CHPTR 1: ONE NIGHT

4K 50 1
                                    

"Brad, I think you should stop." Sagot ni Ferdinand sa umiiyak na kaibigan, saka kinuha ang hawak nitong alak. Isang mahinang tawa lang ang isinagot ni Viceral sa mga sinabi ng kaniyang kaibigan, "No, okay pa ako. 'Di pa nga ako lasing e." Bulalas nito sabay hablot sa kinuhang baso ng alak sa kaniya ni Ferdinand. Tumungo lang siya sa lamesa habang pinakikinggan ang tunog ng maingay na club, tila bawat tao ay walang iniindang problema, tila masaya ang lahat habang nagsasayaw sa masayang tunog na umaalingawngaw sa loob ng mausok at amoy alak na club.

"Bakit kaya wala manlang siyang sinabi?" Bulong ni Viceral habang nakatungo pa rin sa lamesa na siya namang tinugunan ng matalik na kaibigan, "Siguro kailangan niya lang talaga. Kung ano man ang reason niya kung bakit siya umalis, I think you should respect that Brad." sagot ni Ferdinand saka lumagok ng alak. Naaawa man sa kaibigan, pinipigilan ni Ferdinand na kaawaan ito dahil alam niya na ayaw na ayaw ni Viceral na kinaawaan siya ng ibang tao. Ayaw na ayaw ni Viceral na mayroong nakakkita sa kanyang ganito, nakakakita sa mga kahinaan niya, at tanging si Ferdinand at Billy lang ang pinapakitaan niya nito.

"Ang hirap kasi e, alam mo yung feeling na bigla ka nalang naiwan sa ere. Ganun na lang ba 'yun para sa kanya? Hindi niya manlang ba ako pinahalagahan?" Lumingon naman si Viceral kay Ferdinand saka hinablot ang iinumin na sana nitong alak na nasa baso.

"Brad naman, 'Wag mo naman sanang idamay 'yung baso ko." Pakiusap nito kay Viceral, "Isa ngang Gin. Salamat.." tawag ni Ferdinand sa Bartender na nasa harapan niya na siya namang agad na tumango sa kanyang utos.

"Tangina mo! nagawa mo pang magbiro, Halos magdrama na nga ako dito dahil sa kanya tapos ganyan ka pa."

"Hindi naman ako nagbibiro a, Kinuha mo naman talaga 'yung inumin ko! Saka alam mo naman palang nagdadrama ka sa kanya e, itigil mo na yan. Realtalk, Kahit anong gawin mo hindi mo parin siya maipapabalik dito sa Pilipinas. Respetuhin mo nalang muna 'yung desisyon niya pwede ba?" Masakit man pero alam ni Ferdinand na tama ang mga sinasabi niya dahil sa awa niya kay Viceral na halos apat na buwan nang malungkot, naglalasing, at hindi maiayos ang sarili ay hindi na niya napigilang magsalita na.

Nagulat man, pero isang maliit na tango lang ang isinagot ni Viceral kay Ferdinand saka tumayo sa kinauupuan. "Maybe I should be happy." Sagot ni Viceral sabay ng isang tapik kay Ferdinand na nagtataka naman sa ikinikilos ng kaibigan. Nalakad papunta sa gitna ng mga taong nagsasayaw si Viceral at nakipag sayaw sa mga babaeng nakapaligid na para bang walang nangyari.

"Wow, It's a Miracle!" tinignan man siya ng mga katabi sa counter dahil sa pagsigaw ay tuwang-tuwa pa rin si Ferdinand sa ikinilos ng kaibigan.

Kinabukasan, Dahil sa bigat ng nararamdaman ni Viceral sa kanyang baywang, pikit niyang kinapa ang mabigat na bagay na ito at napabalikwas nang makapa ang isang binti.
"What the fuck!?" Sigaw nito.
Napatingin siya sa nakahigang babae na kasama niya. Sa kabilang banda, himbing na himbing naman ang tulog ng huli at si Viceral itong nagtataka kung bakit may kasama siyang babae sa kanyang kama.
"Did I just have se--Of fuck." napasapo nalang si Viceral sa kanyang nagawa. Pinilit namang gisingin ni Viceral ang babae.
"Oh, You're awake. By the way thanks for the night." Sagot nito saka tumayo at unti-unting pinulot ang kanyang mga damit na nagkalat sa kwarto.
"Who are you? Anong nangyari?" Viceral asked na siya namang tinawanan lang ng dalaga. Umupo ito sa tabi niya at inalok ang kanyang kamay,
"I'm Coleen. Ikaw kasi kagabi nung nasa club tayo iniyakan mo ako e, ayan tuloy may nangyari." Pabirong sagot ni Coleen habang si Viceral naman ay hindi parin makapaniwala sa kanyang nagawa.

Sa tingin niya'y namimiss niya lang ang babaeng mahal niya kaya niya ito nagawa kay Coleen. Matapos magbihis, tumingin si Coleen sa tulalang si Viceral.
"Don't worry. Naiintindihan naman kita, Parehas lang tayo ng situation. Sige, mauuna na ako ha. Thanks for the night. Magaling ka pala sa kama, hahaha.."

Wala nang nagawa si Viceral kaya't humiga nalang siya ulit at ipinatong ang kanyang braso sa kanyang mga mata habang iniisip ang kalagayan ng babaeng hanggang ngayon ay hindi niya parin makalimutan kahit na alam niyang walang kasiguraduhan ang mga bagay sa pagitan nilang dalawa.

"Ba't ba hindi kita makalimutan?" Bulong ni Viceral sa sarili.

Sa 'di inaasahang oras bigla namang tumunog ang telepono niya at nang tignan ito, nakita niyang si Ferdinand na kanyang kaibigan ang tumatawag.
"Bakit anong meron?"

"Grabe ka naman, Ba't wala manlang Hello diyan. Akala ko ba naka-score ka kagabi ha?"

"Ikaw 'tong tumawag tapos ako 'yung tatanungin mo? Ba't ka ba kasi tumawag? Ang aga-aga!"

"Ay sorry sorry. Na-interrupt ko ba 'yang ginagawa nyo?"

"Fuck you. Umalis na nga e!"

"Ahh so kaya pala ganyan aura mo."

"Please lang sabihin mo na gusto mong sabihin, baka kung ano pang magawa ko."

"Sorry, anyway malapit na pala birthday ni kuys Billy uuwi na daw siya ng Pinas kaya ayun may pa Club sa Sunday. Sama ka?"

"Tinatanong pa ba 'yan?"

"Okay! Ge bye!"

"Psh."

Ibinaba na ni Viceral ang telepono at tila natuwa dahil kahit papaano ay hindi parin siya iniiwan ng kanyang mga kaibigan. Isa pa ang dahilan na uuwi na ang kanyang best friend na si Billy.

TALKING BODY [ViceRylle SPG]Where stories live. Discover now