[22] - Two

2.7K 70 4
                                    

[22] - Two

Maddi's POV

"Maddi, let's break-up."

"..." Ano daw? Break?

"Haha. Aiden talaga! Palabiro ka talaga! Okay na. Tama na ang pang-aasar."

"Maddi, hindi ako nagloloko. Seryoso ako. Maddi, ayaw ko na. " Pagkasabi niya nun, automatikong napawi ang ngiti sa mukha ko. No, he can't be.

"W-what d-did you... s-say?"

"Let's break up."

"No. You're not." Sabi ko then bigla nang namuo ang mga luha sa gilid ng mga mata ko.

"Bakit k-ka ba kasi... n-nakikipagbreak? Sa anong dahilan?!"

"Bakit kailangan pa ng dahilan?"

"Ano ngang dahilan?!"

"Hindi na kita mahal, M-Maddi! Yun ang dahilan!"

"N-NO! T-that's ...not true! This can't be true!"

"Maddi, don't act like a child."

"Ano bang ginawa ko Aiden? Minahal naman kita at alam ko ring mahal mo rin ako!"

"Maddi, wag mo nang lokohin ang sarili mo. Tanggapin mo na ang katotohanan. Hindi kita mahal."

"ALAM MO BA K-KUNG ANONG IBIG... s-sabihin... niyang s-sinasabi mo?!"

"Oo, gusto ko nang tapusin ang lahat ng ugnayan natin Maddi."

"Aiden naman."

"Wala na namang problema diba? May fianceé ka na, si Seb pa. Hindi pa ba siya okay sa iyo? Gusto mo ba yung mas gwapo? Gusto mo bang hanapan kita?"

"Aiden, hindi kita minahal dahil sa gwapo ka! Fck you for thinking na ganun akong klaseng babae. I hate you, Aiden!" Sigaw ko then binato ko yung cellphone ko sa kung saan. I really hate him.

Kung kaharap ko siguro siya ngayon, baka nasampal ko na siya. Anong akala niya sa akin? Social climber? Pare-parehas lang silang lahat. Manggagamit ang tingin sa akin.

-----

"Maddi, hinahanap ka ni Aiden."

"Oh? Talaga?"

"Joke lang. Asa ka pa."

"Psh." Sabi ko dito kay Sophia. Nandito na naman kami sa classroom as usual.

"Tungeks! Ano ba kasing nangyari? Ano ba 'yang dinadrama mo diyan?" Sabi naman niya then umupo siya dun sa upuan sa may harapan ko.

"Break na kasi kami." There. I opened the topic. I can't take it anymore. Parang any minute kasi sasabog na ako dahil dito sa sakit na nararamdaman ko.

Meron bang painkiller para sa sakit ng puso?

"Ano?!"

"Oo nga."

"Juice ko, kaya pala. 'Di bale okay lang yan. Hindi naman siya kawalan eh."

"Anong k-kaya pala?"

"May iba siyang ka-holding hands sa cafeteria. "

Ano? Ganun-ganon na lang 'yon? Nakipagbreak siya sa akin kagabi through phone tapos may ka-holding hands na kaagad siya ngayon?

Hindi man lang ba niya alam yung three months rule? Sabagay, hindi ko nga sinunod yung three months rule noong hiniwalayan ko si Seb.

Nakakatawa, sinisingil na siguro ako ng tadhana at kinakarma na ako ngayon.

"Pwede ba t-tayong pumunta dun?"

"Gaga ka ba? Kita mo ngang sinasabi ko pa lang sa iyo dito yung nakita ko sa labas kanina halos humagulgol ka na, eh what more if ikaw yung nakakita?" Tama siya. Bakit ba kasi ang martir mo, Maddi?

"P-please?" Iyak kong sabi sa kanya. Sa tingin ko kailangan ko na siyang kausapin. Kailangan ko nang harapin ang katotohanan.

"Psh. S-sige na nga. Pero bago tayo lumabas punasan mo muna yang luha mo... pati 'yang sipon mo." What? Sipon?! Napahawak naman ako sa may ilong ko.

"SOPHIA! LAGOT KA SA AKIN!" Sigaw ko pero tumawa lang siya.

