Chapter 3

185 22 9
                                    


Isang-linggo na ang nakalipas. Pero ang sakit na naramdaman ko ay parang isang bala ng baril na nakabaon sa dibdib ko na hindi pa na tatanggal. Nakakaramdam pa rin ako ng pagkirot sa dibdib'an na konektado ng pag-kahirap huminga.

Late na din lagi ako kung makatulog. Dahil iniisip ko pa lang na baka pumasok ulit sa panaginip ko ay nawawala ang antok ko.

Kung makatulog man ako ay iglip lang. Kaunti lang ang nakakain ko dahil hindi din ako nakakaramdam ng pagka-gutom. Sinabi ni Lola na mag pacheck-up na raw ako dahil mukhang may napapansin na siya sakin.

Dinahilan ko na lang na nag di-diet ako at pinakita ko pa ang tiyan ko na may kaunting taba para paniwalaan. Niloko pa niya ako na baka nag sha-shabu na daw ako. At mas epekto daw iyon para mas pumayat.

Sa pang-pangalawa na araw iyon, kahit na ang sakit ay damang-dama ko pa. Wala rin naman gamot ang makaka-tanggal sa sakit nito. Napatawa na lang ako sa sinabi ni Lola at talagang sa kaniya pa nang-galing 'yun.

Nung natanggap ko ang text nun galing kay Jeh, ay napatayo akong palakad-balik lakad-balik habang nag iisip-isip. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko pag-talagang nag-kaharap na kami.

Mas pinagpawisan din ako na para bang tuma-takbo ako sa isang field na walang pahingahan at walang katapusan.

Napakalma na lang ako kahit papaano ng mag-tatanghali na at maka-recieve ako ulit ng text galing kay Jeh.

Dumeretso daw sila Kristine sa Boracay at mga bagahe lang pala ang susunduin nila dun para makuha. Isang linggo din daw sila duon at dideretso pa ng Puerto princesa kasama din daw ang bestfriend niya.

Napaisip naman ako na baka lalaki ang tinutukoy na kasamang bestfriend ni Kristine. Dahil sa letcheng napanaginipan ko. Binura ko na lamang sa isip ko at pinaniwala ang sarili na babae ang bestfriend na kasama niya.

At eto na naman ang pakiramdam na napapahawak ako sa dibdib'an ko. Dahil ngayon na ang araw na babalik sa Manila sila Kristine.

Marami na naman ang pumasok sa isipan ko at karamihan ay puro negative. Pina-paniwala ko rin ang sarili ko na kabaliktaran ang mga nang-yayari sa panaginip. O hindi kaya ay hindi talaga mangyayari 'yung ganon.

Kaya parang pantay lang kahit lamang ang negative. At sa panaginip lang 'yun dahil sa sobrang pag-iisip sa kaniya. Pero nakakatakot pa rin dahil sa panaginip pa nga lang iyon ay sobrang sakit na.

Papaano na lang pag sa katotohanan na mangyari. Na ang dalawang mata ko mismo ang makakakita, na kahit sa mag-kaiba na paraan.

Gabi na ng maka-tanggap ako ng text kay ulit Jeh. Tanghali daw na nakauwi sila Kristine at may kaunting salu-salo lang daw sa bahay nila ngayon.

Inaya pa nga niya ako pumunta sa kanila pero nahihiya ako. At hindi ako belong dahil puro mag kamag-anak lang nila ang nanduon.

At saka hindi ko pa kayang harapin si Kristine lalo na't makikilala ko pa ang sinabi ni Jeh na bestfriend niya. Sinabi na lang niya na bukas daw, magte-text siya ulit.

Mukang aya din ni Kristine, tinext na rin daw niya 'yung dalawa. Sasama daw si Jayson pero si Bok hindi. Gusto din daw makilala ni Kristine 'yung dalawa pa naming kaibigan dahil lagi namin sinasabi ni Jeh sa kaniya dati na apat kaming mag-kakaibigan.

Kilala 'yun ni Jayson sa pangalan lang, dahil pag napapasok ni Jeh si Kristine ay nakikinig siya. Nagtatanong-tanong din para hindi siya ma-op.

Ayun din ang kauna-unahang beses na sinabi ko sa kanilang dalawa na may gusto nga ako kay Kristine. Na kahit sa kanila ko pa lang nasabi ay hirap na hirap pang-aminin.

Masikreto ako pag-dating sa nagugustuhan ko. At aaminin ko na torpe ako, pero 'yung nararamdaman ko ay totoo. Dahil na rin sa takot siguro ma-reject or takot i-take ang risk.

ReminisceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon