CHAPTER 3

24.2K 781 23
                                    

KATHRIN POV*


Kailangan ko pa ba magpakilala sa inyo? I don't like wasting my time. But if you insist, ako pala si Kathrin Villaneuva. 21. Ang namamahala sa companya ng mga villaneuva. Maraming tao ang takot at ilag sa akin. Masisi ba nila ako? Pinalaki akong ganito ng aking ama.

Wala din pala akong mga kaibigan. Who needs one? Maybe you but not me.

Di ko kailangan ng ibang tao sa buhay ko. Kaya kong mabuhay sa mundong ito na nag-iisa. I was raised by my father to be strong and cold hearted, were weakness and failure was not an option. And love was just another hindrance to success.

---

Maaga akong umalis kanina sa bahay dahil nagka-problema sa companya, pero sinigurado ko naman na makaka-uwi ako agad bago gumabi. It feels different na I have the urge to come home early. Di naman ako ganito. Mas gusto ko pang mag stay sa opisina at magbabad sa trabaho. I am work-alcoholic, I must admit. Pero hindi kasi basta-basta pamahalan ang isa sa mga matagumpay na companya sa buong Pilipinas. The constant challenge to be on top, the eagerness to be the best of the best. And I am One of the most successful women CEOs who have shattered gender stereotypes in business.

And because of my achievement madami inggit at mga taong gusto akong pabagsakin. Hindi makayanan ng male ego nila na, I a woman outshined them.

"Goodevening maam."bati sa akin ni mae pagdating na pagdating ko ng Mansion.

"Prepare the food for dinner." I am famished.

"Yes maam."

"And call amber so we can eat together."dagdag ko pa as I remove my coat.

"Wala po maam. Umalis ho sila ni maam judith."

Napahinto ako sa sinabi ni Mae.

"Anong oras sila umalis?" I asked as I grit my teeth.

"M-aaga p-po m-maam." She stammers sabay yuko ng ulo.

I look at my watch, and it's almost six in the evening.

Pinaalis ko na sa aking harapan si mae bago ko pa ito mapagbuntongan ng inis.

Dinampot ko ang aking purse na inilapag ko kanina sa sofa, kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon. Hindi naman ako smoker but I always kept a pack of cigarette and lighter in my purse. I rarely use it, only when I am stressed out, it was my only salvation to calm myself. Pero this time it was different. Dahil sa mga oras na to, di ko maintindihan ang aking sarili.

I stride towards the entrance and bring the cigarette to my mouth, ng mapansin kong upos na ito I drop it at my feet saka tinapakan.

"Maam nakahanda na po ang pagkain." Paalala sa akin ni Mae.

"Iligpit mo! Wala akong gana." I snapped at her. Everything is getting to my nerves.

F*ck! Kanina lang ay gutom ako!

Kumuha ulit ako ng isa pang stick at sinindihan iyon. Hindi ko alam kung ilang oras na ako nakatayo sa may pintuan habang naninigarilyo pero di makuhang pakalmahin nito ang aking loob. I quickly check my watch and almost two fucking hours have passed.

Gusto kong mapamura. Why I am wasting my time standing here? Madaming bagay ang mas dapat kong isipin at pagtuunan ng pansin.

Paupos na ang pangatlong stick ng sigarilyo ng may marinig akong papalapit na sasakyan. And I know it was judith's car.

I clench my hands into a fist ng makita ko silang pababa ng kotse. I don't know but seeing them together was worse than thinking that they spend time together.

DOOM To Love You : 2nd EDITIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon