CHAPTER 2

32.4K 740 19
                                    

JUDITH POV*


GoodMorning!

Maaga akong nagising, I'm not a morning person kaya lang may pupuntahan ako sa araw na to.

Ako pala si Judith Villaneuva. 19. Bunsong kapatid ni Kathrin. YUP! Kathrin The Ruthless Witch kong tawagin ng karamihan. Pero sanay na ako sa ugali niya. Nasasakyan ko ang trip niya. Ang trip niyang pagiging cold, masungit at walang puso. Namana siguro nito ang ganung ugali sa aking papa. A tyrant and ruthless businessman.

Habang ako? Nag mana seguro sa aking ina—carefree, walang paki-alam sa buhay. I love my freedom. My stress-pressure-work-free life. I'm living my life to the fullest. YOLO! I love hanging out with my friends. Meeting new people. Partying hard. Playing wild!

---

Pagkatapos kong maghilamos ng mukha. I went downstairs to the dining room. Nakaupo na si Kath sa dulo ng dining table suot ang business suit nito. Ito ang namamahala sa lahat ng companyang pag-aari ng mga villaneuva, binigyan na ito ng ganung kapangyarihan ni papa sa edad na 18, habang ako papeteks-peteks lang. Di naman ako nag rereklamo, ayoko pa nga diba ng pressure sa trabaho. Di ko pa gusto mag-seryoso sa buhay. At isa pa nag aaral pa ako, meron pa akong 2 years bago mag-graduate ng college.

Saktong papalapit na ako sa dining table ng lumabas ang babaeng nakita ko kahapon sa study room ni kath. Galing itong kusina, may dala-dala itong juice at fruits at mayat maya pa ay pinagsisilbihan na nito si kath.

Maid? I frowned.

Ang babaeng ito ay bagong maid namin? How come? I mean she doesn't look like one. At bakit pa kukuha ng bagong maid si kath? Marami na kaming tauhan sa bahay.

Plus. May maid bang natutulog sa guest room? Weird diba.

"Tama na yan Amber. You may join us." Kath said. Napataas ang isang kilay ko dun sa sinabi niya.

Ang maid sasabay sa pagkain sa amin?

Don't get me wrong. Hindi sa minamaliit ko ang mga maid or anything else pero we are talking about kathrin here. The ruthless witch! Wala itong sinasanto. Walang puso. Walang pakialam sa mga tao na nasa paligid niya. Hindi ito nakikitaan ng kabutihan. Kahit ang mga tao na meron matataas na posisyon sa companya ay nakatikim na ng kalupitan nito. Ee ano ang meron sa maid na to? Why the different treatment from the devil queen itself?

Baka hindi maid?

A friend?

DUH! Mind you. Walang kaibigan ang isang kathrin villanueva.

I look at Amber from head to toe.

One word to describe her is she's very Attractive. A beauty that is captivating. She looked young, beautiful and charming, with her wavy dark brown hair hanging down on her shoulder. She looks so innocent.

I was intrigued.

---

During breakfast I have a lot of things going on in my mind. Dami kong gustong itanong kay kath, at sinubukan ko din kausapin si Amber. Pero kita ko ang pag-alinlangan ng huli. So instead, I kept quite during the whole ordeal. Also, I don't want to irritate kath because she seems in a good mood, which is odd.

Kaya pagkatapos ng nakakabinging katahimikan during breakfast, agad akong umakyat ng kwarto para maligo at mag bihis. Tiningnan ko ang aking orasan.

10:00 AM.

Sh*t!

Late na ako sa aking pupuntahan.

But wait.

Wa pala akong paki-alam kahit mag-antay siya at ugatan ito sa kina-uupuan niya. Wala naman talaga akong balak makipagkita sa kanya or makita siya. Naiisip ko pa lamang ito ay naiinis na ako. Siya itong nagpumilit na makipag kita sa akin. Kaya mag hintay siya.

DOOM To Love You : 2nd EDITIONWhere stories live. Discover now