Playlist #6: jealousy rides with me

8.4K 410 63
                                    


Playlist # 6: jealousy rides with me

users/jbanzuela/music/itunes/playlists/jealousy-rides-with-me

how do i tell a girl i want to kiss her? - modern baseball
fallingforyou - the 1975
who's in your heart now? - studio killers
shiver - coldplay
the girl - city and colour
jealousy rides with me - death cab for cutie
make damn sure - taking back sunday

***

Medyo nagsisisi tuloy siya na pinakilala niya si Emilie kay Gio, ang vocalist ng Daybreak.

Sure, Gio is a friend. A nice guy.

But.. he's a rockstar living the clichéd rock 'n roll lifestyle.

Dati, inggit na inggit siya sa mga taga-banda na nilalapitan ng chicks after ng gigs. He was once too mesmerized with the rockstar lifestyle. Sex, drugs, chicks and rock 'n roll, ano kayang feeling no'n? Minsan naisip niya kung kaya rin ba niyang gawin ang antics ni Gio kung isa siyang rockstar. Siguro mahaba na rin ang listahan niya ng flings at one night stands.

Watching Gio doing his patented rockstar flirting moves to Emilie made him sick. Okay lang sana sa kanya kung sa ibang babae ang kinikindatan at nilalandi ni Gio. Normal na 'yon sa bawat Daybreak gig na pinupuntahan niya.

But this time, it's Emilie. His Emilie.

He's not jealous. He couldn't be jealous. Emilie's just a friend. Nothing less, will never ever be more.

(A small part of him screamed "Liar," though.)

( "Nabobother ka ba?"

He blinked at Miguel twice bago nagsink in sa kanya ang sinabi nito. "Gago, anon pinagsasabi mo dyan?"

"Doon o." Tinuro ni Miguel sina Emilie at Gio, na nagkukwentuhan sa kabilang side ng bar. Birthday gig kasi ni Makoy, drummer ng Daybreak, at himalang naisingit ni Emilie ang pagpunta kahit maaga ang pasok nito kinabukasan. "That looks very cozy."

Kanina pa iniiwasan ni Jake na tumingin sa direksyon na 'yon. Sure, okay lang sa kanya na hindi siya pinansin ni Emilie after nilang dumating sa bar two hours ago. Okay lang din sa kanya na nakakalimang bote na siya ng beer. Ang hindi okay sa kanya? Ang tanungin siya ni Miguel ng isang bagay na ayaw niyang sagutin.

"Sus, ganyan naman lagi si Gio eh," he said nonchalantly, taking a sip of his newly opened beer. "Tsaka hindi na nene si Emilie, mukha lang. Kaya na niya yan."

He was praying for Miguel to let it go. Ang laki na kasi ng pinagbago ng kaibigan mula noong namatay ang nanay nito sa cancer three years ago. From being the carefree Miguel Temprosa, tinamaan ng malalang adulting at seriousness na ang kausap niya ngayon. Kaya.. hindi na siya nagulat nang magsalita pa ulit ito.

"Kaibigan ko yang si Gio since kinder pero sadyang ibang klase pagkagago niyan. Kung ako sa 'yo, ilayo-layo mo si Emilie. He's on a roll this year, Jake. That girl doesn't deserve to be a part of that roll."

Minutes later, tumayo si Miguel at nilapitan ang dalawang pinapanood nila kanina. He whispered something to Emilie, na napatingin agad sa direksyon niya. Jake even sputtered his beer when he saw Emilie walking towards him. Tangina nitong si Temprosa oo. Ano na namang pinagsasabi no'n?!

"Jakeeee! Ililibre mo raw ako ng nachos?" nakangiting sabi sa kanya ni Emilie nang makaupo ito sa tabi niya. "Sabi ni Tempro ililibre mo ako. Dali na gutom na ako!"

Kahit 500php na lang ang pera niya, nilibre pa rin niya si Emilie ng isang nacho platter at beer. Sisingilin na lang niya si Miguel next time.)

"Parang gago si Gio, ano?" sabi ni Emilie sa kanya habang nakasakay sila ng jeep pauwi. "Ugh. Ang landi! Nakakasuka! I can't believe ang daming na-fall sa antics niyang bulok!" She even pretended to puke just to prove her point.

"Sus, nagpalandi ka rin naman eh," his heart stopped for a second, wishing she didn't notice the tinge of hurt in his voice.

He was surprised. Hindi naoffend si Emilie. Instead, she smiled. "Gago. Siraulo ka rin, ano?"

"Eh ba't mo pinatulan?"

"Wala lang," a small smile appeared on her lips. "Minsan kasi.. gusto ko lang maramdaman na special ako. Kahit sandali lang. Kahit sa maling tao.. minsan napaparamdam nilang special ka. Ah putang ina naman! Daming drama kainis!"

(Gusto niya sanang sabihin "You're special to me, Emilie" kaso kailangan na nilang bumaba sa jeep.

Maybe next time he'll tell her that.)

It's You I HearWhere stories live. Discover now