Prologue

276K 5.5K 677
                                    

BAHAGYA SIYANG NAGISING nang marinig ang kanyang alarm clock na tumutunog hudyat na kailangan na niyang gumising. Katulad ng madalas niyang ginagawa, hinambalos niya ito ng isang baseball bat na katabi lamang ng kanyang kama.

"Ugh! I really hate waking up so early!" she said while groaning with irritation.

Alam niyang may nangialam na naman sa kanyang alarm clock na madalas naman niyang hindi sine-set miski isang beses sa kanyang tanang buhay. Ni hindi nga niya alam kung bakit pa siya bumili noon gayong hindi naman niya kailangan iyon.

Ilang minuto pa ang nagdaan nang sunod naman niyang narinig ang tunog ng kanyang cellphone na may nakakabulahaw na tugtugin. Napabalikwas na siya ng bangon at mabilis na hinagilap ang kanyang cellphone.

Seryoso siyang mapapatay niya ang tumatawag sa kanya ngayon. Itatak nila 'yan sa bato!

"Hello!" tugon niya sa tawag na may halong pagka-irita.

"Welcome to hell, mamamatay ka na." Natigilan siya saglit nang marinig ang naging tugon ng kanyang katawagan.

Ano nga muli ang sinabi nito? Siya? Mamamatay na? Seryoso ba 'to? Ano'ng klaseng pagbabanta iyon?

"Do you even know me?" mukhang kinakailangan na niyang magpalit ng numero.

"Marami akong alam tungkol sa'yo." This is not good. Not really good. "Say Hi to satan." Huli nitong saad bago binaba ang tawag.

Napaismid siya sa sinabi nito. Say Hi, to me?

Naagaw ang kanyang atensyon sa isang bagay na biglang pumasok sa kanyang kwarto. Isang maliit na bagay na alam na alam niya kung ano.

"Same old plan, but hey I'm way more evil than Satan." She muttered on herself while quickly running out of the house. It's a teargas for Pete's sake.

Hindi pa man din siya nakakalabas ng bahay nang maalarma siya sa sunud-sunod na baril mula sa mga 'di kilalang armadong lalaking nakasuot pa ng old black attire with matching a black face sized bonnet. Nagtago siya sa pader na pagitan ng sala at kusina. Mabilis niyang kinuha ang kanyang maliit na baril sa kanyang binti. Oh freakin' hell, she's still wearing her black lingerie!

Nakipagpalitan siya ng putukan ng baril habang binabagtas ang daan palabas. But since mukhang nasa harapan ng kanyang bahay ang mga kalaban ay mas minabuti niyang sa likurang bahagi na lamang lumabas.

Hindi niya nagawang mabuksan ang seradura ng back door nang barilin iyon ng isa sa mga armadong lalaki. Tiningnan niya ang loko lokong mukha ng lalaking iyon saka niya pinaputukan ang mukha. Sira ulo ka ah!

Nang makalabas ay saka siya tumalon sa bakod ng kanyang bahay at mabilis na pumasok sa kanyang kotse. She was about to start the engine nang pinagbababaril muli siya ng mga kalaban. At dahil inis na inis na siya sa mga ito, lalo pa't hindi pa siya nakakaligo! Aba nga naman oo.

Binaba niya ang bintana ng passenger seat at saka tinutukan ng baril ang bawat lalaking nakikita niya. Bawat isang lalaki ay isang bala lang at lahat ng kanyang tira'y sapul sa noo. Walang mintis walang daplis. Lahat sentro. Bull's eye ika nga.

Napangisi siya at hinalikan ang kanyang baril. Wala pa 'ring kupas. Pagkatapos no'n ay saka niya muling pinaandar ang kanyang kotse at binagtas ang daan papuntang EDSA.

Napatigil siya sa isang kalye nang magulat siyang may isang bagay ang nasa likuran ng kanyang kotse. Kinuha niya iyon at napagtantong isang punyal ang bagay na ito. Namangha siya dahil mukhang majority ng parte ng punyal ay gawa sa ginto. Lalo na ang lagayan nito. It was well-designed. Kitang kita sa bawat hulma nito ang gintong ginamit as well as the ancient designs.

Hinila niya ang hawakan ng punyal. At napatuon siya rito ng husto nang habang hinihila ang espada'y may nakaukit na mga salita roon.

Napangisi siya nang mabasa iyon. At talagang napatawa siya nang bahagya nang ma-realize niya ang nangyari kanina. Plano talaga ng mga lalaking iyon na dito siya sa kotse nito sumakay. Dahil dito nila nilagay itong punyal na ito.

You are cordially invited to attend GVA Battle 2012... Congratulations!

Isang makahulugang utas ang kanyang nasambit matapos mabasa ang nakaukit sa patalim.

"So I'm in..."

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon