araw na ito. Tatlong araw na ang nakalipas mag-mula ng sumabak silang lima sa Fan Date. Iiling-iling ang Manager ng Parking 5 habang kanya-kanya ang lima.


Si Kats nakatingin lang sa kawalan, Si Lester at Mycko ay tulala samantalang malalim ang iniisip ni JC at Seth. Umiling muli ang Manager nila bago ito ngumiwi.



"Anong nangyari sa kanilang lima?"tanong ni Kath nang makarating sila sa Recording Studio kung saan madalas nakatambay ang Parking 5 dahil may bago silang album na ilalabas.



"Oo nga anong mga problema nila?"nagtatakang tanong naman ni DJ sa Manager nila. Bumuntong hininga ang manager ng Parking 5 dahul parang nababaliw na ang miyembro ng banda.



"Malay ko. Okay naman sila after nung Fan service pero kinabukasan ganyan na sila. Hindi na nga sila makasunod sa schedule ng recording. May deadline ang release ng album!"inis na sabi nito saka pinagbabatukan ang lima na walang mga reaksyon. Napa-impit lang ang mga ito sa sakit pero bukod pa doon? Wala na. Tulala na sila ulit.



"Ano po ba ang nangyari?"tanong ni Kath sa manager ng Parking 5. Bumuntong hininga ito bago tinignan ang Misis ni Padilla.



"Hindi ko alam, Walang may alam ng kasagutan."sagot ng manager kay Kath saka ito huminga ng malalim habang napapailing sa limang tulala.



"Baka may kumulam sa kanilang mga Fan na hindi napili para makipagdate sa amin."lokong sabi naman ni DJ kaya agad siyang nabatukan ni Kath dahil sa pinagsasabi niya.



"Adik ka ba? Edi sana isa ka na rin sa nakulam."asar na sabi ni Kath habang si DJ napakamot na lang sa ulo niya matapos siyang batukan ng buntis niyang asawa.



"May alam ka bang pwedeng gawin para makuha ang atensyon nila?"tanong ng Manager kay DJ at nilagay naman ni DJ ang kamay sa kanyang baba na para bang eksperto siya sa pag-iisip ng mga plano.



"Kapag hindi nila ko pinansin sa gagawin ko, Ay sa malamang! Kailangan na silang dalhin sa mental."ani DJ at nag-rolyo ng mata si Kath sabay halukipkip. Ngumiti naman ng malaki ang Manager kay DJ na ngayon ay humugot ng hangin, Yung pinaka-malalim sabay sigaw ng..



"HOY!"



Sa sobrang gulat ng lima saba-sabay silang napatalon sa kinauupuan sabay bulalas ng..


"Ay! Ang ganda ng mga mata ni Chenin."

"Bakit ang cute ni Alexandria?!"

"Lintek ang Brutal ni Annika!"

"May kamukha talaga si Gabby!"



"Ikaw Kats may sasabihin ka?"tanong ni DJ kay Kats baka kasi may pahabol ito. Humikbi si Kats at tumingin kay DJ na may puppy eyes.



"Na-mimiss ko na si Daezen."sabi nito sabay punas ng mata niyang wala namang kaluha-luha.



"Sino si Daezen? Sino si Chenin? Sino si Alexandria? Anikka at Gabby?"medyo naguguluhang tanong ni DJ sa lima na ngayon ay bumubuntong hininga na lang sa kawalan.



"Teka Seth anyare diyaan sa mata mo ngayon ko lang napansin 'yan ah."sabi ng Manager nila at hinawakan ang mukha ni Seth.



"Nabugbog?"hindi siguradong sagot niya at yumuko habang inisip ulit si Anikka. Oo si Anikka ang bumugbog sa kanya remember the Kleenex Tissue? Nabato kasi siya sa mukha nung naghilamos lang siya saka lang niya naramdaman yung sakit. Late Reaction.



"Excuse me po."sabi ng isang babae tapos napatingin ang lima sa kanila. Umaasa na baka isa sa ka-date nila ito.



"Uhm.."napatayo ang isa sa kanila at nalungkot ang apat. Halatang mga naiinggit dahil baka nakalimutan na sila ng mga naka-date nila este ng mga naka.. Punyeta iyon na.



"Ay! Akala ko si Chenin."

"Tss hindi pala si Alexandria."

"Whoo! Yes! Buti na lang hindi si Anikka."

"May kamukha talaga si Gabby.."



"Uy! Daezen."sabi ni Katsumi at lumapit kay Daezen. Oo si Daezen nga ang dumating at lumapit sa kanya. Habang ang mag-asawa ayun napapakamot na lang sa ulo nila.



"Nga pala DJ nakausap ko na ang management, Ang sabi nila ay tapusin mo na lang ngayong buwan ang kontrata mo at papalitan ka na ni Mycko."sabi ng Manager at napa-ngiti na lang si DJ kay Kath na ngayon ay hindi sigurado kung masaya ba o hindi.



"Tapusin mo na lang ang commitments mo lalo na ang Triangle album ng Parking 5."dagdag pa nito at tumango naman si DJ bago umalis sa harapan niya ang Manager nilang Parking 5 saka dumiretso sa apat na mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa.



"Masaya ka ba kanina nung ngumiti ka?"tanong ni Kath sa asawa niya na agad naman siyang hinapit sa bewang also known as Human Belt.



"Oo naman, Masaya ako kasi sa wakas magkakaroon na ko ng mas marami pang oras sa iyo saka hindi na ko masyadong wala sa bahay dahil sa pag-aasikaso ng kompanya at sa mga commitments ko sa banda."sagot ni DJ sa tanong ni Kath at napayuko na lang si Kath sa lungkot. Moody.. Tumigil silang dalawa sa paglalakad at yinakap ni DJ si Kath.



"Huwag ka ngang malungkot diyaan, Hindi naman ako malungkot oh."sabi ni DJ at inangat ni Kath ang mukha niya saka yinakap si DJ.



"Eh kasi di ba pangarap mo 'yun dati? Kayo ng mga kabanda mo? Pero ngayon iiwanan mo sila."pagdaramdam ni Kath, Ngumiti na lang si DJ saka itinaas ang baba ni Kath.



"Look, Tingin ka sa akin. Naiintindihan nila kung bakit ako aalis, Siyempre lumalaki na ang pamilya ko.. Natin. At may mga bagay pa akong kailangan pagtuunan ng oras ko lalo na ikaw."napaluha si Kath habang nakangiti sabay yakap kay DJ ng mahigpit matapos niyang marinig iyon sa asawa niya.



"I love you so much, Thank you for being my husband."nakangiting sabi ni Kath sa dibdib ni DJ habang nakayakap siya dito.  Hinimas na lang ni DJ ang ulo ni Kath at ang likod nito habang yakap din ang asawa.



"Mahal na mahal din kita, Hindi ako magsasawa sa iyo kaya ngayon anong gusto mo?"tanong ni DJ agad namang bumitaw si Kath at parang may gusto siyang kainin. Nakyutan na lang si DJ sa mukha ng asawa niya na iniisip ang gusto nitong kainin.



"DJ! Gusto ko ng manggang may gravy."sabi ni Kath kaya naman nagulat si DJ sa narinig niya mula sa asawa.



"Manggang may gravy? Hindi kaya masuka ang anak natin diyaan?"tanong ni DJ at mabilis na tumaas ang kilay ni Kath. Kasing bilis magpalit ng mood.



"Eh ayun nga yung gusto niya eh! Manggang Hilaw na may KFC Gravy."sagot ni Kath tapos hinawakan naman ni DJ ang kamay niya. Chansing Dre!



"Pwede bang Strawberry na lang nakita mong hindi season ng Mangga ngayon."sabi ni DJ kaso umiling si Kath at nag-stommped pa ng foot niya sa sahig.



"Manggang Hilaw na may KFC Gravy."mariin na sabi ni Kath at hinigpitan ang hawak sa kamay ni DJ. Tumango na lang si DJ at magkahawak kamay silang lumabas ng Recording Studio.


Sumakay na silang dalawa sa Kotse. Ngayon nag-iisip si DJ kung saang lupalop ng pilipinas siya maghahanap at bibili ng manggang hilaw ng naglilihi niyang asawa.

SLH (The Special Book)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora