Best Friend Forever

49 4 2
                                    

Dear Anmar,

Hi. Hindi ko naman talaga alam kung ano ang dapat na sabihin ko sayo. Kung ano ang dapat na ilagay ko sa sulat na to. Basta pumasok na lang sa isip ko na gawin ko to. Sulatan ka dahil ito na lang ang alam kong paraan para makausap kita. Matagal-tagal na rin naman, di ba? Mula noong huli tayong magkita? Marami akong gustong sabihin at ikwento sayo. Sana hindi maubos lahat nang salitang nasa utak ko para ma-kwento ko ang lahat.

Miss na miss na kita. Yung kakulitan mo, hindi lang sa text kundi sa personal. Alam mo bang ikaw ang nagturo sakin kung paano tumambay kahit na wala naman talagang practice para sa kahit anong subject? Ikaw lang din ang nakapagpalabas sa tunay na ako. Alam mo yon? Yung dating tahimik na ako, ano na ba ngayon? Dahil sayo, natuto akong makipag-socialize sa mga tao.
Loner kasi ako bago ka dumating sa buhay ko. Salamat na lang pala sa clan na binuo mo noong fourth year tayo. Kung hindi dahil doon, sino naman kaya ako ngayon?

You made me see the world. Inilabas mo ako sa comfort zone ko. Pinatapang mo pa nga ako eh. Kung hindi dahil sa mga sinabi mo sakin noon na lumaban ako at huwag yung iiyak na lang, huwag akong magpapatalo dahil hindi naman ako yung nawalan. Nasa utak ko pa yon. Memoryado pa ng isip ko. Hinding-hindi ko yon makakalimutan.

Nasa akin pa yung Valentines Card na binigay mo. Kahit na maiksi lang yung nakalagay doon, masaya ako. Dahil hindi mo ako nakalimutan nang araw na yon. Samantalang ako, wala akong naibigay kahit na ano sayo. Sorry ha? Ang dami ko palang pagkukulang. Ang dami ko palang na-miss na chances.

Naaalala mo pa nung nag-away tayo? Hindi pa natatapos yung klase nilapitan mo na agad ako. Niyakap mo ako. Sinabi mo pang hindi mo ako matitiis kasi ako yung bestfriend mo. Ako lang yung nakakaintindi sa mga kalandiang taglay mo sa katawan. Sinabi mong hindi mo kayang magtampo sakin ng matagal. Pero may sinabi ba ako? Wala, di ba? Ako na nga ata yung may kasalanan, ikaw pa tong nag-sorry sakin. Sorry ulit. Sorry ng paulit-ulit.

Sabi mo doon sa sinulatan mong dedication book ko, i-text lang kita kapag may problema ako. Indicated pa nga doon yung phrase na Chillax lang #28, andito pa si #24. Naaalala mo ba? Napapangiti ako sa tuwing mababasa ko yon.

Natatawa na lang ako sa tuwing maaalala ko lahat ng kalokohan natin noon. Yung mga kalokohang tayo lang ang nakakaalam. Mga kamalditahang secret lang din nating dalawa. We shared a lot of secrets, right? Sa sobrang dami, hindi ko na nga maalala yung iba.

Remember when the bastard left me for her? Ikaw yung unang nagalit sa kanila kasi hindi ko pa alam. Wala akong kaalam-alam. Ikaw lang yung nag-iisang tao na nasa tabi ko noong umiiyak ako dahil doon. Ikaw yung nagsabing "Sige, iiyak mo lang yan. Mawawala din yan. Lilipas din yan." Tapos niyakap mo ako nang sobrang higpit. Sa sobrang higpit nalaman ko na lang na umiiyak ka na din. Kasi pareho pala tayong broken. Pareho tayong nasasaktan.

Nasasaktan kang makita akong umiiyak dahil hindi naman karapat-dapat yung lalaking iniiyakan ko. Ikaw lang yung naging ganoon sakin. Sa lahat nang naging bestfriend ko, ikaw lang yung nag-iisang umiyak dahil nasasaktan ako. Thank you. Thank you. Sobrang thank you.

Miss na miss na talaga kita. Kahit naman kasi gustuhin kong puntahan ka para makita ka, hindi ko naman alam kung nasaan ka na. Kung nandoon ka pa rin ba. Ilang beses na kitang hinanap pero hindi kita nakikita. Puro na lang sa panaginip. Sa panaginip kung saan mahigpit mo akong niyayakap at sinasabi mong miss na miss mo na ako. Gusto kitang dalawin pero hindi ko magawa. Natakot akong umiyak sa harap mo. Natakot akong baka masaktan ka na naman dahil sakin. Baka umiyak ka na naman dahil umiiyak ako. Ayoko nang ganoon kapag nagkita tayo, huh? Gusto ko chill lang. Kwentuhan lang. Pwede ba yon?

Alam mo bang napapangiti pa rin ako kapag naaalala ko sa tuwing tinatanong mo sakin kung ano ang score ko sa tuwing major exam? Sinisimangutan mo ako sa tuwing mas mataas ang score ko sayo. Then one time, sa AP na subject, mas mataas ka sakin, tuwang-tuwa ka na. Nagtatalon ka pa sa tuwa dahil mas mataas ka sakin. Alam mo namang hindi ko bet ang AP, di ba? Inaantok ako sa subject na yon. Mula elementary, hindi ko na siya gusto. But then, natawa na lang ako sayo. Sa sobrang eager mong mataasan ako, pwera lang sa Math na ayaw mo nga dahil sabi mo saulado ko na lahat ng formulas doon, nag-aral ka ng bongga. Matalino ka naman talaga eh. Malandi nga lang. Hehe.

Love Story TellingWhere stories live. Discover now