My End Game

2.5K 59 13
                                    

Mika's POV

Ilang years na din ang lumipas, nanganak na ko sa second baby namin, she's Kyra Michelle R. Ravena.

"Kyra, where's your manong?" Tanong ko sa knya habang tumatakbo papunta sakin, she's 15 years old already, and si kuya naman nya 16 na. Yes, one year lang ang gap. Pero si Kyros? Msyadong mahigpit when it comes to his sister. PArang akala nya sa kapatid nya 5 years old pa din.

"Inaway ako ni manong eh. He's so makulit. Sabi ko sa kanya later na ko uwi, im still with my friends mom, kainis him." Naiinis na sumbong nya sakin.

"So where is he?"

"Hi mom! Where's dad? I have a good news Im----"

"Tssss. Suplado." Singit ni Kyra.

"What?!! Ako? Suplado? Ikaw lang ata nagsasabi nyan sister." Naka smirk na sabi ng loko.

"Eh true naman ah?! You're so suplado. You scared my friend away!"

"Hey kyros. Totoo ba?" I asked.

"Na-uh! She's over reacting mom. That guy's malandi."

"What??! He's not! Girls lng ang malandi."

"So malandi ka?!"

"Ofcourse not! Yung ibang girls! But not me!!"

"So ganun din sa boys, yung ibang boys malandi gaya nung lalaking yun."

"Anong kaguluhan ang nagaganap sa pamamahay ko?" Isang pamilyar na boses na nanggaling sa pintuan.

"Daaaaad!" Tumakbo si Kyra palapit kay Kiefer.

"Ugh! Daddy's girl." Mahinang bulong ni Kyros pero dinig ko pa din.

"Anong nangyari bat naka simangot ang prinsesa ko?"

"Si kuya kasi dad eh!"

"Ako pa?! Okay guys listen okay? You, kyra you listen." Pagsisimula nya.

"Look, that guy? He's just playing around. Kyra lalaki ako, alam ko ang galaw ng mga lalaki, and by the looks of it? He's flirting with you for pete's sake. At ayaw ko ng ginagawa nya."

"Napaka judgemental mo!" Bumitaw si Kyra kay kiefer at mdjo lumapit sa kuya nya. Si kiefer naman napatingin sakin ng nakangiti, lumapit sya and gave me a kiss and hug.

"Nagsimula na naman yang dalawa." Bulong nya habang tumatawa. Inakbayan nya ko habang pinapanuod ang dalawa na nagtatalo.

"I am not judgemental Michelle! Sinasabi ko lang ang totoo. I am a part of the basketball team, I am the new team captain. Kilala ko ang mga lalaking may gusto sayo at alam ko ang mga balak nila sayo."

"Team captain? Woah there brooo." Nilapitan sya ni kiefer at nag fist bump sila.

"Galing ah. So kailan nya yu g game nyo?" Ano to? Biglang change topic? Bastos nitong kiefer kitang naguusap yung dalawa eh.

"Dad tapusin ko lang to, lets talk about it after this." Yan yan yan. Sabi na eh. Walang manners tong isang to kasi.

"Okay back to you Kyra." Sabi pa ni kyros after nila mag hug ng dad nya.

"Alam mo bang ilang babae na ang pina iyak ng langyang yun? Habang sumasabay sya sa inyo at nagpapapansin alam mo bang may nakapila ng babae just incase na malaman nyang wala syang pag-asa sayo? Well wala naman talaga, subukan nya lang makakatikim sya sakin."

"Mikhael! He's mabait. D mo pa kasi sya nakasabay eh."

"Hindi ako sumasabay sa mga lalaking tulad nya Michelle." Ayan na, second name na ang tawagan nila.

My End Game IIWhere stories live. Discover now