2

847 34 14
                                    

Nakalipas na ang tatlong buwan simula ng huling pag uusap namin. Hindi ko na rin sya nakikita pumapasok. Malapit na din matapos ang school year. Summer na naman kaya napag usapan namin nila jisoo na magbakasyon sa rest house nila hoshi. Sagot na daw nila ako.

"Naeexcite na talaga ako!" Sigaw ni hoshi.

"Ako din no! Gusto ko na mag summer!" Sigaw ni jisoo.

Narinig kong nagring ang phone ko kaya naman inexcuse ko ang sarili ko para sagutin yun.

"Hello?"

"Jeonghan...." boses ni seungcheol. Ibababa ko sana pero...

"...wag mo ibaba. Punta ka sa bahay..please..." sabay end ng call. Agad nyang kinuha ang bag at tumakbo papuntang bahay nila seungheol.

Nagdoorbell ako ng ilang beses at lumabas ang nanay ni seungcheol.

"Iho. Puntahan mo nga si seungcheol sa itaas. Ayaw lumabas kahapon pa." Pag aalala ni tita.

"Tinawagan nya po ako."

"Sige kausapin mo naman. Nag aalala na ako eh di pa kumakain yan." Tumango ako ako umakyat na sa kwarto ni seungcheol. Kumatok ako pero nagulat ako dahil may ibinato si seungcheol sa pinto.

"MA AYOKO NGA SABI LUMABAS!!"

"Seungcheol. Ako to si-" naputol ang sasabihin ko dahil basta na lang ako hinila papasok ni seungcheol sa silid nya. Makalat na ito at madilim.

"Pre ano problema?" Umupo sya sa kama nya habang ako naiwang nakatayo.

"Iniwan na ako ni leslie. Nalaman nya na naghihirap ako. Mali. Mahirap na ako. Kahit na alam kong niloloko nya lang ako pinagbibigyan ko sya. Ayos na sakin makasama sya. Pero tinapos nya. Nagmakaawa ako pero.." at lumuha sya sa harap ko. Nasasaktan ako. Ayoko nakikitang ganito sya. Nahihirapan ako.

"Seungcheol.."

"Tama ka jeonghan. Sana nakinig ako sayo." Tumayo si seungcheol at pumunta sa table nya na ang laman halos nasa lapag na. May kinuha syang notebook at inilahad ito sakin.

"Notebook mo sa math. Hiniram ko 5 months ago. May nabasa ako sa likod jeonghan." Agad ko binuklat ang notebook at nabitawan ko ito. Hindi ko alam na mababasa nya to.

"Why do i feel this way, seungcheol?"

"A-ano seungcheol. Magpapaliwanag ako-"

"Na bakla ka?" Natahimik na lang ako. Narealize ko na din na ibang pagmamahal na ang nararamdaman ko para sa matalik kong kaibigan.

"Ano? Sumagot ka."

"Oo bakla ako seungcheol! Bakla ako at mahal kita! Aalis na ako wala na patutunguhan tong pag uusap natin." Bubuksan ko sana ang pinto ngunit pinigilan nya ako. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko dahil ang lapit ng mukha nya sa akin.

"Ano na naman seungcheol? Ayoko na ipahiya pa ang sarili ko sayo." Pero hindi ko padin mabuksan.

"Bakit di mo sinabi agad?" Napatungo ako.

"Dahil ayoko masira ang pagkakaibigan natin. Dahil ayoko layuan mo ako dahil isa akong bakla. Dahil na baka pandirihan mo ako dahil mahal pala kita. Ayun lang naman seungcheol. Pero alam mo bang nasasaktan ako na iniisnob mo ako noon? Pero okay na ako ngayon kaya pwede ba palabasin mo na ako." Pagsisinungaling ko na okay ako pero hindi. Nahihiya ako na inamin ko. Na bakla ako.

"Hindi ko alam sasabihin ko-" pinutol ko na sya sa sasabihin nya

"Wala ka dapat sabihin. lumabas ka na dito sa lungga mo dahil may mga nag aalala din sayo." At tuluyan na akong lumabas.

just your bestfriend [RUDETEEN SERIES #1]Where stories live. Discover now