Playlist #8: you're my golden opportunity

8.9K 410 75
                                    

So... this is the last part of this novella! Pasensya na kung naging 8 na lang instead of 10. Thank you for reading Jake & Emilie's story! ❤

Chapter title from Coldplay's Moses.
Sa mga manonood ng AHFOD Tour Manila next year, see you!!! ❤❤❤

****

www.madmusicjunkie.com

Jake & Emilie's fave Coldplay songs

1. Shiver
2. The Scientist
3. Clocks
4. Moses
5. Yellow
6. Fix You
7. Don't Panic
8. The Scientist
9. Paradise
10. Violet Hill
11. Green Eyes
12. Politik
13. Everglow
14. O
15. Ink
16. Gravity
17. Sparks
18. Viva La Vida
19. Till Kingdom Come
20. Amsterdam

***
2014

For her 21st birthday, Jake gave Emilie complimentary patron seats to Taylor Swift's Red Tour.

(Isang closet diehard Swiftie si Emilie, a fact na tinawanan ni Jake for some time. Aksidente kasing nagplay ang Dear Stephen sa cellphone nito nung nasa jeep sila papunta sa concert ng Foster The People sa Araneta two years ago. Medyo tama pala ang first impression nia kay Emilie dati.)

Nagwala at naiyak si Emilie nang ibinigay niya ang ticket. She couldn't stop hugging and punching him like a mad woman.

"Grabe ka! Paano ka nakakuha nito? Patron pa!!! Oh my god, Jake!!! Makikita ko na si Mareng Taylor up close!!! Thank you so much you're the best!"

"Pinamigay lang yan ni Sir sa office eh. Walang pumansin so kinuha ko na. Sayang kasi."

(The truth? Tinanggap niya ang apat na deadlines ng boss niya kapalit ng tickets. Okay lang na dalawang linggo siyang magovertime, basta masaya lang si Emilie sa birthday niya. And besides, it's just a small thing. Mas malala pa yung pagpila nila ng halos isang araw para lang makabili ng One Direction concert tickets. He's not even a fan.)

Medyo nalungkot si Emilie na mag-isa lang siyang manonood ng concert. Kung anu-ano ang ginawa nito para sumama siya. Tumawa na lang si Jake, sabay joke ng Sus, ano namang gagawin ko run? Wala nga akong kabisadong kanta ni Taylor Swift! Eventually Emilie got over it, at nagplano na lang ito sa mga gagawin niya sa concert. (Pero she's Emilie, may isang linggo ring pangongonsensya ang naganap.)

True to his word, nag-overtime si Jake sa mismong gabi ng concert ni Taylor Swift. Sinadya niya 'yon para hindi siya bumigay sa pamimilit ni Emilie sa kanya.

Kaso, halos hindi rin siya makapagtrabaho nang maayos. Lagi kasing nagsi-send ng 15 second videos si Emilie sa Messenger habang nasa concert siya. Feeling tuloy niya nasa concert na rin siya.

(That wide smile on Emilie's face kept him awake all night. Mabilis niyang natapos ang deadlines niya dahil doon.)

**

2016

Nasa kalagitnaan ng nap time ang mga estudyante ni Emilie nang makatanggap siya ng text galing kay Jake. A text that practically changed her life.

COLDPLAY. MNL. 04042017

She almost dropped her phone in complete shock. Ayaw pang tanggapin ng utak niya ang text ni Jake. Ilang beses nang nagkaroon ng rumors tungkol sa concert nila kaya naging maingat sila. Masakit umasa.

Pero... iba ang pakiramdam ni Emilie sa text message na 'yon. Hindi naman magbibiro si Jake pagdating sa Coldplay. (No, he wouldn't dare. He tried to trick her last time at ang naging resulta? Binago niya ang password ng blog for two weeks. Served him right.)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 21, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It's You I HearWhere stories live. Discover now