3

743 25 9
                                    

Finals week na. Shempre kailangan ko mag aral. Nag aaral ako sa study table sa tabi ng balcony ko katapat ng balcony ni seungcheol.

Tuloy na tuloy na kami sa outing naming tatlo. Pinipilit nila ako na isama si seung cheol pero ayoko. Yun na nga lang ang panahon na wala akong makikitang "sya"

Nasa kalagitnaan ako ng pag aaral ng bumukas ang screen door ng balcony ko. Iniluwa nun si seungcheol.

"Ano ginagawa mo dito?"

"Mag aaral. Finals na diba" sabay dumiretcho dapa sya sa kama ko at nagbuklat na ng libro.

"Eh bakit dito? May study table ka naman diba?"

"Masarap mag aral kasama ng inspirasyon" sabay kindat sakin. Naramdaman ko na naman ang puso ko. Seungcheol tigilan mo na ako. Nahihirapan ako. Umaasa ako lalo eh.

Tanong sya ng tanong sakin kaya ang nangyari sa huli, nag aral kami pareho sa iisang lamesa.

"Ano gets mo na?" Napaharap ako sa kanya at ang lapit ng mukha nya. Yung konting tulak lang magkakahalikan na naman kami.

Nahuhulog na ako lalo seung cheol. Alam kong di mo ako sasaluhin. Kaya kailangan maaga pa makaahon na ako bago ako tuluyang malunod at di na makaahon pa.

Tumayo ako at humarap sa kanya.

"Seungcheol sabihin mo nga, naka move on ka na ba kay leslie o ginagamit mo ako para lang maka move on?" Tumayo na din sya at humarap sa akin

"Jeonghan. Nakamove on na ako nung sinabi mo na mahal mo ako. Na realize kong tama ka. kaya wag mo sana isipin na ginagamit kita kasi hindi." Pero di ako naniniwala.

"Umaasa kasi ako seung cheol. Please kung nanloloko ka tigilan mo na. Di ka ba naaawa sakin? Sabay tayong lumaki at alam kong nagsisinungaling ka." Naluluha na ako pero pinipigilan ko lang. Nasasaktan ako eh.

"Pano mo nasabi, jeonghan, na nanloloko ako? Sa limang buwan marami nagbabago. Pero sigurado na ako jeonghan. Gusto din kita..." nahihiya pa itong tumingin sa akin. Sabay madaling dinampot ang mga gamit nya.

"Aalis na ako."

Kinabukasan, nauna na ako pumasok kela jisoo. Kailangan ko mag aral sa library. Running for valedictorian ako kaya ayoko na makigulo pa si seungcheol sa focus ko.

Nagbell na kaya naman pumasok na ako ng room. Naabutan ko nandun na si seungcheol at mukhang nag aaral din. Buti naman at walang gugulo sakin.

Pagkaupo ko, nagbuklat ulit ako ng libro. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkakabisa nang may lumapit sa aking babae.

"Ahmmm jeonghan...hi." gumanti ako ng ngiti.

"Bakit? May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya.

"A-ano..para sayo." Sabay takbo nung babae. Ang weird. Inabutan nya kasi ako ng paper bag sabay takbo palabas ng room. Tumikhim naman si seung cheol.

"Ano ba yan may kaagaw ako." Parinig nya pa. Napailing na lang ako. Naalala ko yung sinabi nya kagabi kaya lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. Nakakaasar ayoko na maalala pa yun.

"Ano yan?" Tanong nya sabay kuha sakin ng hawak kong paper bag.

"Chocolates and cookies? I can give you those." Sabay irap nya. Kumuha sya ng isang cookie at tinikman iyon.

"Mas masarap ako mag bake jeonghan." Inagaw ko naman sa kanya ang paper bag.

"Akin to diba? Wag mo kainin. Isa pa, galing sa taga hanga to kaya wala kang pake." Pero naiinis ako kasi tingin nya pa lang natutunaw ako. di ko matagalan ang mga titig nya. Nahuhulog ako.

"May pake ako dahil nagseselos ako." Naihampas ko sya ng libro sa ulo dahil napaka ingay nya. Ayoko may makarinig sa amin. Malaman pa yung sikreto namin.

"Aray ha. Ganyan ka ba talaga magmahal?" Hinampas ko ulit sya.

"Ang ingay mo kasi gago. Mamaya may makaalam kung ano man ang sikreto natin." Sabay ibinalik ang tingin sa libro ko.

"Sikreto "natin" bakit? Tinatanggap mo na ba affection ko?" Sabay lumapit ito sakin ng konti.

"Mag aral ka seung cheol. Wag mo ako guluhin." Pero natutuwa ako sa mga kinikilos ni seung cheol. Parang feeling ko mahal nya ako na hindi. Ewan.

Sana magtagal pa kaming ganun. Na ganun sya sakin.

Natapos na ang unang araw namin sa finals. Sobrang hirap shempre. Nakasalubong ko si jisoo kasama si hoshi sa hallway, pauwi na rin.

"Uy jisoo!" Tawag ko. Ngumiti naman si jisoon

"Uy kasama mo na si seungcheol edi maayos. Tara sabay sabay na tayo unuwi" umakbay naman si jisoo sa akin at ako ay umakbay sa kanya.

"Grabe ang hirap ng test. Ikaw nahirapan ka?" Umiling ako. Pero nahirapan ako.

"Sakto lang. Nag aaral kasi ako jisoo di tulad mong tamad." Sabay natawa kaming tatlo. Diba apat kami? Tumingin ako sa likod ko nananahimik si seungcheol.

"Lapitan mo mukhang OP" sabay kalas ko kay jisoo at lumapit kay seungcheol.

"Tahimik ka? Di ka naman ganyan dati ah? Dapat making new friends. Ano ba pre." Pre padin tawag ko kahit iba na ang meron samin.

" tss pake mo ba." Inismiran lang ako nito at pinasakan ng earphones ang tenga.

"HB sya eh." Sabay turo ko kay seungcheol.

"Ganyan talaga pag di makamove on" sabay tawa ng dalawa. Di ako natatawa. Muli ang sumulyap kay seungcheol at di na nya ako tinatapunan ng tingin.

Tinanggal ko ang earphones nya sa tenga.

"Ano ba-"

"Aangal ka?"

"Huy no fighting over there isa pa nasa bahay nyo na kaya tayo jeonghan. Kakabati nyo lang aaway ulit. Wag ganun mga bros." Saway ni jisoo.

"Sige pasok na ako-"

"Sabay ako. Tagal ko na hindi nakita si tita." Sabay hila sa akin pagpasok. Bastos hindi man lang nagpaalam kila jisoo.

"Huy wala dito si mama at papa. Nasa ibang bansa nga diba." Pagpapaalala ko.

"Ay nakalimutan ko yun. Anyway, edi maganda tayong dalawa lang." Sabay ngumiti ito ng nakakaloko.

"Bro."

"Bro"

Umakyat ako sa taas para ilapag ang gamit ko. Bahala sya dun sa baba kung gusto nya magkalikot ng ref. Parang di nya gawain yun dati.

Dati yun. Hindi ngayon.

"Jeonghan baba ka nga dito" sigaw ni seungcheol mula sa ibaba. Agad naman ako bumaba. Akala ko ba bahala sya sa buhay nya? Letche.

"ano yun?"

"Asan yung mga pagkain dito? Yung totoo kumakain ka pa ba?"

"Ano kase-" umalis sya ng bahay ko ng basta lang. Maya maya bumalik sya may dala dalang karne at kung ano ano pa.

"Manood ka at magluluto ako." Pinanood ko sya magluto.

"Kelan ka pa natuto magluto?" Tanong ko sa kanya.

" basta. Natuto ako dahil kay leslie." Nakaramdam ako ng konting selos. Naiinis kasi ako. Ewan ko ba.

Kung nakakaramdam ako ng selos, ibig sabihin, mas lumalalim na.

just your bestfriend [RUDETEEN SERIES #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon