[S2.3] - Called

3.4K 80 4
                                    

[S2.3] - Called

Maddi's POV

"Okay class dismissed." Hay salamat! Agad ko namang kinuha ang bag ko at dali dali akong lumabas ng room namin.

Grabe! I'm so starving! Dapat pala nag breakfast ako kanina! Sht. I think my stomach is really growling right now.

"Madison!" Sino ba yun? Napalingon naman ako sa may likuran ko at nakita ko si Luke na papalapit sa akin. Oh! I forgot!

"Ay Luke, I'm sorry. Nakalimutan kong sabay pala dapat tayong kakain. Sobrang gutom na kasi ako."

"Hindi okay lang." Sagot niya then nginitian niya ako.

"Saan mo pala gustong kumain?" Dagdag niya pa.

"Sa cafeteria na lang kaya?"

"Sure." Sabi niya tapos ay sabay na kaming naglakad papunta dun.

Medyo marami na ring tao ang kumakain sa cafeteria pagkarating namin. Pero dahil professor na si Luke, madali lang kaming nakahanap ng mauupuan.

"Anong gusto mong kainin?"

"Uh... meron ba silang sandwich?"

"Ha? Teka akala ko ba gutom ka?"

"Oo nga. Pero okay na sa akin ang sandwich. Mabubusog na ako dun."

"Sigurado ka? Baka mamaya--"

"Yeah. Sige na please? Stop worrying about me." As if naman he cared about me before.

"Sige na nga." Sabi niya then tumayo na siya at naglakad na siya papunta dun sa may counter para umorder.

Maya maya pa, nakabalik na rin siya na may dalang isang tray na may pagkain sa isa niyang kamay. Nilapag niya ito sa table at umupo na rin siya.

"Salamat." Sabi ko nang iabot niya sa akin ang sandwich na ni-request ko at isang bottled water. Tumango na lang siya then nag umpisa na kaming kumain.

"So, kamusta na si Rochel?" Tanong ko sa kanya kaya naman napatingin siya sa akin.

"Ayun nasa probinsya na. Kinuha nung lola niya eh."

"Really? Sayang naman. Gusto ko pa naman siyang makita." Sagot ko then kumagat ako ng konti sa sandwich na hawak ko.

"Okay lang. Bibisita naman daw siya dito pag may time siya."

"Oh, I see. By the way, kamusta na pala yung iba? Balitaan mo naman ako."

"Wag na. Sa weekend na lang."

"Weekend? Bakit naman?"

"Pag nag-hangout tayo. Sa kanila mo na lang yan itanong. Mas maganda na kung sila na yung sumagot. Baka sabihin nila chismoso ako kung ako pa ang magkwe-kwento sa iyo." Natawa naman ako dun sa sinabi niya. Baliw talaga ito.

"Fine." Sagot ko then bumalik na ulit kami sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain, nagpaalam na ako sa kanya na papasok na ako sa susunod kong subject. Sabi niya ihatid niya daw ako pero hindi na ako pumayag. Masyado ng abuso 'no. I know he's a busy person lalo na ngayon na professor na siya.

Habang naglalakad ako sa may hallway biglang nagvibrate yung phone ko. Bakit kaya? Kinuha ko ito mula sa may bulsa ko and to my surprise may tumatawag dito.

Mr. D Calling...

Agad ko namang sinagot ito. "Hello?"

"Hello ma'am."

"Any news?"

"Ma'am, we're sorry but..."

"But?"

"...we can't track the number you gave to us anymore." Napapikit naman ako sa sinabi niya. Jusko naman. Isang taon ko ng ipinapahanap sa kanila yun tapos ngayon pa nila sasabihin na hindi na nila kayang hanapin?

"Ano?! Hindi ba binabayaran ko kaya para gawaan yan ng paraan?!"

"Pero ma'am ayaw na po kasing magbigay ng any information about dun sa caller ng network company."

"Natural hindi sila magbibigay kaagad! Confidential yun eh. Pero sana naman gawaan niyo ng paraan! Ano pa't naging detective kayo kung hindi niyo yan kayang gawin?!"

"Yes po ma'am. Pasensya na po."

"Ano? Yan lang ba ang ibabalita mo?"

"Meron pa ho."

"Okay, siguraduhin mong good news yan."

"Opo ma'am."

"Sige, what's that?"

"Ma'am, ayon po sa imbestigasyon namin, yung tumawag po sa inyo nun eh posibleng isa nga sa mga kaibigan niyo." Kaibigan? Well, ngayon hindi na kung sino man siya.

"Paano mo nasabi?"

"Kasi nandun din ho yung caller sa mismong subdivision kung nasaan kayo noong nangyari yung incident."

"How--"

"He/She was more or less than 10 meters away from you based on our investigation." How will I know? Eh lahat sila hindi ko nun kasama sa terrace at hindi ko alam kung nasaan. So lahat sila suspect?

"Okay. Just call me pag may iba pa kayong nalaman."

"Sige ho ma'am."

*Call ended*

Bakit ba kasi may kaibigan akong ganun? Well, kaibigan ko nga ba?

Binulsa ko na yung phone ko at naglakad na lang ako ulit papunta sa next class ko.

x x x

9:00 pm, Thursday

From: +639*********

Nakaisip ka na ba ng lugar kung saan tayo magi-stay bukas? Seb ito.

---

Matutulog na sana ako nang mabasa ko ang text sa akin ni Luke. To be honest, hindi pa nga ako nakakaisip ng place na pwede naming puntahan. Bukas na pala yun!

Well, yeah. Hanggang thursday lang kasi yung mga klase namin every week kaya I planned na bukas na lang kami umalis. Medyo konti na rin kasi yung units na tinetake namin.

Damn. Nakapag-ayos na ako ng dadalhin kong gamit but until now hindi ko pa pala naiisip kung saan kami magi-stay. Saan ba kami pwedeng pumunta? Maybe a resort? No. It's too common.

Uh... saan kaya? Aha! Alam ko na kung saan!

I quickly send a reply message.

To: +639*********

Wag ka nang mag-alala. I already planned everything. Kita na lang tayong lahat sa harap ng university by 7:00 am tomorrow.

---

After kong magreply, sinave ko na rin yung number niya. Bakit kaya ngayon lang siya nagtext? Busy siguro. Well sana naman hindi niya nakalimutang ibigay kela Sophia yung number ko.

From: Luke

Sure. Kaninong sasakyan ang gagamitin?

---

To: Luke

Uh... maybe isang van na lang. Ako na lang magdadala.

---

From: Luke

Okay sige. Kita na lang tayo bukas. Bye.

---

Hindi na ako nagreply nang mabasa ko ang text niya. I need to rest tonight. Beacause tomorrow... my plan will be officially start.

---

Vote.Comment.BeMyFollower

- IamHeartPrincess ♥

Wait For My Revenge (Season 1 and 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora