Chapter 1

331 35 16
                                    

*Tugs, tugs, tugs, tugs, tugs, tugs.

Nandito kami ngayon sa Club 101. Cine-celebrate ang pagka-graduate at broken-hearted ng isa naming TRUE-pa. Napasama na lang din ako dahil minsan na lang magka-ayaan.

Nakaupo lang ako na naka-dekwatro dito sa malambot na sofa sa may table namin sa i-taas. At talagang VIP pa ang binayad nila. Makiki-party daw muna silang tatlo sa i-baba ng masulit daw ang ibinayad nila. Pinilit pa nga nila ako, pero ako pa rin ang nasunod na mag-stay na lang dito.

Dito ang diretso nila pag may free-time, okasyon, problema pero mas madalas pag-trip lang. Madami din daw kasing chx dito saka karamihan ng mga magagandang celebrity, ay dito nagpapalipas ng oras. Nung nakaraan na trip nga nila at 1st-time kong sumama. Kahit na finals ni Bok ang kinabukasan ay sige pa rin, ma-abutan lang ang mga Mocha Girls. Manyak na manyak naman sila dun dahil pantasya nila si Mae pare-parehas. Sure na mai-papasa nga raw ni Bok 'yung finals niya dahil nakita niya ang pinaglilibugan niya.

Pinag-mamasdan ko na lang ang mga mangi-nginom din dito sa i-taas. Habang hawak-hawak ko pa rin ang baso na kanina ko pa dapat nainom. Natunaw na rin 'yung yelo sa alak kaya nag lagay ako ng panibagong yelo.

"Nag re-reminiscing ka naman kahit nasa gimikan na tayo." Si Jeh na nakabalik na pala sila. "Hindi mo pa rin na tatagay yan?" Na umupo sa kabilang dulo ng sofa.

"Tss. Reminisce?" Iiling-iling na sabi ko. "At saka hanggang mamaya pa naman tayo." Na pina-patunaw ko ulit 'yung yelo sa alak ko.

Naglagay ulit si Jeh ng alak sa baso niya at nilagyan niya rin 'yung baso ng dalawa.

"Oo nga pre, i-shot mo na yan." Si Bok "Kahit dun na lang muna tayo." Na nakapaturo sa may bakal na nakikita ang mga nasa i-baba.

"Pahinga muna tayo, nakakapagod sumayaw 'eh." Si Jayson na kumuha ng yosi sa lamesa.

Inabot ni Jayson kay Bok 'yung kaha ng sigarilyo at pinakuha ng isa si Jeh. Sinenyasan niya rin ako na kumuha pero tinignan ko lang 'yung kaha ng sigarilyo. Kinuha naman ni Bok 'yung baso niya na may alak.

"CHEEEERS NAMAN DIYAN." Sigaw ni Bok.

Tinaas ko rin 'yung baso na hawak ko at kinuha ni Jeh saka Jayson ang baso nila.

*Klaaaang.

"CHEEEERS, PARA SA BROKEN. HAHA." Jeh.

*Klaaaang.

"CHEEERS. PARA SA AKIN HAHAHA. GAGO KAYONG TATLO." Jayson.

*Klaaaang.

"CHEERS. CONGRATS" Ako.

*Klaaaang.

Saka inubos 'yung laman ng alak sa kanilang baso. Pero ako kalahati lang dahil hindi talaga ako maasahan pag dating sa inuman.

"Alam mo pre, hindi naman kasi dapat minamahal 'yung mga babaeng nakikilala mo sa gimikan." Saad ni Bok kay Jayson habang naka-akbay na nag yo-yosi.

"Lasing ka na ba Par? Excited pag-usapan? Haha." Jayson.

Napatawa na lang kame ni Jeh dahil sa biglang banat ni Bok ng ganon, imbis na i-congrats siya dahil graduate na siya. 

"Kase dre, hanap lang din ng mga babaeng gimikera ay 'yung mga pang 3rd party lang din." Seryosong sabi ni Jeh pag-tapos ibuga 'yung usok ng sigarilyo.

Nakikinig lang ako sa kanila dahil ibang-iba ako sa kanila. Wala din akong mga kaibigan na babaeng gimikera.

"Oo na, oo na. Kaya nga nag-aya ako uminom para mag-saya lang at i-celebrate ang pag-tatapos ko, hindi para pag-usapan yan. Hehe." Jayson.

ReminisceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt