[20] - Four

3.3K 64 7
                                    

[20] - Four

Maddi's POV

"Maddi, may nagpapabigay sa iyo." Sabi sa akin ni Drew (na kakapasok lang sa classroom namin) habang may inaabot siyang isang paper bag sa akin.

"Pakilagay na lang diyan. Salamat." Tipid kong sabi sa kanya. May tinatapos pa kasi akong activity na ipapass na namin mamaya kaya busy ako.

"Ipinabibigay sa'yo ni Aiden 'yun." Si Aiden? Speaking of him, nakalimutan kong sabay pala kaming maglulunch ngayon.

"Waah! Nasaan na siya?" Kaasar ngayon na nga lang kami magkikita tapos naudlot pa.

"Wala na, umalis na siya. Nakita ka niyang busy kanina kaya hindi ka na niya inistorbo."

"Aish! Kahit na dapat tinawag mo ako." Sabi ko then bahagya akong napanguso.

"Aba! Pumayag na nga akong maging messenger niyong dalawa kahit na hindi naman yun ang dahilan kung bakit ako lumipat ng section!"

"Kahit na! Alam mo naman yung sitwasyon naming dalawa d-diba?" Sabi ko then bigla na lang akong napaluha.

Isang buwan na rin ang nakalipas mula nung gabing kinausap kami ni Dad. Kami pa rin ni Aiden pero patago ang relasyon namin. Tutol kasi sila sa relasyon namin. Even Tito Andy, nalaman niya rin kasi ang tungkol sa namin ni Aiden.

And dahil nga dun, mas minabuti namin na itago na lang muna namin ang tungkol sa amin. Alam kasi namin ang maaari nilang gawin. Lalo na may koneksyon ang mga pamilya namin.

"M-maddi, wag ka namang umiyak. Baka mamaya isipin ng ibang mga tao nire-rape kita. Tayong dalawa lang pa naman ang nandito."

"Haha! Para ka n-namang sira!" Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mga mata ko. Patawa talaga ito.

"Sino ka kayang mas mukhang siraulo sa ating dalawa? Ikaw nga itong iyak nang iyak tapos mamaya tatawa."

"Naman eh. Hindi ka ba pwedeng maging supportive na kaibigan?"

"Psh. Kaibigan lang?"

"Bakit? Ano bang gusto mo?"

"Wala. Hoy Maddi, labas na muna ako. 45 minutes pa naman bago magtime." Sabi niya tapos dire-diretso siyang naglakad palabas ng classroom namin.

"Aigoo. Ang mahal kong kaibigan nagtatampo. Tsk." Nasabi ko na lang habang tinignan ko ang pintuang dinaanan niya.

Nung natapos ko nang gawin yung activity na sinasagutan ko, naisipan kong buksan yung paper bag na galing kay Aiden.

"Aww. Ang cute naman!" Isang lunch box pala yung laman. Pagkahuha ko, may nalaglag na note galing sa loob.

"Maddi,

Sana magustuhan mo yung pagkain inihanda ko para sa iyo. Ako pa ang nagluto niyan ha! Kaya kainin ko. Ayan nga dapat yung kakainin natin ngayong lunch kaso busy ka yata kaya hindi na kita inistorbo.

Sige, Tatawagan na kang kita mamaya.

PS. I love you.

-Aiden"

"Wow, ang sweet naman." Sino yun?

"Sophia? Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong sabi kaya naitapon ko yung papel na hawak ko. Waah! Nagulat ako sa kanya. Paano kaya siya nakapasok ng hindi ko napapansin?

"Bakit bawal ba ako dito?" Tanong naman niya sa akin habang pinupulot niya yung papel na natapon ko.

"Ah hindi naman. Ang ibig kong sabihin, Bakit nandito ka na? Maaga pa ha?" Sabi ko tapos inabot niya sa akin yung papel. "S-salamat."

Wait For My Revenge (Season 1 and 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora