Chapter Eighteen

4.7K 33 1
                                    


"I don't wanna hear it." Iyon ang pilit na sinasabi ni Lena sa sarili habang hinahanap ang kotse niya sa parking lot. Fvck! Where the hell is my car?! Saan na napunta yon?! She can't even remember how she got here in this hotel! Fvk! She find it really hard to focus.



WHERE IS MY GODDAMNED CAR?!!!



"Sht!" Nakailang balik na ba siya sa spot na to? Pero hindi niya talaga makita ang lesteng kotse niya!







NAMAN! Nagkakaganito na nga ang mga pangyayari sa buhay niya tapos mawawala pa ang kotse niya??





Nanghihinang napaupo siya sa semento.. giving no care. Ano ba kasing kasalanan niya sa mundo? Is this her punishment for all the headaches she caused to her family? Sinisingil na ba siya ng Diyos sa pagiging "immoral" niya as some would say?



Napasabunot siya sa sarili at tinitigan ang semento. Hindi siya iiyak. Hindi siya iiyak sa kabila ng katotohanang nagtutubig na ang mga mata niya. Hindi siya iiyak.





"Ayos ka lang ga?"





Black leather shoes.... white pants.... Tiningala ni Lena si Manong guard. "Ayos lang ho ako, manong. Hindi ko lang ho makita ang kotse ko."







"Ah ganoon ba? Ano gang plaka ng sasakyan mo at nang matulungan ga kita."





Pinilit ni Lena na tumayo pero hindi niya kinaya. Muntik na siyang matumba kaya tinulungan siya ni Manong. Hinawakan siya nito sa braso upang alalayan pero hindi siya nagpatulong tumayo. Umupo siya. Kahit mapasama si Manong o makatayo pa din ito wala siyang pakialam. Hindi niya kaya.... Hindi niya kayang tumayo. Hindi niya kakayanin....





"Immoral ba talaga ko, manong?" Napangiti siya nang mapakla. "Am I really evil to deserve this, manong?"





"Ahhhh.... Eeehhh hijaa.."





Tiningala niya si Manong. "Anong ginawa kong mali para mangyari sa kin to, manong? Ano??"





Ano..... Ano.... Ano.....



"Hindi naman ako masamang tao ee..."



Nag-uunahang umalpas mula sa mga mata niya ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan. "Sabihin nyo naman manong please naman ho, manong... Sabihin nyo sa kin. Parang awa nyo na manong... Anong ginawa kong mali para gawin nya sa kin to?" Ang sakit-sakit. Ang sakit-sakit. Ang sakit-sakit.







"Hindi ba ko sapat, Manong?"









"Naku. Naku, ineng. Tumayo ka riyan, ano? Atin gang hanapin ang sasakyan mo ano? Hwag ka gang umiyak. Mahahanap natin yaon."









Lalo siyang napaiyak. Isinubsob niya ang muka sa mga palad. "Wala nang silbi kahit mahanap pa natin yon, manong." pahikbi-hikbing sabi niya.





"Hwag mo gang sabihin iyan. Halina muna sa opisina't magkape ka muna, ano?"







Hindi niya na alam kung um-oo ba siya o hindi. Ang alam niya lang, hindi niya na mapigil ang mga luha.



















**********************************************



Natatandaan na ni Lena. Hindi niya pala sa hotel p-in-ark ang kotse niya kundi sa kabilang block pa pala.





One Night StandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon