Chapter 24: The Bonus Prize

110K 1.9K 370
                                    

Chapter 24— the Bonus Prize

(PS. Dalawang unknown characters ang masisiwalat rito. From chapter 2 and 3)

(PSS. Magulo ang explanation ng chapter na 'to! Sorry, edit ko nalang 'pag may time.)

NAPUNO NG BULUNGAN ang buong coliseum sa sinabi ng isa sa mga namumuno ng GVA. Lahat sila ay tila napaisip kung ano nga kaya ang magiging koneksyon ni Lady Leonna Casiraghi sa Bonus Prize na maaaring makatulong sa kanilang umusad sa semi-finals?

"Ano kaya Xenon ang kinalaman ni Frontier sa Bonus Prize?" Tanong ni Charles kay Xavier.

Kilala nila si Frontier. Sino ang hindi makakakilala sa tanging babaeng marami nang napatay? Na hinigitan pa nito ang bilang na napatay ni Dark Scheduler. Na walong taong gulang pa lamang ang Frontier na ito ay nakakapatay na siya dahil naensayo ito ng kanyang magulang.

Sino ang hindi makakakilala na laman ang pangalan nito sa lahat ng mga most wanted ng mga pulis? Sino ang hindi makakakilala sa babaeng ito na hindi siya nakakatulog na hindi siya nakakapatay miski isa sa isang araw lang?

Cliché ba masyado? Well, that’s the truth. Totoong hindi ito nakakatulog nang hindi nakakapatay miski isa lang. Kung kaya’t sobra siyang hinangaan at KINAKATAKUTAN ng lahat, lalo na ang mga Assassins na si Frontier ang tinuring na inspirasyon sa ginagawa nila.

Napabuntung-hininga lamang ang binata na matiim pa ring nakatingin sa larawan ni Frontier sa harapan nila.

Miski siya ay hindi niya alam dahil nahihiwagaan siya. Bakit?

For the past years ng GVA, ay hindi pa nila ginamit ang pangalan ni Frontier sa kahit na anong  match o hindi naman kaya ay katulad nitong bilang kapalit sa Bonus Prize.

“May problema ka ba, ‘tol?”

Napabalik siya sa kanyang sarili nang magtanong sa kanya si Marco. Tiningnan niya ito saglit kapagkuwa’y tumingin muli sa harapan.

“I’m just wondering…”

“Wondering about what?”

Hindi kaagad siya nakasagot. Dahil miski siya ay hindi niya alam kung alin at bakit nga ba.

“About, Frontier…. kung… bakit siya ang ginagamit ngayon nina Emmanuel.”

“What’s wrong about that dude?” Tanong ni Harold.

Umiling iling siya. Tama na muna siguro na siya na lamang ang magtaka. Ayaw niyang sirain ang magandang mood ng mga kaibigan niya nang dahil lang sa isang walang kasiguraduhang hinala.

“Wala. Wala. Just nevermind. Hindi naman ganoong ka-big deal.”

Gangster vs. Assassin - Published under PHR (Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon