Chapter 6

115 7 3
                                    


Last 4 Chapters na lang. Salamat sa mga bumabasa. May f.s kayo sakin pag sumikat ako. Haha.

____

Sabi nila, kaya daw napapanaginipan natin dahil masyado nating iniisip. Sabi ulit ng iba daw ay kabaliktaran ang mangyayari sa katotohanan. At sabi daw ulit ng iba karamihan ng napapanaginipan natin ay mangyayari daw sa katotohanan. At mas lamang daw ang imahinasyon dahil kathang isip lang 'yon na gumana habang tulog tayo.

Ngayon ko lang din naisip 'yung panaginip ko kay Kristine. Dahil oo nga sa panaginip pa lang ang sakit na. At magkaibang dahilan man sa katotohanan pero 'yung sakit ay parang parehas lang.

Month ko na ngayon at dalawang buwan na rin ang lumipas pa. Nang malaman kong nakila Jeh lang si Kristine nun. Bumalik din pala siya agad at siguro ayaw na lang din pasabi ni Kristine sakin kay Jeh na bumalik din agad siya.

Pero hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi sakin ni Jeh. Kaya mas minabuti ko na lang na 'wag isipin masyado. Dahil hindi pa din ako makapaniwala na kahit na kilalang-kilala ko talaga si Jayson. Kaya pinapaniwala ko ang sarili ko na sana hindi totoo ang mga sinabi ni Jeh kahit na pinarinig niya sakin ang tawanan ng dalawa.

Hindi ko din agad naisip 'yun dahil ang huling kita namin ay 'yung kasama ko si Danjin na nakasalubong namin sila sa mall. Na isang buwan na ang lumipas nun at wala talaga akong alam na nasa pinas siya nun.

O sadyang nagulat lang ako kay Kristine nun dahil hindi ko expected na makakasalubong ko sila. Hindi din ako makapaniwala nun. Dahil ang alam ko nasa states siya. Pero nakikita ko sa mukha niya na nagseselos siya nun. Dahil hindi niya rin alam na makikita nila ako na may kasama pang babae. At saka oo mas naging close na nga sila ni Jayson.

Hindi ko din makita kay Jayson na parang nagugustuhan na niya. Dahil ganon lang talaga siya sa mga nagiging kaibigan niya. At oo isa sa kahinaan niya ang mafall sa taong lagi niyang nakakausap lalo na't galing pa sa broken hearted.

- Flashback 2months ago.

Gabi ng naka-tanggap ako ng text kay Jeh na mukang inaasar lang ako. Matapos ng magkasalubong kami sa mall.

"Dwyane, inaagawan ka na."

Nangunot ang noo ko sa nabasa ko dahil hindi ko maintidihan ang tinext niya. At binali-wala ko lang 'yon dahil mukhang ayaw pa ko makita ni Kristine.

"Bumalik agad si Kristine sa pinas nun bago siya mag isang-linggo sa states.

Mas nangunot ang noo ko sa sinabi niya sa mga sumunod na araw kaya nagpaload ako at nag-reply sa kaniya.

"Mukang inaagawan ka na ata ni Jayson."

Nag-reply ako dahil ang layo ng sinagot niya sa tinanong ko. Na kamusta na si Kristine diyan galit pa din ba sakin? Pero ayan ang sinagot niya at naramdaman ko na mukhang nasusulot na nga ko. At sa isang matalik na kaibigan ko pa.

"Dahil simula ng bumalik si Kristine dito, ay lagi na siya ang nakakasama namin imbis na ikaw."

Hindi pa din ako makapaniwala sa reply niya kaya tinawagan ko na lang. Duon niya sinabi ang lahat-lahat simula ng bumalik ulit si Kristine.

Madami pa siyang kinu-kwento kahit na iniisip ko na jino-joke time niya lang ako. Dahil mismong boses na ni Kristine ang narinig ko na tumatawa at mukang kausap si Jayson na magkakasama sila. Last month lang yon kaya nakaramdam ako ng pag-kislot sa puso ko. Dahil hindi ko matanggap na parang ang saya-saya niya na kahit wala ako.

Wala din naman ako magawa dahil kilala ko na si Kristine. At baka mas lalong mag-ipon siya ng sama ng loob niya lalo na't nakita niya ko na may kasamang babae.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ReminisceWhere stories live. Discover now