[7] - Affection

3.7K 74 5
                                    

[7] - Affection

Maddi's POV

"Ano ba yan Aiden? Paano ako makakaakyat dyan?" Paano naman kasi nauna na siyang umakyat doon sa pader. How gentleman. Naisip ko tuloy mahal ko ba talaga yang lalaking yan? JK. At least ngayon wala ng ilangan.

"Akyat ka na kasi."

"Eh paano nga?!"

"Hawakan mo kasi yung kamay ko!"

"Eeeeeeh! Hindi ko nga abot!" Reklamo ko sa kanya. Ang taas kaya nung pader.

"Paanong hindi mo maaabot? Eh hindi mo naman tinataas ng maayos!"

"Nakataas kaya ng maayos! Tignan mo pa!" Sabi ko then tumingkayad pa ako para mas lalo niyang maabot ang kamay ko pero sa kasamaang palad eh masyado talagang mataas yung pader kaya hindi niya man lang mahawakan kahit yung dulo ng daliri ko.

"Wala na bang itataas yan? Ang ikli naman ng braso mo! Hahaha!" Yung totoo Aiden? Anong nangyari sa ating dalawa? Huhu. Ang sweet mo sa akin kanina tapos ngayon, ang harsh mo na sa akin. Huhu.

"Alam mo Aiden kanina ka pa ha! Ang bad mo." Sabi ko then binaba ko na yung kamay ko. Pumamewang pa ako para mafeel niya na naiinis na ako.

"Hahahahaha!" Siraulong ito. Pagtawanan daw ba ako? Si Aiden ba talaga ito? Parang feeling ko hindi.

"Bahala ka diyan! Magdate ka mag-isa mo." Sabi ko sa kanya tapos naglakad ako palayo sa kanya. Bahala talaga siya. Hmmp! Babalik na lang ako sa klase! Tama!

*Boogsh!* AY JUSKO! Sino yun?

Napalingon naman ako sa may likuran ko. Hala! Paanong-- Don't tell me tumalon siya galing doon sa taas? Bakit naman kaya? Naglakad siya palapit sa akin. Alam ko na. Susundan niya ako. Nagtaka pa ako. Psh.

"Uy! Maddi! Madison! Claire! Madison Claire! Uy, pansinin mo naman ako." Patuloy pa rin siya sa pagtawag sa akin pero 'di ko siya pinapansin. Lakad pa din ako ng lakad. Tsk. Papakipot muna ako ngayon. Haha.

"Maddi, sorry na!" Bahala siya diyan.

Naglakad ako nang naglakad hanggang sa napansin kong wala nang nakasunod sa akin. Pagtingin ko sa likod ko... wala na siya! Uwaaaa!! Iniwan na niya ako! Baka nagsawa na kakahabol sa akin? Huhu.

Pinagmasdan ko ang paligid kung nasa ako ngayon. Teka... garden ito ha! Kelan pa nagkaroon ng garden dito sa school? Pero infareness ang ganda at soothing. May natanaw akong puno sa malapit kaya pinuntahan ko yun.

"Dito muna ako, walang hiyang lalaki yun! Iwan daw ba ako? Kung hindi ko lang siya mahal... Naku!" Sabi ko pagkatapos ay humiga ako then inilapag ko sa tabi yung salamin ko at inunan ko yung bag ko sabay salpak ng ipod tapos nagsound trip.

"Hmmm~ Hmmm~" Nakakaantok naman dito.

"asdfghjkl~"

-----

"Maddi."

"Maddi~"

"Madison!"

Sino ba iyon? Istorbo! Kitang may natutulog dito oh!

"A-ano ba?"

"Gising!"

"Kung sino ka man... please get out of my room." Sino ba ito? Kung sinu-sino na naman ang pinapasok ni Mama dito sa kwarto ko!

"Anong room? Haha. Huy, Maddi. Wala ka sa bahay niyo! Dali na. Gumising ka na!" Sabi niya habang kinakalabit ako. I swear, makakakain ako ng tao ngayon!

"Stop poking me, you annoying creature!" Naiinis na talaga ako kung sino man ito pero hindi ko pa rin dinidilat ang mga mata ko. Inaantok pa kaya ako.

Wait For My Revenge (Season 1 and 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon