Chapter 4

168 22 10
                                    


Nagising ako ng maaga dahil ngayon na ang araw ng kasal ng ate ni Jeh. At nakabihis na din ako dahil kasama ko si Lola na pumunta sa simbahan.

Pormal na pormal ang suot ko ngayon at gwapong-gwapo si Lola dahil nakikita niya daw talaga sakin si Papa nuon. Sa kaniya talaga ako siguro nag-mana at may ugaling Mama din daw ako.

Mag-sisimba muna kami ni Lola bago kami dumeretso sa puntod ng mga magulang ko. Hindi talaga ako makaka-attend sa kasal dahil death aniversary ng mga magulang ko ngayon.

Kagabi ko pa tinadtad ng text si Jeh, dahil kung hindi pa ko sumama kay Lola na bumili ng mga bulaklak ay talagang makakalimutan ko. Na death aniversary ng mga magulang ko kinabukasan na kasabay ng kasalan.

Hanggang ngayon ay tine-text ko pa din si Jeh, pero wala pa din reply dahil siguro busy talaga sila. Pinalangin ko na lang na sana ay mabasa niya ang mga text ko at masabi niya lahat kay Kristine.

Nasa may pangalawang row kami ni Lola sa likuran ng mga upuan dito sa simbahan. Pero hindi ko inaasahan na makikita ko rin dito ang naka-meet ko. Kaya nag-tama ang paningin namin at sinenyasan siya ni Lola na dito umupo.

Nasa may dulo kami ng mahabang upuan at katabi ko si Lola pero umusog siya ng kaunti kaya duon umupo 'yung naka-meet ko. Napa-ayos na lang ako ng upo at binaling sa harap ang tingin.

Napa-iling na lang ako dahil sa ginawa ni Lola. Ibang-iba na naman siya ngayon dahil naka-jeans siya at long-sleeve na damit. Pero ang kinabagay sa kaniya ay naka-pony ang buhok na medyo basa pa.

"Maganda umaga Danjin." Rinig kong pag-bati ni Lola.

"Goodmorning din po, Lola." Boses lalaki na sabi niya.

"Nakasama mo na tong, apo ko diba?" Baling sakin agad ni Lola.

Tumingin naman sakin ang naka-meet ko at naka-kunot ang noo na parang ina-alala ang mukha ko.

"Ahh, opo Lola tanda ko nga po." Siya.

"Nakalimutan mo na agad ang itsura ng gwapong kong apo Danjin?" Lola.

"Medyo po, Lola. Haha." Siya.

"Titigan mo nga siya mabuti, kung di ba gwapo yang apo ko sa mata mo." Lola.

Tumingin ulit siya mukha ko kaya napa-tingin na lang uli ako sa harapan ko. Habang kagat-kagat ang loob ng labi ko. Pero hinawakan pa niya ang mukha ko at ipinaharap sa kaniya kaya nakaramdam ako ng pagka-ilang.

Nakapa-harap ang mukha ko sa kaniya pero ang mata ko ay nakatingin sa gilidan. Para siyang ewan sa ginawa niya na parang may hinahanap sa bawat parte ng mukha ko.

"Gwapo nga, Lola." Siya.

Binatawan niya ang mukha ko kaya dumeretso ako ulit ng tingin sa harapan. At parang nainitan din ang mukha ko sa ginawa niya dahil bigla akong nag-pawis sa noo.

"Sabi sayo Danjin 'eh, gwapo tong apo ko. Kaya bukas ha? Lumabas uli kayo iha." Lola.

"O-sige po Lola, malakas kayo sakin 'eh." Siya.

Eto na nga ba ang sinasabi ko, bakit kasi napapayag ako ng ganon lang, malilintikan na naman ako nito. Tsk-tsk.

Nag-ingay na ang kampana kaya mukang mag-uumpisa na. Tumayo naman kami lahat at nag-simula na ang mass. Habang nasa patapos na ang pag-mimisa. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pag-iinit sa kamay ng hinawakan niya ang kamay ko sa parte ng pag-mimisa.

Bineso naman niya Lola saka naka-ngiting tinanguan lang ako. Alas-otso na ng papunta na kami ni Lola sa sementeryo at nag-taxi lang kami dahil ayaw niya kong nadri-drive ng sasakyan.

ReminisceOù les histoires vivent. Découvrez maintenant