Chapter Seven

10.4K 85 4
                                    

Passing days had been so hard. At least para kay Lena.

Noon, sobrang laki ng mundo para sa kanya. There's more to life. She knew she had fans. Pero ni sa hinagap hindi niya naisip na kahit sa isang simpleng mall, may mga fans siya. She never thought she inspired people who do not belong to the elite. Marami pa lang mga batang nagkapangarap dahil gusto ng mga itong maging kagaya niya. They saw her as a role model. That made her happy and inspired. Pero sa kabila ng mga taga-hanga niya, mayroong mga taong galit sa kanya. There were haters, posers, death threat senders and the likes. And so she thought the world is that huge for someone like her.

Pero nang pumasok siya sa opisina parang lumiit ang dati niyang malaking mundo. Pare-parehong muka sa araw-araw. Lethal and boring routines. Photocopying machines. Papers. Cubicles. Greetings. Lunch breaks. Formal Attire. Coffee breaks. Desktop computers. Laptop. Desks. Swivel chairs. Meetings. Same faces. You know what's worst? Kahit san siya tumingin, nakikita niya si Adam. Maging sa CR muntik na silang magkasalubong. Ang liit ng mundo para sa kanilang dalawa.

Sad is? She could not do anything about it. Simula nang buhusan niya ng Caldereta si Adam, hindi na niya ito pinapansin. The only consolation is that hindi kumalat sa opisina ang mga nangyari. She could still save face. Mas mabuti nang walang nakakaalam ng mga nangyari. Walang nakakaalam na may something sa kanila ni Adam at walang nakakaalam na niloko siya ni Adam.

Still, office life is depressing her to tears. Kung hindi siguro kay Adam, nag-enjoy siya sa opisina.

"Nakatulala sa hangin---ka na naman." Riley sang. Lahat na lang nang nakikita nito dinadaan nito sa kanta. Ano ba to? Baliw?

"Sa beverages tayo." Kumaliwa sila papunta sa section ng beverages.

"Maybe you should talk to him." Si Riley. Naglagay ito ng kung anumang wine sa cart niya.

"And why would I do that?"

"Because you need to."

She just looked at him dumbfounded. Then, walked to the biscuits' aisle.

"Muka ka nang zombie kakaisip."

She raised an eyebrow.

Riley raised hands. "Okay. Given na maganda ka pa din." Naglagay ito ng Sky Flakes sa cart niya. Hilig nito yung isawsaw sa condensada.

"Cart ko to ah. Grocery items ko to."

Pinandilatan siya nito. "Inaangkin ko ba? Pasabay lang."

Tapos siya pagbabayarin na naman? Aba. "Bayaran mo yan."

"Lista mo muna."

Sinasabi niya na nga ba. "Kutusan kita, e."

"Hey! Where did you learn that word? Pang-masa ka na?"

"Kanino pa? Edi sayo!"

"Haha!" Then, he put another set of biscuits.

"But seriously, you both need a closure." He motioned quote-and-unquote for the last word.

Hindi siya nagkomento sa sinabi nito. "Tara na."

They both went to the cashier na may napakahabang-pila. Sa may pila ng big cart sila humilera.

"Yan! Dyan kayo magagaling na mga babae, umiiwas sa usapan."

Imbis na mag-aksaya ng panahon makipagdebate kay Riley, nagbaling na lang siya ng tingin sa harap ng Supermarket, passed the cashier.

"Issa! Issabelle!" Napalingon sa kanya si Issa. May dala itong box ng cake.

"Len!" Issa approached her . "Small world....Hi, Riley.." she said tentatively.

One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon