- Prologue

470 47 23
                                    

Kilalanin si Dywane Julian Peñalber, o mas kilala sa pangalang Dwyane.

Mag-isa na lang siyang pinalaki ng kanyang lola dahil namatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente.

Kaya niyang makuha ang lahat pero hindi siya pinalaking spoiled ng kanyang lola.

Siya 'yung tipo na lalaki na ibang-iba sa mga kabataan ngayon lalo na't sa mga kalalakihan ngayon.

Magaling siya makisama sa mga tropa, pero na kahit ganon kailan man hindi siya nahawa sa mga kaibigan niya.

In-love siya sa pinsan ng isang kaibigan niya na kasama sa mga nag ba-bad influence sa kaniya dahil natuto siyang mag-mahal.

Masakit isipin na sa isang araw, pag-gising mo hindi na pala kayo katulad nuon.

Ma-iinlove ka kaya ulit sa taong may pagka-pareho ng ugali niya? O mas pipiliin mong maging kaawa-awa ka sa taong unang minahal ng puso mo?

Pa-paano mo makakayanan ang sakit na naidulot niya sa paraang hindi mo pala kayang harapin?

Pa-paano na ang gagawin mo pag unti-unti ka ulit na nahuhulog sa isang tao? Hahayaan mo ba ito o pipigilan mo rin ka-agad?

Mas gusto mo bang bumalik sa nakaraan para i-tama ang mga maling nagawa mo sa kaniya? O ma-itama mo na lang ngayon 'ung mga mali mo sa nakaraan nyo nuon?

Kung sakit man ang tawag dito, siya lang din naman ang magiging gamot nito.

____

Nasa may dressing room kami ni Jeh dahil ika-kasal na siya kay Yel maya-maya lang. Fit na fit naman din sa kaniya ang suot niyang barong na buma-bagay sa itim na pantalon.

Ako ang magiging Best-Man sa kasal nila. Nagulat na lang ako dahil sa aming mag-kakaibigan ay ako ang pinili niya. Naka-intindi naman 'yung dalawa dahil para na kaming magkapatid ni Jeh.

Naka brown na amerikana ako at brown din na pantalon na buma-bagay naman sa itim na sapatos ko. Preteng-prete din ako sa suot ko dahil parang ako ang susunod na ika-kasal sa aming mag-kakaibigan.

Maya-maya lang ay pinalabas na kami ng nag-ayos samin dahil pupunta na kami sa may simbahan.

Pina-pwesto na rin kami sa may harap ng altar kung saan ina-antay ang bride, dahil mukang mag-uumpisa na.

Punong-puno din ang mga upuan ng simbahan. Dahil mukang dumalo lahat ang mga kamag-anak nilang dalawa.

Nahagip na mata ko si Lola at kasama si manang na nakangiti dahil ika-kasal na ang matalik kong kaibigan. Kilalang-kilala rin kase ni Lola si Jeh.

Nahagip ko din si Bok saka si Jayson na naka-okay sign pa silang dalawa. At mukang masaya din dahil ika-kasal na ang pinaka-loyal samin.

*Ting!!! Ting!! Ting!

Narinig ko na ang tunog ng kampana kaya malapit na mag-umpisa.

Nasa mukha naman ni Jeh ang pagka-excite, pagka-tuwa, pagka-kaba at ang pinaka-masarap na pakiramdam ang makasama ang taong mahal mo habang buhay.

*Ten ten tenen. Ten ten tenen. Ten ten tenen.

Narinig ko narin tumunog ang piano na nag-mumula sa i-taas kung saan naka-pwesto ang mga choir. Bumukas na rin malaking pintuan ng simbahan at ilang segundo na lang sisimulan na ang seremonya.

"Hindi pala siya makaka-attend sa kasal namin." Malungkot na sabi ni Jeh.

"Ahh. Kasal mo to dre, kaya kayo ang importante." Nakangiting sabi ko.

"Sa susunod tol, ikaw naman ang mag-aantay dito." Nakangiti ring sabi niya.

Nag-lakad na sa gitna 'yung mga batang flower girls/boy, abay. Kaya napatingin na kami nag-lalakad. At syempre may inaasahan ako na gustong ko makita kahit mukang imposible na. Pero si Yel at ang magulang niya na ang huling mag-lalakad pa altar at hindi ko nga talaga nakita.

Bawat hakbang naman ni Yel ay parang nag s-slowmotion para kay Jeh. Dahil makikita mo sa mga mata niya na mahal na mahal niya kaya pinakasalan niya.

Mag-hahapon na ng matapos ang kasalan kaya de-deretso naman sa veneu para i-tuloy ang kasiyahan. Sinabihan ko rin muna si Lola na sumabay na lang sila ni Manang kay Tita na Mama ni Jeh.

Dumeretso naman ako sa may sea side dito malapit sa Moa at pinag-masdan ang pag-lubog ng araw. Dahil parang gusto ko mapag-isa muna kahit saglit lang at makapag-isip.

____

Written by JohnOppalicious

All rights reserve. November2015.


ReminisceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang