Chapter 4: The Dragon Empire Gang

163K 2.6K 142
                                    

Xavier Villareal

"HOW MANY TIMES do I need to tell you that we're not interested in your battle invitation? Desperado na ba kayo o sadyang mahina lang kayo makaintindi?" inis na bulanghit ni Charles sa kausap.

"Sino 'yan?" tanong niya kay Charles.

"Well, sila uli... Moron Gang!" anito.

"I think you're still craving to call them on such stupid gang name, aren't you?"

"They deserved to be called on that name, bro. Hindi sila karapat-dapat sa pangalan nilang Dauntless Gang. That's a bullshit, pare!" pag-sang-ayon nito.

"Bakit 'tol? There's nothing wrong to be called as Dauntless Gang. Because based on the word Dauntless they were fearless." He replied while grinning.

"Oh come on dude! Fearless? Fearless their ass. Maybe they're fearless but they were all weak. Fuck it!"

Napapailing na lamang siya sa init ng ulo nitong kaibigan niya. Kahit galit na't lahat ay mapang-lait pa rin talaga.

"Hey chill dude... Just don't mind them and everything's gonna be alright. Magsasawa rin sila sa kakahamon." He assured him. Mahirap na baka bigla nalang 'to pumatol sa kanila.

Nangamot na lamang ito ng ulo "Hope so dude.'Cause if not, I'll gonna kick their ass right away." Then he made his infamous walkout. He just laughed at him so hard. Pumunta muna siya sa harap ng laptop niya at in-open ang social networking sites. He still need to cope up at kailangan may pagkalibangan.

He opened first his Facebook Account and voila! A 1500+ Notification, 1538 Messages; and 2000+ Friend Request lang naman bumulaga sa kanya.

Bakit ba hindi mabawas bawasan ang mga friend request niya? 'Di ba nila alam na ang hirap mag-ignore? Tss. He scrolled it down and his attention caught on a status from somebody else.

Who's better?

Warlords Platoon? Or The Dragon Empire Gang? Like and answer by your comments.

Likes: 960. Comment: 256. Share: 369

Nanlaki ang kanyang mata at nawalan yata siya ng pasensya sa nabasa. Sino ba ang may pakulo nito at maraming alam sa buhay? At anak ng jueteng naman talaga oo, sa lahat ng ayaw niya ang pinagkukumpara. And he hated it a lot!

"Warlords!" He shouted.

* * *

Marco Villafuerte

LAHAT sila'y nagulat nang marinig ang sigaw ni Xavier— Xenon's true name, sa kwarto nito. Kaagad naman silang umakyat roon at dinungaw ang kaibigan. Naabutan nila itong nakatingin sa laptop at matalim ang titig. Nagtatagis ang bagang at animo'y handang mambugbog ng sinuman.

Damn, hindi maganda 'to.

"Anong mayroon?" nilakasan ni Marco ang kanyang loob para itanong iyon. Dahil sa lahat ng taong h'wag mong gagalitin, si Xavier ang ilagay mo sa pinakaunang listahan. Demonyo 'to kung magalit. Daig pa ang bagyo sa lupit.

"Do you have any idea who posted this?" sabay sabay silang tatlo na sumilip sa laptop ng kanilang pinuno. At mukhang maging sila nga ay nagulat nang makita kung ano ang naging dahilan kung bakit ang init ng ulo ngayon ni Xenon.

"We don't have any idea, dude." Sagot ni Charles.

"Then do something about it," utos nito sabay tingin kay Harold. "Find the user's IP address and you know what to do."

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon