Chapter 16: The Battle begins here (Part 1)

130K 2.2K 264
                                    

Xavier Villareal

"HOY, PARE! KANINA pa ring ng ring 'yang phone mo!" iritableng sabi ni Charles kay Xavier. Kanina niya pa nga napapansin na may natawag sa kanya pero ayaw niyang sagutin iyon. Ewan niya pero parang kapag sinagot niya 'yan ay baka maging dahilan pa 'yan na mas lalo niya pang ikaka-badtrip.

Sinamaan niya lamang ng tingin kay Charles at kinuha ang cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. "Hello?!" pasigaw niyang sagot sa tawag.

"Gusto mong makatikim ng kaliwa't kanang sapak sa pisngi?!" anakng! Ang sakit sa tainga.

"Ang ingay mo, Ate! Ano bang kailangan mo?!" dami kasing pasikot sikot pero sa 'di maipaliwanag na dahilan ay nakaramdam siya ng kaba sa pagtawag nito. Iyong tipong hindi mo talaga matitipuhan ang sasabihin sa iyo.

Hindi kasi siya tatawagan ng kanyang kapatid ng gano'n gano'n lang, unless kung wala na itong magawa at gusto lang siyang pagtripan nito. Or else... May masamang balita.

Narinig niya ang pagbuntung-hininga ng kapatid. "Dad wants you here. ASAP"

Natigilan siya.

Napabalik siya sa kanyang sarili nang magsalitang muli ang kanyang kapatid. "Are you still there, brother?"

"Y-Yeah. I'm still here... Ahh..." kinakabahan siyang nagtanong sa kapatid pero he still manage to ask. "Is it about... my fiancée?"

Nanahimik panandalian sa kabilang linya.

"Silent means yes, Selena?"

"Absolutely..."

Napaungol siya nang maisip na mukhang malapit na niyang makita ang babaeng ipapakasal sa kanya.

There's a part of him na sumalungat na ng lubusan sa arrange marriage na iyan.

Fixed Marriage? Don't make any fuss about it! He don't give a damn care and choice.

Napabalikwas siya ng tayo na kinagitla ng apat.

"Where are you going, man?" Harold asked. Tiningnan niya lamang ang mga ito ng blangko.

"Pupuntahan fiancée ko." Tugon niya sa mga ito at mabilis ring lumisan.

PINARA ni Xavier ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang mamahaling resto at binigay ang susi sa nag-aabang na crew at nagpatiuna na ng lakad.

He walked inside the building. Sabi ng kanyang kapatid na nasa may malapit lang daw sila rito at kasama na rin nila diumano ang magulang ng kanyang fiancee. Para namang may pakialam siya.

At nakakasiguro siyang tuwang tuwa ngayon ang kanyang mga magulang. Sila pa? Masaya yung mga yun na sirain ang kanyang buhay.

Pumunta lang naman siya rito hindi dahil gusto niyang makita ang babaeng kanyang papakasalan, but to make his dad's show little fidgeting by his own game. Yeah. He will going to play with them. Two can play this game.

He saw his sister waving at him simultaneously. Parang masama ang kutob niya ngayon. Iba kasi ang awra nito at tila natutuwa ito sa nangyayari which is very unusual at nakakapagpagabagab.

Kadalasan kasi ay kapag may pinapakilala sa kanya ang kanyang ama na babae'y wala itong pakialam at nakabusangot pa. Lalo na kung hindi nito gusto ang babae para sa kanya. Pero sa nakikita niya ngayon sa kapatid ay tila lahat ng iyon ay kabaligtaran.

Nang siya'y makarating ay blangkong mukha ang sinalubong sa kanya ng kanyang ama.

"At last nandito ka na rin, anak" Then his Mom hugged him as if she's really concern.

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon