1

1.3K 38 16
                                    

"JEONGHAN!!!!!" sigaw ng matalik kong kaibigan sa akin na si seungcheol. Bestfriend ko na sya since grade school. Malaki ang pagkakaiba ng mundong ginagalawan namin. Mahirap lang ako samantalagang sya ay...laking mayaman.

"Uy pre! Ang aga aga nagsisisigaw ka dito sa corridors." Saway ko sa kanya. Nahampas nya ako sa likod na kinagulat ko kaya umusod ng unti ang salamin ko.

"Ay sorry. Ako na mag aayos." Lumapit sya sa akin ng konti. Lalo na ang mukha nya habang inaayos ang pagkakasuot ng salamin ko. Hindi ko maitindihan kung bakit ganito ang puso ko. Parang kumakarera sa bilis ng pintig. di ako makahinga kaya naitulak ko sya.

"Baho ng hininga mo nagtutoothbrush ka ba?" Palusot ko na lang. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa nararamdaman ko.

"Ay wow. Oo nga pala pre. Sinagot na ako ni leslie. Grabe saya koooo!" Sabay nagtatatalon ito habang papasok sa room namin habang ako naiwan lang nakatayo dun. Hindi ko alam pero naiinis ako. Parang masakit.

"Uy ano tutunganga ka lang?" Sigaw nito mula sa malayo.

"Ay oo papasok na!"

----

"Jeonghan una na ako sasabayan ko pauwi si leslie. Tyaka peram notebook sa math." Paalam nito sa akin. Hindi na naman nya ako masasabayan pauwi. Siguro maghahantay na naman ako maghiwalay sila bago bumalik sa normal ang lahat.

Nasa labas na ako ng school namin nang makasalubong ko si jisoo. Hindi ko sya kaibigan pero nakakausap ko naman sya. Minsan.

"Uy jeonghan di mo kasabay si seungcheol? Sabay ka na sakin. Di ko din kasabay si hoshi." Dahil iisa lang ang daan namin pauwi ay pumayag na ako. Baka maburo lang din ako kapag walang kausap pag pauwi.

"Ah. Ngayon ko lang ikaw nakasabay ah." Sabay ngiti ni jisoo sakin.

"Ah oo nga no." Tipid kong sagot. Ang awkward lang namin dahil hindi ko talaga sya kaclose.

"Uy wag kang awkward sakin!" Sabay tulak nya sa akin. Feeling close agad.

"Ah kase....ah basta." Madami syang kinuwento sakin at ang sinasagot ko lang ay "oo"

"O andito na tayo sa bahay nyo. Babye na." Nagwave ang kamay nito sa akin at tinaas ang kilay. Ginaya ko din sya at pumasok na.

Gabi na at usually nag uusap kami ni seungcheol dahil yung balcony ko at balcony nya ay magkatapat. Pero wala pa sya hanggang ngayon. Napagabi ata sila ni leslie.

Hindi ko maitatanggi nakaramdaman na naman ako ng kaunting inis. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong karapatan yung ni seungcheol. Hindi ko na maitindihan sarili ko.

Kinabukasan hindi ko sya kasabay pumasok. Kaya si jisoo na naman ang kasabay ko. Hindi na tulad ng kahapon na medyo malayo ako sa kanya.

"Paano, dito room ko. Babye na." Sabay pumasok na si jisoo.

Naabutan kong natutulog si seungcheol sa desk nya. Kaya ginising ko sya.

"Uy pre bakit ginabi ka?" Tanong ko pero di nya ako sinasagot. Hinayaan ko na lang sya huwag ako kausapin magdamag hanggang uwian. Di nya ako iniimik. Ni hindi ko nga alam kung bakit.

Kahit nung lunch basta na lang sya lumabas.

"Jeonghan! Sabay na tayo!" Masyado na ata nawili sa pagsama sakin si jisoo at hindi naman ako pinapansin ni seungcheol kaya sumama na ako.

"Ay jeonghan ito si hoshi." Pakilala ni jisoo sa lalaking hindi ko alam kung nakakakita pa dahil para itong nakapikit habang nakangiti.

"Hi hoshi." Gumanti din ako ng ngiti. Masaya kaming nagkwekwentuhan hanggang sa makauwi na pala ako sa bahay.

"Bye guys." Pumasok na ako sa loob. hanggamg gabi hindi na ako kinausap ni seungcheol. Kaya itinulog ko na lang.

Lumipas na ang dalawang buwan naging malamig na sakin si seungcheol pero di ko padin alam kung ano ang dahilan para maging ganun na lang ang pagkakaibigan namin.

Dalawang buwan ko na din nakakasama si jisoo at hoshi at sa wakas nag open up na din ako sa kanila.

"Hindi ko nga alam kung bakit eh. Basta isang araw na lang, hindi na nya ako pinansin at mailap na sya sa akin." May naramdaman akong parang pinipiga ang puso ko siguro dahil nasasaktan ako. Nasasaktan sa pinag gagagawa sakin ng matalik kong kaibigan.

"Uy! Wag kang umiyak!" Hindi ko namalayang naiiyak na pala ako.

"H-ha? Sorry nadala ako." At marahan ko itong pinunasan.

"Ganito na lang, sa sabado nood na lang tayo sine tutal may libre akong tatlong ticket!" Sabi ni hoshi. Agad naman kaming pumayag ni jisoo.

Dumating na ang sabado at kanya kanya kaming lakad papunta sa sinehan. Nauna na si hoshi at si jisoo na lang ang hinahantay. Bumili pala yun ng makakain namin.

Kinalabit ako ni jisoo.

"O bakit?"

"Diba si seungcheol yun?" Turo nya sa lalaking nasa counter na taga kuha ng ticket. Oo nga si seungcheol nga pero ano ginagawa nya dito? Bakit sya nagtatrabaho?

Pinauna ko na sila hoshi sa loob para sadya akong magpahuli at makausap sya.

Inabot ko na sa kanya ang ticket at hindi nya ako tinatapunan ng tingin.

"Enjoy watching sir" nakaramdam akong ng pagkaawa sa kanya. Mukha na kasi syang pagod.

"Hindi ko alam kung ano problema mo seungcheol pero sabihin mo naman sakin. Bestfriends tayo diba?" Napaangat sya ng tingin sa akin.

"Jeonghan?" Gulat sya nakatingin sa akin.

"Mag usap tayo seungcheol."

Nasa parking lot kami ngayon para siguradong wala makakarinig sa amin. Bigla na lang syang nagsindi ng sigarilyo at hinithit yun.

"Kelan ka pa natuto nyang seungcheol ano ba talaga problema?" Inagaw ko sa kanya ang stick ng yosi na nasa kamay na nya at tinapakan iyon.

"Ano ba gusto mo malaman ha jeonghan? Oo totoo tong nakikita mo na nagtatrabaho na ako para sa pag aaral ko. Naghirap kami. Ayoko malaman ni leslie dahil ikakahiya nya ako." Nasapo ko ang noo ko dahil wala naman dun ang hinihingi kong kasagutan.

"Di yun seungcheol. Iba ang gusto ko marinig." Sabi ko sa kanya. Napahilamos sya ng mukha nya

"I have to stop being friends with you. Ayaw sa iyo ni leslie." Hindi ko na kaya ang pagkainis kaya nasuntok ko sya. Dahil lang sa babaing yun kaya ganito na lang.

"ANO? DAHIL LANG SA BABAING YUN ITATAPON MO YUNG HALOS SAMPUNG TAONG PAGKAKAIBIGAN NATIN SEUNGCHEOL?! TAPOS IIWAN KA NYA GANUN? LOLOKOHIN? BAHALA KA SA BUHAY MO SEUNGCHEOL!" Sabay iniwan ko na sya dun. Di na ako nag abalang lumingon pabalik sa kanya baka kasi di ko mapigilan ang sarili ko na kaawaan sya.



just your bestfriend [RUDETEEN SERIES #1]Where stories live. Discover now