Playlist #2: we're in the same room just one million miles away

16.3K 453 38
                                    

Playlist #2: we're in the same room just one million miles away

www.emiliesostrange.tumblr.com/tagged/mixtapes/were-in-the-same-room

Dead Man Walking -The Script

Heartbreak Warfare - John Mayer

Thursday Blues (acoustic) - Daybreak

Diamond Eyes - Deftones

Let It Out - Switchfoot

Concrete Girl - Switchfoot

**

Months later...

Emilie hated Daybreak's newest album.

So much.

Next to Eraserheads and Sugarfree, favorite OPM band niya ang Daybreak. Una niyang napakinggan ang banda nung nagfrontact ito sa Parokya ni Edgar sa freshman welcome concert ng university nila two years ago. She fell in love with the band's meaningful lyrics and catchy indie alt rock sound. Bonus pa na gwapo ang vocalist nitong si Gio. (Emilie has a thing for hot skinny vocalists. She didn't know why.)

Pero dahil sa album na 'to? Nagdadalawang isip na siya.

Masyado lang siguro siyang nag-expect sa album. Ilang taon din niyang hinintay na magkaron ng full length album ang paborito niyang banda tapos.. ganito lang. Her worst nightmare came true. Nag-iba nga ang tunog ng Daybreak ngayong mainstream na sila. Siguro ganun ang gusto ng label para sa debut mainstream album nila: tunog lata. Hindi siya makapaniwala na pumayag ang banda sa ganoong arrangement.

She was so frustrated about the album that she ranted about it for hours on Twitter. (Imbis magreview para sa Educ 103 quiz niya that day, sinayang niya ang two-hour break niya para magrant, a classic Emilie de Guzman move.) Kesyo mababaw ang lyrics, naging extra whiny ang boses ni Gio at naging pop ang tunog. All the bad things she could think about the album, tinweet na niya. No holds barred.

(A dozen unfollowed her for excessive bashing and punctuation use. Wala siyang pakialam, sanay na siya sa ganoon..)

But deep inside, sobrang lungkot niya. That album was so not the Daybreak she heard and loved years ago.

Nang mapagod siya sa pagrarant, sinearch niya sa Twitter ang reactions ng ibang Daybreak fans sa album. She was annoyed and shocked nang malaman niyang siya lang ang disappointed sa bagong Daybreak record. Ni walang nainis o naumay sa bagong tugtog ng banda. (Gusto pa nga niya sanang replyan ang isang tweet na nagsabing ang hot daw ng bagong boses ni Gio. Kaso may rule siya na hindi siya papatol sa kahit sino na five years younger sa kanya.)

Bukod tanging siya lang ang hater.

Agad niyang tinignan ang favorite music blog niya, ang Mad Music Junkie. Nabasa niya kasi sa isang tweet na isa siya sa nakakuha ng complimentary copies ng album bago pa ang release nito.

Sigurado si Emilie na parehas sila ng reaksyon ng blogger; after all, they have the same taste in music. But boy.. she ended up furious.

The blogger raved about the album and gave it 4.5 stars.

"What the hell? Bingi ba 'to?" she spat out while skimming though the article.

She couldn't believe it. Fan siya ng music blog na 'to since its first month of existence. This was the first time she didn't agree on a review, so she commented her all of her rants on the post. Confident siyang hindi papansinin ng blogger ang rants niya. He rarely reads comments anyway.

(Two days later she received an e-mail notification from the blog. Apparently, the blogger read her comment and responded.

Hindi niya binasa ang comment. Nadistract kasi siya sa profile photo ng blogger.

It's You I HearWhere stories live. Discover now