Fifty five

213K 3.5K 507
                                    

"Ayoko na, this is getting boring." himutok ng Daphne na iyon sabay bato ng chess piece sa lapag. Sabagay, agree naman ako sa kanya for the first time in my life. Nakakabored na talaga dahil kanina pa kami naglalaro ng mga board games dito. Kamalas-malasan kase na bigla na lang nagkaroon ng malakas na bagyo at dahil malakas ang hampas ng alon, hindi kami makakapag-swimming. Hay nako. Sayang ang vacation no.

"Kung maglaro kaya tayo ng tagu-taguan?" biglang sabi naman ni Kei. Napatingin kami sa kanya. Mukha naman siyang seryoso ah.

"Sounds a good idea," sang-ayon naman ni Allison. Kakababa niya pa lang mula sa kwarto, naligo kasi siya. Basa pa nga yung buhok niya eh. Tumabi siya kay Kei.

"Oo nga, para naman may magawa tayo." sabi din naman ni Greg.

Tumango lang si Kuya Rowell bilang paga-agree na din. Edi lahat sila payag na, except sa amin ni Daphne. Tinignan ako ni Kei, kaya ayun, gumive in na rin ako. Pero ayaw talaga ng impakta, pa-special forever, well alam niyo naman special child siya, pero ayun pinilit na lang siya ni Kuya Rowell and then there. Nagkonti-alis thingy kami and ang taya si Daphne.

"Ay nako! This is so unfair! I don't want to be the taya!" sabi niya.

"Arte arte mo tumahimik ka nga. Maghahanap ka lang naman, magaling ka naman dun diba? Maghanap ng mga kalandiaan mo tapos magaling ka rin sa tagu-taguan. Kaya nga ang dami mong napaplastik diba?" sabi ko sa kanya.

Sumingit naman si Kuya Rowell. "Okay, no fighting. Ako na lang ang taya."

Humirit na naman si Daphne. "What? Eh sinong kasama kong magtago?"

Ang arte talaga kainis!!! Hay nako. Umiinit dugo ko sa babaeng ito kahit kelan. Pag siya taya, ayaw. Pag hindi naman na siya taya, ayaw niya rin. Ang gulo!!! Ugh.

"Ako na lang magiging taya." napatingin ako kay Allison. Tinaas niya pa yung kamay niya na talagang nagbo-volunteer siya at ngumiti ng maliit. Ang weird talaga ni Allison ha, simula kagabi. Kaninang umaga nga hindi kami nakapag-usap kase tulala lang siya. May nangyari kaya?

Napagkasunduan na si Allison ang taya kaya gumora na kami. Bale, doon siya sa salas, nagbibilang, kaya dumiretso ako sa may kitchen. Alam ko may taguan dito eh.... ayun. May counter kase dito na may butas ek ek, bata ganun na na yun. Umupo ako doon at nagtago. Kaso, bigla ba namang may sumunod sa akin.

"Oh Greg, ba't mo ko sinusundan ha?" tanong ko sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko. Kaasar talaga 'tong lalakeng ito. Hindi na rin ako nakaangal kase mamaya tapos na magbilang si Allison at hindi na ako makatago pa. Nakangiti siya sa akin. "Ayaw mo yun? Kasama mo ang one and only mo."

"Kadire ka. Don't you speak bad words."

Natawa na lang siya. Ano kayang nakakatawa dun sa sinabi ko? Teka, baka nababaliw na ata 'to. "Tabby, alam ko kung anong magpapasaya sa'yo." sabi niya.

"Kung alam mo naman pala, ba't nandito ka pa?" sagot ko naman sa kanya.

"Aray naman Tabby. Sasaya ka pala kapag wala na ako ah. Haha, pero hindi yun. Alam mo yung Kei na iyon?"

Aaminin ko, medyo nagkaron ako ng interes sa kung anuman ang sasabihin niya. "Ano namang meron sa Kei na yun ah?"

"I think he likes you."

Napalaki naman yung mga mata ko sa sinabi niya. Ano daw? Gusto daw ako ni Kei? Weh? Pag ako binibiro ng kumag na 'to, nako lang! Swear mas magiging magaling na boksingero pa ako kesa kay Pacquiao.

"Pano mo naman nasabi ha? Aber?" tanong ko sa kanya.

Sumagot naman siya. "Kagabi, diba nawala tayo at iniwan kita para humingi ng tulong, eh nawawala pa rin ako nun, tapos bigla nakasalubong ko si Allison. Sabi niya hinahanap daw nila tayo. Edi sumama ako sa kanya, tapos hinanap namin ikaw. Nakita namin kayo ni Kei, pero natigil siya. Pano ba naman kase, pinag-uusapan niyo si Allison."

Napafacepalm ako. Oh my gosh... narinig pala yun ni Allison.... yung sinabi ni Kei na hindi niya daw gusto 'to. Akala kase ni Allison gusto siya ni Kei eh, akala ko rin. Tapos yan. Nalaman niya na. Kaya pala... kaya pala ang weird ni Allison ngayon.

"Pero teka, pano mo naman nasabi na gusto nga ako ni Kei?" tanong ko sa kanya.

"Kase nung nalaman ko na hindi niya gusto si Allison, edi naging sigurado na ako na ikaw nga ang gusto niya. Naalala mo yung school day niyo? Nung nagkita ulit tayo? Destiny-"

"Oh sige anong meron don? Dadagdagan mo pa ng destiny eh." sabi ko.

"Nung nagdinner tayo. Sabi ko kase ang taba mo at ang panget mo-"

Binatukan ko siya. "Eh loko ka pala eh! Kaya ka pala binugbog nun ni Kei! Dapat lang pala sa'yo! Nako, kung ako mga nakarinig nun mas malala pa nangyari sa'yo putang ina ka."

Hinimas niya yung batok niya. "I don't really mean it, Tabby. Sinabi ko lang yun para itest si Kei. Napansin ko kase na parang nagseselos siya nung gabing iyon, kaa nagkahinala na ako. Eh medyo nagkaron ako ng doubts kase dahil nga kay Allison, pero ayun. Simula kagabi, sure na akong ikaw ang gusto niya."

Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Nakakainis kase, bakit ako parang natutuwa pa dito? Naheartbroken na nga ang best friend ko, pero eto, natutuwa pa ako. Kase panalo ako! Ako ang gusto!!! OMG. Pero teka, hindi pa ako dapat magbunyi. Kase mamaya mali pala 'tong Greg na ito.

"Sigurado ka talaga?" tanong ko sa kanya sabay ngiti.

"Yahp," tango niya pa.

"As in sure na sure?"

"Oo nga." sagot niya ulit. Nayakap ko tuloy siya nang wala sa oras. Nakakatuwa kase eh!! Gusto ako ni Kei! Gusto niya ako. Oh my gosh. Gusto ako ni Kei... GUSTO AKO NI KEI!!!! OO PAULIT-ULIT AKO ALAM KO!!!! KASE NGA GUSTO AKO NI KEI HIHIHIHI. Biglang umuubo na si Greg doon. Namumutla na nga eh. "T-tabby.... ermm... h-h-hindi na ako... makahinga......"

Binitawan ko siya kaagad. "Sorry. Nadala lang." natawa na lang kame. Maya-maya ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa rin si Allison. Nakakapagtaka naman. Ang lapit lang kaya ng kitchen sa salas. Nangangalay na rin mga binti ko eh, kaya niyaya ko na si Greg na gumora na. Umalis na kami doon tapos pumunta ng salas. Wala na doon si Allison. Nagkatinginan kami ni Greg. Hinanap namin si Allison tapos finally nakita namin sila ni Kei sa may garden ng bahay. Nandun sila sa parang may covered na swing. Lumapit kami ni Greg sa kanila pero 'di kami nagpapakita.

"Narinig ko kayo ni Tabby kagabi," sabi ni Allison.

Magsasalita na sana si Greg pero pinigilan ko siya. Gusto kong marinig kung anoman yang paguusapan nila. May feeling ako na parang may something eh.

"Ano dun?" tanong ni Kei.

"Na hindi mo ko gusto." sagot ni Allison. Awkward silence. Ano ba yan. Nakakainis. Bigyan niyo nga ako ng popcorn at parang movie na 'tong pinapanood ko.

"Bakit, hindi mo pa ba alam?" sabi din niya naman. Ouch ah. Medyo masakit yun, ang harsh netong Kei na ito ah! Medyo naiiyak na ata si Allison.

Tahimik na naman. Ano ba yan. Lagyan nga 'to ng background music.

"Kei.... gusto mo ba si Tabby?" tanong na naman ni Allison.

LANGYA, BA'T AKO NADAMAY AH?! Siniko ako ni Greg at kumikindat na. Medyo kinikilig naman ako na ewan. Kaasar. Pero... ang marinig na mismo kay Kei manggaling na gusto niya ako..... ewan ko ba. Siguro sobrang saya ko na nun.

Tahimik na naman. Eh medyo nagwawala na rin si Allison, umiiyak na nga eh. Kinakalma naman siya ni Kei.

"Ako? Kung may gusto ba ako kay Tabby... Erm....."

Yan na. Sasabihin niya na. Baka mapatalon ako sa tuwa ah!! Hehe. Sorry na lang kung magka-earthquake.

"Ano ka ba... ako? Magkakagusto kay Tabby? Eh ang taba-taba nun no... kaya hindi ako magkakagusto doon."

Bigla akong parang nabagsakan ng semento sa balikat. Nakatingin din sa akin si Greg. Yung tingin na parang naaawa. Bumulong siya sa akin. "Sorry, mali pala ako...."

Nginitian ko siya. "Sabi ko sa'yo eh, ikaw talaga. Assuming ka kase." sabi ko. Hindi ko nga alam kung kausap ko pa si Greg nun eh, o mismong sarili ko na ang sinasabihan ko.

Mataba ka na nga, maldita ka pa, at assuming ka pa. Magkaboyfriend ka pa kaya? Asa ka pa.

The XL Beauty (PUBLISHED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora