10th of Alphabet

31 2 0
                                    

To the guy I should have ended with

I wanted to tell you something I've been holding on for so long. Hindi ko alam kung anong patutunguhan nito, but I have to try. At the very least, for myself.

Years ago, I met you. Mali pala. Nakita kita pero di mo ako napansin. Wearing that blue shirt that fits you perfectly that night. There and then, I know, ikaw na.

We started out as strangers. Di mo alam ang existence ko samantalang humihinga naman ako sa mundo. Maybe because you have your eyes on her. Ano nga ba namang laban ko sa katulad niya di ba? I was this simple girl, while she was your type of girl --- matapang at mataray. So, I distance myself kahit na hindi mo naman ako kilala.

Weeks passed, okay na ako. Sabi ko sa sarili ko, I'll get over this feeling. Crush lang naman kita. Crush lang. Iyon lang 'yon. But destiny seemed to mess up with me. The time na sumuko na ako, it was the same time na nakita mo ako. Iyon yung oras na di ko na ata maaalis sa isip ko.

Your stare that night. The way you look at me. Ano? Nahulog ka na ba? Ako na ba yung mahal mo? Finally, ako na? Aamin ka na? At some point feeling ko ako si Rozen Elizalde (kaya siguro minahal ko siya ng husto), I like the peole who doesn't like me. But I am not totally Rozen, kasi di ko kayang ipagpilitan yung sarili ko sa taong 'di naman ako magugustuhan.

But that night, something happened. That night, you called me your girl. That night, you and I happened.

Mabilis. Kasing bilis ng ikot ng elisi ng electricfan. Kasing bilis ng takbo ng kamay ng orasan. Kasing bilis ng agos ng ilog. Kasing bilis ng paglipad ng mga ibon. Kasing bilis ng pagsabay sa hangin ng mga ulap.

Isang gabi. Isang tanong. Doon nabuo yung 'tayo'.

Masaya. Masarap magmahal. Nakakabaliw. Intense. Thrilling. Mahirap intindihin. Magulo. Nakakaselos. Tama na. Ayoko na. Please. Tumigil ka na. Hindi ka na mahal. Hindi na ikaw ang mahal. Cool off muna. Hindi. Break na. Tapos na. Wala ng tayo.

Kung gaano kabilis nagsimula ang lahat, ganoon rin ng matapos. Biglaan. Di inaasahan. Natapos lang kasi... walang dahilan. Kasi gusto mo. Kasi may iba ka na. Kasi di ka na masaya. Kasi di ko kayang ibigay ang lahat. Kasi madami pa akong pangarap. Kasi baka hindi naman talaga dapat yung "tayo". Baka mas okay kasi yung "kayo".

Bibilangin ko ba kung ilang taon na ang lumipas? Bibilangin ko ba kung gaano katagal akong naghintay? Bibilangin ko ba kung ilang patak ng luha ang nasayang? Bibilangin ko pa ba kung ilang ulit mo akong nasaktan?

Isa. Dalawa. Tatlo.

Tatlong beses na nagloko ang tadhana. Tatlong beses akong sinubukan bago ko matanggap na wala na. Tatlong beses akong muling umasa para lang masaktan sa huli. Kasi, ikaw, masaya ka na habang ako naiwang mag-isa. Mag-isa. Na halos kuntento na. Kuntento na kung 'di ka na sana nagparamdam pa.

I've been fine after all those years. I've been doing well after all those heart breaks. Sabi ko sa sarili ko maghihintay na lang ako. Ang hindi ko alam, ikaw pa rin pala yung hinihintay ko.

Apat. Lima. Anim.

Anim. Anim na ulit akong umasa. Umasa na mayroon pang "tayo" at wala na "kayo". Selfish kung tutuusin. Pero masama bang pangarapin, yung ikaw at ako? Yung mayroon pa sanang "tayo"?

Akala ata ng iba okay ako. Di nila alam na ikaw pa rin ang kahinaan ko. Ikaw pa rin. Wala namang nagbago.

Pito. Walo.

Walo. Walong taon na yung lumipas pero parang kahapon lang ang lahat. Sariwa pa rin sa alaala yung sakit na naramdaman ko ng gabing sukuan mo ako. Hindi ko pa rin maintindihan kung ano na nga yung naging dahilan. Hindi ko na alam kung para saan pa yung luhang bumuhos, sa sakit o sa awa sa sarili.

Nagmahal ka ng iba habang minamahal pa rin kita. Iniwan mo akong mag-isa at nagawa mo pang maging masaya. Sinaktan mo ako pero hindi ko 'yon kayang gawin sa'yo. Hindi ko kayang talikuran yung taong minahal ko ng buong puso.

Siyam. Sampu.

Sampu. Sampung beses kong pinag-isipan 'to. Sabi ko magiging masaya rin ako. Sabi ko magiging maayos din ang lahat para sa akin. Pero sino nga bang niloloko ko kundi ang sarili ko?

Okay ako, kasi iniisip kong okay ako. Masaya ako, kasi iyon na lang ang kaya kong gawin para sa sarili ko. Mahal pa rin kita, at iyon ang totoo. Pero ang masaklap na katotohanan sa mundo, hindi na pwede yung "tayo".

Ikaw, na minahal ko. Ikaw, na nagpasaya sakin ng husto. Ikaw, na pinaramdam sakin na masarap magmahal. Ikaw, na siguro nagbabasa nito, pinalalaya ko na ang sarili ko mula sa'yo.

Magiging masaya ako dahil deserve ko iyon. Magiging okay ako dahil malaya na ako sa mga alaala mo. Magmamahal na akong muli, higit pa sa pagmamahal na ibinigay ko sayo. At mamahalin akong muli dahil alam ko na kung paano mahalin ang sarili ko.

Salamat sa lahat ng alaala. Salamat at paalam.

Love Story TellingWhere stories live. Discover now