Playlist #1: Oh, What A Riot

37.1K 669 88
                                    

www.emiliesostrange.tumblr.com/tagged/mixtapes/oh-what-a-riot

Paramore Live in Manila Mixtape

1. That's What You Get

2. My Hero (Foo Fighters)

3. Pressure
4. The Only Exception
5. Emergency
6. Misery Business

7. For A Pessimist, I'm Pretty Optimistic
8. Brick By Boring Brick

**

March 9, 2010

Finally, after long years of waiting, napanood na rin niya ng live ang isa sa mga paborito niyang banda.

Paramore.

Jake couldn't believe it. Muntikan na nga siyang maiyak sa bilihan ng ticket nung isang buwan nang malaman niyang sold out na ang concert tickets. Ni hindi pa nga siya nakakaget over sa break up nila ni Kayla tapos..

He was thisclose to breaking one of his 10 Concert Commandments. Thou shall not buy tickets from scalpers. Si Hayley Williams kasi 'to! Hindi pa ba niya isusugal?

But a miracle happened: Two days before the concert, his OJT supervisor called him with a great news. May sobrang complimentary VIP ticket sa office at itinabi raw 'yon para sa kanya. Token daw sa pagiging best intern niya last summer.

(Best intern. Almost a year later kinikillig pa rin siya.)

Wearing his customized Paramore shirt, isa siya sa libu-libong fans na nakipagsiksikan, nakitalon, halos mabali ang leeg sa kakaheadbang at walang sawang sumigaw.

He was having the time of his life. Sino nga bang hindi maiiyak sa sobrang saya na finally, napanood mo ng live ang mga taong hinahangaan mo? Hindi niya maimagine ang buhhay niya kung wala ang Paramore. Their songs became his anchor through one of the darkest moments in his life. But, the ironic thing was, si Kayla pa ang nagpakilala sa kanya sa Paramore noong Comm Arts freshmen pa sila almost four years ago. (Kabado nga siya na baka magkasalubong sila sa labas pagkatapos ng concert.)

Kaso after three fucking years, tinapos lang ni Kayla ang relasyon nila sa God, why am I still with you, anyway? I'm so done with this.

(Ilang beses din niyang pinatugtog ang discography ng Paramore noong moving on letting go period niya. Sa kakapakinig ni Jake, pakiramdam tuloy niya na siya ang inspiration ng banda sa patama songs, lalo na sa That's What You Get. Para bang pinapagalitan siya ni Hayley, at bawat beat ng drum ay naging Tang aka, tanga ka! sa pandinig niya.)

It was one of the best nights of his life. (Vinideohan pa niya halos lahat ng performances. He'll definitely blog about this tomorrow.)

May isa nga lang siyang problema.

Yung babaeng katabi niya sa concert.

Ayaw na niya sanang pansinin ang katabi niya pero.. nakakabother ang pagiging tahimik at frigid nito. Sa isang rock concert. Ni hindi rin ito kumanta o tumalon man lang. She just stood there in the middle of the crazy crowd, listening quietly. Weird.

(He found her a little cute when she closed her eyes during The Only Exception, though.)

Bigla tuloy siyang nanghinayang sa ticket ni Ate. Sana kapwa hardcore Paramore fan na lang ang nakakuha at hindi siya.

(God, how he hated posers. As a hardcore music fan, he found them revolting.)

Dahil sa katahimikan nito, akala niya harmless si Ate. Boy, he was wrong.

It's You I HearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon