Twenty

268K 4.1K 472
                                    

November 01. Araw ng mga patay. Daphne' 19th birthday.

No joke. Birthday niya talaga ngayon no. Ang galing siguro umire ng nanay nun at talagang sakto pa ang birthday niya sa kanya. Anyway, nakatanggap ako ng invitation sa kulto- este sa birthday party ng bruhildang iyon. Lagi siyang ganyan, lagi akong iniinvite. Miss na siguro ako nun no? Last year hindi ako pumunta, but this year I will.

"Ano kayang magandang maregalo sa bruhang iyon?" tanong ko kay Allison. Oh diba nabuhay siya. Nandito kami sa garden ng mansyon ko ngayon.

"Malay ko." sabi niya.

"Aba mag-isip ka, ngayon ka na nga lang mag-aappear sa kwentong ito ganyan pa ang dialogue mo. Baka gusto mong ipapatay kita kay author."

Natawa siya at pinalo ako sa braso ko. "Ikaw naman, joke lang no! Hmm, ba't kaylangan mo pang mag-regalo? Sa pagpunta mo pa lang masaya na yun."

"Eh ba't ba? Gusto ko siyang bigyan ng gift. Diba sabi sa Bibliya love your enemies? Kaya gusto ko siyang bigyan ng some luvin'."

Tumawa na naman 'to si Allison. "Ba't hindi kaya bigyan mo siya ng Bibliya para may matutunan naman siyang values,"

"Ay nako. 'Wag na. Pag binigyan ko ng Bibliya yun, masusunog lang yun no."

Nagtawanan lang kami doon. Pero nag-iisip talaga ako kung anong ibibigay ko sa kanya. I tried to remember yung mga panahon na sila pa ni Kuya Austin. Madalas siyang bigyan nito ng mga puting rosas, pero ayaw naman ni bruha kase ang gusto niya daw red. What if bigyan ko siya ng flowers? Pero 'di roses. Sampaguita kaya?

"Kaylangan kong pumunta ng simbahan ngayon," sabi ko kay Allison.

"Baket? Hihingi ka ng patawad sa mga kasalanan mo?"

Inupakan ko siya. "Gaga. Bibigyan ko ng sampaguita yung bruhildang iyon. Naalala ko kase, ayaw niya sa mga puting bulaklak. Para daw pang-patay. Ayoko naman siyang bigyan ng white roses kasi hindi bagay sa kanya eh."

"Ahh. Edi magsho-shopping pala tayo ng ma sampaguita ngayon,"

"You got it." sabi ko sa kanya sabay tayo at sumunod naman siya sa akin. Nagpa-drive ako kay manong doon sa simbahan. Nung nakababa na ako, oh my gosh ang daming batang nagbebenta ng sampaguita. Mukhang masasayahan si Daphne neto.

"Hoy mga bata! Bibilhin ko lahat ng sampaguita na binebenta niyo!" pagkasabi ko nun dinumog ba naman ako. Pinagbibili ko lahat ng sampaguita nila tapos nung okay na, sumakay na ako sa kotse. Pero biglang may kumatok sa bintana.

Pinagbuksan ko. "Anong problema mo?"

"Bilhin niyo na po 'tong iisa kon sampaguita. Huli na po 'to eh,"

Humirit naman si Allison. "Ano munang scientific name ng sampaguita?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya. Kahit nga ako hindi ko alam tapos tatanungin niya 'tong bata.

"Jasminum sambac po. Kingdom Plantae from the family Oleaceae, tribe Jasmineae, and Genus Jasminum. Gusto niyo po pati cultivation ng sampaguita sabihin ko po?"

Napalakpak kami ni Allison. Talaga bang nagbebenta lang 'to ng sampaguita? Inabutan ko siya ng 50 pesos. Aabutin ko sana yung sampaguita pero nilayo niya sa akin. Tinignan ko siya ng masama.

"Ba't hindi mo pa sa kin ibigay yan ah?"

"50 pesos lang tapos kog sabihin sa inyo yung mga ganung facts? Talent fee ko?"

"Wow talagang nag-demand pa ah." Inabutan ko siya ng 500 pesos. Mukha ngang nagulat eh. Napangiti ako sa kanya. "I-push mo lang 'yan. Kahit bata at mahirap ka lang, maldita ka na. I like that,"

Inabot niya sa akin yung sampaguita at taas-noong napangiti sa akin. "For me being maldita is not about being maganda, sexy, or mayaman, it's about being able to influence and inspire other people. No matter what you have as long as you have the heart you can inspire other people to be maldita! Thank you!" tapos tumakbo na yung bata.

"Wow, pwede nang pang-Ellen yung batang yun ah," Allison commented.

I smiled. "Ganun dapat! Hay nako, 'lika na nga at may dadaluhan pa tayong lamay."

Umandar na yung kotse papunta doon sa bahay ni Daphne bruhilda.

The XL Beauty (PUBLISHED)Where stories live. Discover now