[21] - Three

2.6K 52 1
                                    

[21] - Three

[A/N: Read between the lines. May mga hidden meaning yung mga ibang phrase diyan. Haha. Jusko, daming paandar ni Author. Sus!]

Maddi's POV

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa bahay ay sinalubong na kaagad ako ni Mommy.

"Maddi? Bakit ngayon ka lang?" Napansin ko lang, bakit nakaformal dress siya?

"S-sorry po Mom. Nagcommute po kasi ako." Right. Hindi ako na muna ako sumabay kay Drew, gusto ko kasi munang mapag-isa.

Tss. Bakit ba ang drama ko? Eh baka naman pinagtitripan lang ako ni Aiden knowing him, palagi akong niloloko at inaasar. Baka mamaya tamawag na iyon.

"Oh sige na. Umakyat ka na sa kwarto mo at magbihis ka. May dinner tayong pupuntahan ngayon." Dinner? Himala. Magdidinner kami sa labas.

"Okay po." Sabi ko na lang pagkatapos ay pumanik na ako sa taas.

-----

8 pm na rin nang makarating kami sa isang Five star na classic restaurant. Medyo malayo rin kasi ito sa bahay namin.

"A-anak." Tawag sa akin ni Mommy.

"Bakit po?" Sabi ko sa kanya pagkatapos ay bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Uhm, is there something wrong?

"I'm sorry, anak." Bigla ako kinabahan. Mukhang alam ko na kung bakit kami nandito. Ano ba 'yan! Not now please? May problema pa ako kay Aiden.

"Mom, no. Hindi tayo nandito dahil sa engagement ko right?" Sabi ko pero hindi niya ako sinagot instead hinawakan niya lang ang mga kamay ko.

"Anak basta lagi mong tatandaan, mahal na mahal ka namin ng Daddy mo."

"Mom! B--"

"Nandito na pala kayo. Bakit hindi pa kayo pumasok? Pumasok na tayo, kanina pa sila naghi--"

"Dad! I don't want to be engage with someone that I don't love."

"Madison! Don't make a scene! Pumasok na tayo."

"No Dad, I won't."

"Wala kang ibang gagawin kundi sundin ako, Madison. Ngayon, papasok ka at makikipagkasundo o hinding hindi mo na kami makikita ng Mommy mo?" Sabi niya tapos kinaladkad niya ako papasok sa loob ng restaurant.

-----

"Oh, nandyan na pala sila."

"Tito Andy?" Oh my God, this is not good. Kung nandito sila Tito, ibig sabihin it's either Aiden or Seb lang ang magiging fiancee ko.

"Long time no see, Maddi. How are you?"

"Aah, P-paan--"

"Excited to meet your fiancee?" Not yet.

"Ac--"

"Ayan na pala siya. Anak!"

"Maddi. Kamusta?" Narinig kong bati sa akin ng fiancee ko.

"Seb?" I already expected na siya nga ang mapapangasawa ko. Pero disappointed pa rin ako dahil hindi si Aiden ang nandito ngayon sa harap ko.

"Dad? Why not Aiden? Bakit ayaw niyo sa kanya? Ano bang pinagkaiba nila ni Seb? Parehas naman silang Park ha?!" Alam kong kahit papaano nadisappoint si Seb sa sinabi ko. Aish! Bakit ba kasi mahal pa rin niya ako?

Kahit na pilitin kong mapaniwala ang sarili ko na hindi niya na ako mahal, hindi ko pa rin maiwasang hindi mahalata na mahal pa rin niya ako. Sa bawat titig at kilos niya, halatang halata.

"We're sorry to say but naipagkasundo na sa ibang pamilya si Aiden and we have no choice but to pick Sebastian as your fiancee." Biglang sumikip ang dibdib ko. Ganito na lang ba ang buhay namin? Kung kani-kaninong pamilya na lang kami ipinapamigay.

Ano kami? Produkto na pwedeng ipareserve ng isang buyer?! First come first serve ba ito?

"Tito Andy."

"Yes, Maddi?"

"Aiden's fianceé... is Francesca Ryu, right?"

"Oo. Bakit? Magkakilala na kayo?" The hell, I'm right. Bakit hindi ko kaagad naisip na pwedeng mangyari ito? Umaasa akong kahit papaano hindi tama ang hinala ko pero anong napala ko? Wala!

"She just transferred today. Actually, she's my classmate."

"Oh that's good. You can be friends." Friends? I don't think I can be friendly to the fianceé of the man I love. Ang sakit eh.

Our dinner was served. Walang nagsasalita sa amin ni Seb, tahimik lang kaming kumakain. Tanging boses lang ng mga magulang namin ang naririnig. Ang saya saya nila. Sana yung saya na yun eh nararamdaman ko rin sa mga oras na ito.

"Kelan ang kasal?" Tanong ni Tito Andy kay Dad kaya naman napatingin ako sa kanila. Oh, isn't it too early to talk about that? 17 pa lang kaya ako! Well, I'm turning 18 next week.

"Maybe next year, as soon as Maddi turned 19." Ano?! Next year? AGAD-AGAD?! Bigla naman akong napatigil sa pagkain. How can this things happen to me?

"Uhm. Excuse me for interupting your conversation but you said that I will marry Seb when I'm 19. Pero paano naman po ang pag-aaral ko pag nangyari yun?"

"Pwede ka pa namang mag-aral, Maddi. Except if magkakababy kayo agad ng anak ko." What?! ANAK?! Did they mention that?! OMG. I think nalalaglag yung utak ko sa lapag.

Bata pa ako! Paano nila nasasabi yan?!

"Dad, stop it. I think we had enough. Pwede na ba tayong umuwi? Sa tingin ko hindi magandang pagpuyatin niyo kami ni Maddi, may pasok pa kami bukas." Nagulat ako ng biglang hampasin ni Seb yung lamesa. Okay, that makes me back to my consciousness.

"That's a great idea. Paano ba yan? Tatawagan na lang kita bukas, Andy. Pag-uusapan pa natin yung engagement party ng mga bata." Sabi ni Dad kay Tito Andy.

"Sige pare, mauna na kami ha?" Tumango na lang si Dad bilang sagot. Aish! this day is a disaster! I can't marry my ex! I can't marry the brother of my boyfriend! Higit sa lahat, hindi ko kayang pakasalan ang taong... hindi ko naman mahal.

-----

*Phone rings*

My Aiden ♥ Calling...

"hlsbkbh." Bungad kong sabi dito sa kung sinong tumawag sa akin. Hindi ko na tinignan yung caller ID eh. Aish! Alam niya ba kasi kung anong oras na?

"Maddi. " Napabangon ako bigla. UHMIGAD! Si Aiden pala yung tumatawag. Nawala bigla yung antok ko. Sabi ko na eh tatawag siya. Hihi!

"Nagising ba kita?" Yung totoo? Sino ba talagang bangag sa amin? Parang siya yata eh. Ang ewan ng mga sinasabi niya.

"Hindi naman masyado. Half sleep lang talaga ako ngayon. Hehe."

'Half sleep ka diyan! Masyado mong nilalandi iyang boyfriend mo.' Sabat naman bigla ng inner thoughts ko. Pati ba naman utak ko nakikisali sa usapan namin?

"Hindi ko naman siya nilalandi 'no."

"Huh? Sinong hindi mo nilalandi, Maddi?" Ay sht, napalakas yata yung sabi ko.

"Haha! Wala yun! Wag mo na lang akong pansinin." Sabi ko naman sabay peace sign. As if naman nakikita niya ako.

"Maddi."

"Bakit?"

"A-ano kasi..."

"Kasi?"

"Maddi, Let's Break-up." What the eff. Is this true?

-----

Louchimi's Note:

Three chapters to go! ;> Kapit lang mga Revengers! Marami pang mangyayari kaya stay tuned! Ano? Tingin niyo magbebreak talaga sila?

-IamHeartPrincess ♥

Wait For My Revenge (Season 1 and 2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant