epilogue

568 27 6
                                    

Nakatingin lang ako sa larawan nya na matagal na nasa wallet ko. Dumapo sa pisngi ko ang malamig na hangin. Magdedecember na kasi. Pasko. Ilang pasko na ba? Ilang bagong taon na din. Ilang kaarawan ko at kaarawan mo?

Hindi ko alam kung paano ko nakakayanang mabuhay na halos mabaliw na rin ako.

Hindi ko alam kung saan ako nakakakuha ng lakas ng loob magpatuloy sa pang araw araw na buhay.

I wish i could turn back time and fix everything. Kung may magic wand lang ako kagaya ni harry potter na mapagaling sya.

But, walang time machine.

At lalong di totoo si harry potter.

Lalo na ang wand nya.

Nasa rest house ako nila hoshi ngayon. Dito sa puno kung saan sya nakaupo noon habang pinapanood ang sunrise.

"Sunrise na ulit . Kasama na kita manood ulit nito"

Natatawa ako kapag naaalala ko yung reaksyon nya sa kapeng timpla ko. Alam kong fail but at least he tried to drink it.

Hawak hawak ko ang letter na ginawa nya. Ito na lang ang pinanghahawakan ko at ang mga ala ala namin.

Five years na ang nakalipas. Graduate na ako at nagtatrabaho. Ang galing. Nagawa ko pa makatapos kahit na namamatay na ako unti unti emotionally.

Wala eh, sabi nya babantayan nya ako sa far away place.

Limang taon na jeonghan , nakakabaliw padin sa sakit. Di ako makamove on eh.

Kahit siguro ilang beses ko pa basahin ang letter nya hindi ako magsasawa. Punong puno ito ng pagmamahal ni jeonghan eh.

Binuklat ko ulit yun at binasa

"Seungcheol,

Sa oras siguro na mabasa mo to wala na ako sa tabi mo, physically. But i'll stay in your heart. Sinulat ko ito habang naaalala ko pa ang mga sasabihin ko sayo.

Alam mo bang, pinapanood kita matulog ngayon sa may sahig ng kwarto ko? Buti na lang mabait ka tignan pag tulog.

Naalala mo ba nung hindi pa tayo nagkakaaminan? Yung araw na sinagot ka ni leslie? Tapos inayos mo salamin ko nun kasi mahuhulog na. Napatibok mo lang naman ang puso ko.

Di ko nga alam kung paano at bakit basta nalaman ko na lang, mahal na kita seungcheol.

Seungcheol di ko alam mangyayari sayo pag nawala ako. Ayaw kita iwan eh. "

Natigil ang pagbabasa ko dahil tumulo luha ko. Everytime na lang ba na babasahin ko to, napapaiyak ako?

"..pero seungcheol, wag ka susuko sa buhay. I'll be watching you from far away.

Madami na tayo napagdaanan. Pero tayo padin sa huli. Ang saya diba? Tayo nga talaga.

Okay lang kung makahanap ka ng iba, seungcheol. Maging masaya ka lang, masaya na din ako.

Alam mong mahal kita, forever and always. Lagi ka ngumiti ha? Humanap ka ng magpapasaya sayo na hindi ka iiwan kagaya ko. Na ipaparamdam sayo na malaya ka, na wala ka dapat itago sa lahat.

Inaantok na ako. Kita na lang ulit tayo, maybe in the next life?

Seungcheol, kahit ilang beses ko na sinabi sa sulat na to na mahal kita hindi ako magsasawa isulat ulit.

Mahal na mahal kita, at salamat dumating ka sa buhay ko hanggang sa huling araw ko. Salamat sa konting panahon mo.

Always remember me, seungcheol.

Jeonghan"
Parang ilog na umaagos ang mga luha ko. Inabangan ko ang sunrise para sa kanya.

Bakit kasi ang aga aga jeonghan? Ang aga mo mang iwan. Ang aga mo magpahinga. Andami kong plano sa buhay na kasama ka.

Ang unfair lagi ng buhay. Laging na lang palya.

Bumaba na ako ng puno para umalis na. Huling punta ko sa lugar na yun nung pagkatapos ng libing nya. Gusto ko muna kasi lumayo.

Kahit pala magpakalayo ako, mas sumasakit. Kahit saan naman ako magpunta may bakas nya eh.

Minsan na nag alala sakin ang lahat dahil sa pagiging tahimik ko lalo na ang pagkukulong ko sa kwarto. Akala siguro nila magpapakamatay ako, minsan na din pumasok sa isip ko yun pero sabi nya nga, nanonood sya. Ayoko naman makita nya yun.

Ipinark ko muna ang sasakyan ko sa tapat ng 7/11 at naglakad lakad muna.
Dala ko ang picture ni jeonghan para kunwari kasama ko sya mamasyal. I look crazy but i dont care.

Biglang humangin ng malakas at natangay ang picture ni jeonghan sa tawiran. pinilit kong hinabol yun dahil ayoko mawala yun. Bumagsak ito sa semento at pinulot ko. Pero may isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sakin. Pumikit na lang ako sabay tumulo ang aking luha.

-----------------------

Nagising ako sa puro puting kwarto. Hospital ba to? Wala naman nakakabit saking kung ano ano. Bumangon ako at bumukas ang pinto at iniluwa nito ang taong gusto ko na makita. Gusto ko mahalikan, gusto ko mayakap.

"Jeonghan..."

"At last..you are here with me, seungcheol."

just your bestfriend [RUDETEEN SERIES #1]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant