Tula ng AlDub

121 4 0
                                    

Isang binata at isang dalaga
Di yata't pinagtagpo ng tadhana
Nagsimula lamang sa isang dub smash
Ngunit kitang-kita na sila ay match

Kalyeserye kung ito'y turingan
Eat Bulaga ang pinagmulan
Sa tatlong dekada sa telebisyon
Alam na kung bakit ganon!

Buong mundo'y nakikisabay
Sa forever nila'y nakasubaybay
Milyun-milyong tweets sa araw-araw
Kapalit ng tuwa't kilig na di nakakaumay

May aral pa mula kay Lola Nidora
Na ikinatutuwang labis ng madla
Di ba nga may award pa?
Uy, wag ka, sa simbahan pa nagmula!

Sabihin man natin na siya'y istrikto
'Di ba't sadya namang totoo?
'Yung mga kaugalian nating mga Pilipino
Marapat lang na ibalik at isapuso

Saan ka nga ba nakakita ng Lola
Na ang tinig ay nakakahalina
Sa oras na bumanat si Lola Tidora
"Wooh!" pa lang niya pamatay na!

Sino nga bang hindi makakakilala?
Sa Lola na walang kapaguran ata
Makakita lang ng hagdan, sasayaw na
Si Lola Tinidora 'yan, may iba pa ba?

Ito namang si Tisoy parang may pinatatamaan
Meng na ang tawag niya sa isa diyan
Iba na ang kilig na nararamdaman
Nagkakagulo na ang sambayanan

Excited na ang lahat sa tamang panahon
Kaya ang lahat ay napapatalon
'Di ba AlDubarkads sa October 24 'yon?
Sa Philippine Arena, kita-kita tayo don!

Buong mundo ay makaka-relate
Sa tulang ito na fan made
Tinamaan ako ng AlDub Fever
Kaya naniniwala ako sa "MaiDen" Forever!

Love Story TellingWhere stories live. Discover now