"Hahaha! Peace!" Sabi naman niya then bigla siyang tumakbo palabas. Psh. Mga nagiging kaibigan ko talaga. Manang-mana sa akin. Parang mga siraulo.

-----

Pumunta kami ng cafeteria ni Sophia at gaya ng sinabi niya, nandoon nga sila.

"Aiden." Tawag ko sa kanya napatingin naman siya sa akin, emotionless.

"Gurl, una na ko ha? Keri mo na siguro 'yan." Paalam sa akin ni Sophia kaya naman tumango na lang ako bilang sagot. Kasabay ng pag-alis ni Sophia ang paglapit ni Aiden sa akin.

"Anong kailangan mo?" Tanong niya sa akin pero bakit wala pa ring emosyon.

"I-ikaw... Ikaw l-lang naman ang k-kailangan ko." Paiyak kong sabi pagkatapos ay niyakap ko siya.

Alam kong nagulat siya pati na rin ang mga tao na nandito sa cafeteria. Pero wala akong pakielam. Siya lang ang importante ngayon.

*SPLASH!*

"WOOOOOOOOOOOOH!!" Sigaw ng lahat ng mga tao na nakikiusisa sa eksenang ginagawa namin dito.

"Get a life, btch. Wag mong landiin ang boyfriend ko sa harapan ko mismo."

Napabitaw ako sa pagkakayakap kay Aiden. Basang basa na ako. Dala nang pagbuhos sa akin ng juice ni Francesca. Ang lamig!

Louchimi's POV

"Francesca! What did you do?" Sabi ni Aiden kay Francesca pagkatapos ay tinignan niya ito nang masama. Nanlilisik ang kanyang mga mata.

"I'm just punishing her for flirting you! You said kaibigan mo lang siya!" Maarte namang sagot niya habang diring-diri niyang tinitignan si Maddi.

"Wala kang alam dito kaya wag kang makisali!" Biglang naawa si Aiden kay Maddi kaya naman hinubad nito ang kanyang blazer at ipinatong ito sa balikat ni Maddi.

"Aargh! You know what? Hindi kita maintindihan!" Sabi naman Francesca sabay walkout.

"Francesca! Bumalik ka dito!" Pero mukhang walang epekto ang pagtawag niya dito kasi patuloy pa rin ito sa paglakakad.

"Aish!" Susundan niya na sana ito pero hinawakan ni Maddi ang kamay niya para pigilan siya.

Napatingin si Aiden kay Maddi. Nakakaawa talaga ang kalagayan niya ngayon hindi lang kasi damit niya ang nabasa kung hindi pati na ang itaas na bahagi ng kanyang katawan.

"P-please don't g-go." Sabi ni Maddi tapos ay napahahulgol na siya.

'Kung pwede lang sana.' Pabulong na sabi ni Aiden sa utak niya. Ngunit alam niyang hindi ito maaari, mas importanteng masundan niya si Francesca sa mga panahon na iyon.

Unti-unting inalis ni Aiden ang kanyang kamay na hawak ni Maddi at nagsimula nang maglakad palayo.

"Maddi, for the nth time. Hindi kita minahal. Pinaglaruan lang kita."

Batid ni Maddi na sa mga oras na iyon, hindi siya ang nanalo. Nawala na ang katiting na pag-asang maaari pang maging sila ni Aiden balang araw.

Parang isang koreanovela, ang daming nakapanood sa eksenang iyon. Ang daming nakasaksi sa napakasaklap na pangyayaring iyon.

Isang pangyayaring maaaring katawa-tawa sa ibang tao. Ngunit para sa kanya, yun na ang pinakamadilim na parte ng kanyang buhay.

Wala siyang ibang nagawa kundi umiyak. Walang gustong tumulong sa kanya. Bumalik na ang lahat sa kani-kanilang mga gawain. Samantalang siya... nagdurusa. Daig pa niya ang namatayan sa sakit na kanyang nararamdaman.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, lumapit siya at tinulungan si Maddi...

-----

Louchimi's Note:

WAAAAH! Sino yung tumulong ka Maddi?

Last 2 chapters, mga bebe. <3

-IamHeartPrincess ♥

Wait For My Revenge (Season 1 and 2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat