Six

31 3 3
                                    

A/N: So SJ and Seventeen interactions are killing me. Seventeen is
just so adorbs. Pasensya na late ang updates. College life kills meh.
Enjoyyy. < 3

Naranasan mo na ba yung pakiramdam na yung kalamnan mo ay tense
na tense at pati tyan mo nakakaramdam ng kakaiba? Yung tipong parang
natatae, nasusuka at nagkukumbulsyon yung loob ng tiyan mo?
Tapos yung kabog ng dibdib mo parang yung mga speakers sa club na
kay lakas ng kalabog dahil sa malakas na music at yung pandinig mo
parang nakamute at iisa lang ang direksyon ng mga mata mo?

"W-Woozi." I barely breathed out.

His hair was a mixture of blonde and pink. And his eyes were the same as
I remember. A clear mirror of amusement glazed his eyes as my gaze fell
on a very wide smile on his face.

Damn.

Nakakainlove-

"Akala ko nagkamali ako." Sabi niyang malumanay as he pulled a chair
beside me and Hes. I got distracted by a weird expression from Hes.
She mouthed, 'Holy Shit' bago ko ituon muli ang tingin at focus ko kay
Woozi.

Ang lalaking dahilan ng pagpasok ko sa SMU.

Ang lalaking kay tagal ko nang hinahanap.

Ang lalaking inaasam kong muling makausap.

"Baka naman nakalimutan mo na ko ha?" Sambit niya habang nakaharap sa
akin. "Samantalang ako ni isang bonding natin noong elementary wala
akong nakalimutan." Pagpapatuloy pa nya. "Ano kamusta ka na? I didn't
know na dito ka nagaaral."

I was actually speechless pero siguro dahil ang tagal ko na ring
pinapanaginipan 'to, I answered breathlessly. "Oo. Na-accelerate ka
kasi noong mag-highschool ka di ba? Naiwan ako ng isang taon. Kakapasok
ko palang sa SMU." I managed to say without stammering.

Remind me, Elle, to treat you later.

Swerte. Shet.

"Ay, oo nga no." Sabi niya at nasapo ang noo nya. He
let out a cheerful laugh and smiled. "You look more beautiful
than the last time I saw you. Parang sa akin kasi wala naman masyadong
nagbago way back Grade six days." Tumawa siya.

"H-Hindi ah. You look cooler, Woozi. And I-I mean it." I complimented
him.

Naalog ako sa katotohanan na ang mga bago kong kaibigan ay gulat na
gulat pa rin at naglalaway na na kasama namin sa table. So, I turned my
attention into introducing them. "Uhm, nga pala. Blockmates ko sila,
Woozi. Big fans mo sila. Si Hes, si Azee and si Nicole." Sabi ko sabay
turo sa kanila.

Woozi smiled widely at nakipagkamay isa isa sa kanila.
"Nice meeting you, guys. Salamat sa support at please, " He paused
and looked at me. "pakialagaan 'tong si Jelliot. May ugaling pagka-
clumsy kasi yan. Kung saan saan nadadapa at nadudulas."

I was silent.

He remembered everything.

He still remembers who I am.

Even our stupid nicknames for each other.

Jelliot and Woojiji.

"A-Ah, oo syempre naman." Sagot ni Nicole na namumula't halatang di
pa rin makapaniwala na kausap niya ang isang super star katulad ni Woozi
Lee. What do I expect? Kung ako ngang kilala ko na beforehand si Woozi
ay natutulala't di makapaniwala, paano pa kaya sila?

But suddenly, the bell rang and Woozi looked up in alarm.

"Patay! Malalate na ko sa klase ko!" Sabi nito sabay tayo ng mabilis.
He looked at me in disappointment. "Gusto ko talagang makipagusap pa
ng mas matagal at makipagkwentuhan but maybe some other time.
Ngayon taga-rito ka na, magkakaoras na tayo." He smiled very widely.
"Kita tayo ha? Missed you Jelliot."

Niyakap niya ko.

I was frozen in my place as his arms surrounded my arms
and pulled me into a tight warm hug. "See you around!"
He yelled as he ran about his way waving at my blockmates too.

Napaupo ako ng pabagsak sa upuan nang nakaalis na siya.

Yung mga tuhod ko ay parang gawa sa gelatin na naginginig dahil
sa sobrang bigat. My eyes fell onto my hands that were shaking so
hard na parang galing ako sa isang sobrang malamig na lugar.

Hindi ko alam kung bakit ibang iba ako samantalang ang tagal
tagal ko nang pinaghandaan ang muli kong pakikipagkita sa kanya.
May mga oras ba talaga na kapag nandyan na yung taong tinitibok
ng puso mo, bigla nalang nawawala ang coherency, common sense
at huwisyo mo?

Eto na nga yata yon.

"Punyeta ka, Elle! Di mo naman sinabi na ganon kayo kaclose ni Woozi
I mean, di pa ko ready! Dyusko po naman- wait- Elle?" Wala pa rin ako
sa huwisyo. "ELLE!" Finally, Nicole's voice reached my ears.

"Huh?"

"You know what, Nics?" Sabi naman ni Hes from my side. "Mukhang
malakas tama nitong si Elle kay Woozi kaya hayaan muna nating makababa
siya sa high niya. Mabuti pa, halika, Nicole. Samahan mo ko sa may snack
bar at ibili natin ng chocolate tong si Elle. Namumutla na oh. Mamaya bigla
pang himatayin sa klase yan e." Sabay tayo ni Hes. Lumingon sya sakin at
hinawakan ang braso ko. "Don't worry, Elle. Naririto lang kami sa tabi mo
kahit gaano ka kahayok kay Woozi, suportado ka namin."

Natawa naman ako sa mga sinabi niya. Hes does really have a way with words
na magiging komportable ka agad. "Hala 'to, salamat though." I responded as
they marched away.

Suddenly, Azee moved forward and sat beside me.
"Alam mo, Elle. Bilib din ako sayo! Nagawa mong di maging obvious na
flustered ka nung kaharap mo sya!" She laughed. "Although sabay putla
naman ng mukha mo nung pagkatalikod na pagkatalikod niya!
Mukha ka nang labanos!" Sabay tawa nya ng malakas.

Ay putcha.

[ Hes' ]

Nakakagutom bigla yung usapan ni Elle at Woozi.
Aysusme urbarbaridad ba naman.

Sinong di magugulat kung isa sa pinakasikat na lalaki sa pilipinas
ay maupo sa tabi mo at makipag-not-obvious-flirting sa bago mong
kaibigan.

Aba matinde.

May mga artista nga talagang makire.

Bat naman ako?

Artista-looks and all pero di makire.

..

..

Oh, E di sorry na.

"Teka, Hes, CR lang ako, pila ka na para di tayo magtagal."
Paalam sakin ni Nicole ng papalapit na kami sa snack bar.
I responded with a cheerful okay at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Iba rin 'tong school na 'to e. Mas malaki pa ang canteen kaysa sa
mga rooms. Canteen palang ng SMU, bahay na yata namin.
I sighed as I thought about the luxurious school that is SMU.

As I was to step on the platform to fall in line, someone grabbed
my wrist and pulled me. Her hair was a shade of purple and silver
and I wasn't sure why I couldn't get out a word from my mouth,
when usually sa mga ganitong sitwasyon, nagtititili na ko't mala
armalite na ang bunganga ko kaka-sigaw.

Nang nakarating kami sa gitna ng canteen, nagulat ako ng pagharap
sakin ng taong humatak sa aking braso ay lalaki pala ito.

Diyos kong mahabagin.

Napaaga po yata ang judgement day.

Ba't may anghel rine?

"Please do this favour for me. Please. Just this once." Bulong niya
with a bit of tone for begging in his voice.

His voice was so velvety that I cannot believe he is real.
Agad agad akong natulala at hindi makapagsalita for once
in my life. Dahil di ako pinanganak ng biniyayaan ng control
sa bibig ko.

Pero bago pa man ako makasagot, dumampi ang malalambot nyang
labi sa mga labi ko. And there I stood frozen, held by a pair of arms
that were so dependable. My knees were threatening to buckle but
his strength held me in place as our lips stayed in contact for god
knows how long.

As he pulled away, napatitig ako sa mga mata niya, breathless.
"I'm Jeonghan by the way." He whispered as a small smile formed
on his face.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

From Me, With Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon