special chapter ( 2 years ago)

545 21 7
                                    

"Seungcheol! Bring more plates here!" Sigaw ng manager ko sa akin. Nasa america na ako ngayon para magbagong buhay.

Makalimutan ang lahat at magsimula ulit.

Bawat kasi ng sulok ng pupuntahan ko may ala ala nya. I can't live in that conditions. I am trying to move on.

Binuhat ko ang mga plato papunta sa la mesa. Sinet up namin ang la mesa. I am working in a restaurant after school hours. Ayoko na kasi abalahin pa si mama sa pang aral ko kaya ako na lang mismo ang nag iipon ng tuition ko.

And i promise to him that gagraduate ako.

I'll have a better life.

Natapos na ang shift ko at pauwi na ako ngayon. Kinuha ko na ang coat ko at tinapon ang basura sa bin.

Palabas na ako nang marinig ko si carly. Katrabaho ko na nilalandi ako.

"Can you walk me home seuncheol?" Naparolyo na lang mata ko. Tinanggal ko ang kamay nya at naglakad na.

Ayokong may humahawak sa kamay ko ng ganun. Ni si jeonghan nga di magawa sakin yun.

Hindi ko man lang naenjoy ang mga oras na kasama ko sya. I feel so lonely here but what can i do? Kailangan ko tiisin.

Kahit na alam kong nagsisisamaan na ng loob sa akin ang mga pinsan ko,kahit sila kailangan ko layuan. Maaalala ko lang ang mga napagdaanan namin ni jeonghan dahil isa rin sila sa mga saksi.

Nakarating na ako ng apartment ko. Di kalakihan hindi rin kaliitan. Tama lang sa dalawang tao.

Na sana si jeonghan ang isa.

Inilapag ko sa coffee table ang susi at humiga sa sofa. Binuksan ko ang tv.

Lahat ng variety shows nila diti sa america may mga sounds na may tumatawa kahit hindi nakakatawa.

O bitter padin ako? Di ko alam. nawalan ata ako ng sense of humor.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

Nagising ako sa ingay sa pinto ko. May kumakalabog dun. Wala naman ako kakilala dito para may gumanyan sa akin.

Bwisit akong tumayo at binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang isang mukhang american asian boy na may einstein na buhok. Si hansol.

Nakakunot ang noo nito. Napansin kong may maleta syang dala na nasa gilid nya lang din.

No. He is not-

"Found you hyung. No more escaping." Tinulak nya ako at pumasok na sya sa loob.

"Hansol ano ginagawa mo dito? Paano mo ko nahanap?" Lumingon sya sa akin at tumawa ng mapakla.

"I'm not stupid hyung. Just appreciate it na hinanap pa kita." At pumasok sya sa bakanteng kwarto ng apartment.

Naiwan akong nakanganga dun. paano..paano nya nalaman? Alam kong matagal na pero paano.

Pumasok na ako sa kwarto para kunin ang mga gamit panligo. Kailangan ko pa pumasok.

Habang naliligo ako iniisip ko kung sasabihin na nya din sa iba na nahanap na nya ako. I swear di magiging tahimik ang buhay ko.

"Hyung bilisan mo dyan. Marami ka dapat malaman." Pinatay ko na ang tubig at kinuha ang towel ko para lumabas na.

Nagbihis muna ako bago ako umupo sa upuan na katapat ni hansol. Nakatingin ang mga brown nyang mata sa akin.

"Alam mo bang hinanap ka namin ng dalawang taon? Kahit si tita di sinasabi kung asan ka. Dalawang taon na din akong nandito sa america. Nung una kasama ko si wonwoo hyung. Alam mo ba kung bakit ayoko bumalik dun kahit gusto ko? Kasi magiging topic ka lang namin hyung. Ang insensitive mo. Di mo kami inisip." Napatungo ako at napabuntong hininga sya.

"..then malalaman ko andito ka lang pala. Have you ever thought of us?" Iniangat ko ang tingin sa kanya.

"Gusto ko magbagong buhay hansol nang wala kayo. Naaalala ko si jeonghan sa inyo-" tumawa sya ng mapakla.

"That's bullshit. Fucking bullshit. Bakit? Si jeonghan lang ba ang meron ka? Ano kami hyung? Props mo?fuck. I'm going to tell others so you could recieve more scolding." Tumayo na sya at inilabas ang phone nya para sabihin sa ibang pinsan namin.

"i swear hyung, lahat kami galit sayo. Lalo na ako." At pumasok na sya ng kwarto.

umiling na lang ako at kinuha ang gamit ko para pumasok na sa mga klase ko.

---------------------------------
Isang araw na nakakalipas simula nung pag uusap namin ni hansol. Di kami nag iimikan kahit nasa iisang lugar lang kami.

"Hyung." Nakaharap ako sa kanilang sampu. Andito na silang lahat at shempre, mag aaway away na naman. This is why i don't want them to know.

"Bakit ka nagtago?" Unang tanong sa akin ni woozi.

"Mali naman woozi. Dapat bakit kailangan mo magtago" sagot naman ni hoshi.

"We don't get it hyung." Sabi naman ni dino. Napabuntong hininga ako sa kanila.

"May balak naman akong bumalik pagkatapos ko dito mag aral." Napailing na lang si wonwoo.

"Andami mong namiss. Dalawang beses na parties na pinaplano namin, mga outing na kami kami lang. Yun lang naman hyung. Maiitindihan pa namin si vernon eh. Eh ikaw? Hindi." Sabi ni dokyeom. Alam ko naman yun.

"And worst of all, we have no idea kung ano nangyayari sayo. Hyung, pinsan mo kami at ikaw pinaka matanda sa amin, sana naman inisip mo muna kami bago mo gawin to. I hate to say this but,wala na si jeongha-" tumayo na ako at tumingin kay woozi.

"Wag na wag mo itutuloy ang sasabihin mo." Naikuyom ko ang palad ko.

"Eh kasi naman hyung hindi naman sa lahat ng panahon si jeonghan padin ang dahilan ng mga ginagawa mo!" Nag aamba akong suntukin sya pero inawat nila kami.

"Sige! Ano!" Hinamon pa ako ni woozi.

"Tama na please! Hindi tayo pumunta dito para mag away kundi para isettle ang mga bagay na ganito! Ano ba!" Sigaw ni seungkwan. Ibinaba ko na ang kamay ko at ganun din si woozi.

"Good. Calm down please." Umupo na ako at ganun din sila.

"Hyung bumalik ka na." Biglang sumabat si dino. Napatingin ako sa kanya, sa kanila. At tumawa ng mapakla.

"Bakit? Akala nyo madali? Andaling sabihin nyan kasi wala kayo sa posisyon ko. Di nangyari sa inyo." Napasapo na ng noo si seungkwan habang umiiling.

"Hyung. Ang tigas talaga ng ulo mo"

Hindi ganun kadali ang lahat. Oo nga ilang taon na. Pero parang kahapon lang yun nangyari. Parang kanina nasa kamay ko pa.

just your bestfriend [RUDETEEN SERIES #1]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu