CHAPTER 5

23.7K 592 17
                                    

JUDITH POV*


Naka-upo ako sa pinaka likod ng classroom at naghihintay na sana matapos na tong klase ko.

Dalawang oras.

Dalawang oras pa ang hihintayin ko bago ko makasama si amber. Kaya lang kinakabahan ako. Hinalikan ko siya kanina. Paano kung nagalit pala ito?

Di ko kasi na-control ang aking sarili. Na-excite ako na makakasama ko ulit siya kaya bigla ko siyang nahalikan.

At kung kailan hinihintay mo na sana bumilis ang takbo ng oras para naman itong nananadiya at lalong bumabagal ang paglipas nito. Nakakabagot na at wala na akong ganang makinig sa nagtuturo. Ang tangi kong ginagawa sa mga oras na to ay makinig na lang ng music. Suot-suot ang aking earphone wala na akong paki-alam sa pinag-sasasabi ni Mrs. Tanyaca sa harapan.

Napapapikit ako habang pinapakinggan ang kantang TOO LOST IN YOU by sugarbabes. Di ko mapigilang di mapangiti, si amber ang nasa-isip ko habang pinapakinggan ko yung kanta.

Bigla kong na-idilat ang aking mga mata ng may tumamang papel sa aking mukha.

Pang sira naman ng moment.

Hinanap ko kung sino yung lokong nang bato ng papel.

Nakita ko si Mac, one of my bestfriend, sitting three chairs away from me. Nakatingin ito sa akin at panay galaw ang bibig nito, may sinasabi ito pero syempre di ko naman siya marinig dahil naka-earphone ako. Napakunot lang ako ng noo saka ko isinubsob ang aking ulo sa armchair.

Ayoko siyang intindihin. Bored ako. Balak kong umidlip. Lumalalim na ang pagkakatulog ko ng biglang nag vibrate ang aking phone. Di ko sana sasagotin ng maalala ko na baka si amber na yung tumatawag.

"Hello," bati ko sa mahinang boses.

'Judith...' agad kong nabosesan ang tao na nasa kabilang linya.

Si Amber.

"May problema ba?" tanong ko agad dito kasi parang may kakaiba sa boses nito. Agad akong yumuko sa aking kinauupuan, halos dumikit na ang aking ulo sa aking tuhod.

'Umm...' parang nag dalawang-isip nasambit nito '...may klase ka pa ba?'

Gusto ko sanang sabihing OO, dahil ayoko mag sinungaling sa kanya.

"Wala na. Kanina ko pa nga inaantay ang tawag mo," I lied, Worried ako ee.

Katapos niyang sabihin sa akin kung saang lugar kami mag-kikita nag paalam na ito ng mapuntahan ko na siya.

Dahan-dahan kong dimapot ang aking gamit at tinungo ang pintuan sa likuran. Praying na sana walang may nakapansin sa akin.

Makakalabas na sana ako ng classroom ng bigla akong na-estatwa.

"JUDITH! 7:00 . PARTY. AT MY HOUSE!" sigaw ni Mac, nakataas pa ang kamay nito para seguradohin na mapapansin siya. Napatingin lahat ng mga classmate ko sa kina-uupuan niya pag-katapos ay lumingon naman ang lahat sa kinatatayuan ko.

Napamura ako. Paksh*t ka mac!

Kumaripas na ako ng takbo ng marinig ko ang pagtawag sa aking pangalan ni Mrs. Tanyaca. Patay ako nito sa susunod namin na pagkikita.

Pero who cares. Makakasama ko na si Amber. I beamed.

Mabilis kong tinungo ang aking Black Bmw Motorbike at pinaharorot iyon palabas ng campus.

Hindi naman ganun kalayo ang campus sa kinaroroonan ni amber. Pero mabilis ko pa din pinatakbo ang motorbike, mas sanay ako sa ganitong pace-mabilis. Mahilig kasi akong mangarera.

DOOM To Love You : 2nd EDITIONWhere stories live. Discover now