Chapter 4

8.8K 340 8
                                    

"FUCK."

Bahagya akong napaatras ng isang hakbang nang makita ang nanlilisik na mga mata ng may-ari ng boses na iyon.

He is one of the twins.

Itinaas nya ang isang kamay nang makita nyang ibubuka ko ang aking bibig para magsalita.

"Don't use me the 'oh sorry hindi ko sinasadya' excuse."

Nangunot ang noo ko.

"What're you saying, dude? Can you step aside, nakaharang ka eh."

Napanganga sya sa narinig. Dinig din ang pagsinghap ng maraming estudyante na nasa paligid namin.

"YOU."

Hinawakan pa nya ang kuwelyo ng damit ko.

"Hindi mo ba ako kilala?"

"Bakit? Kailangan ba kitang kilalanin?"

Lalo pang nag-igtingan ang mga bagang nya sa sagot ko.

Humihigpit din ang kapit nya sa aking damit. Nagtagisan kami ng tingin ng lalaki. Pero hindi nya napaghandaan ang sunod kong aksyon.

Kinagat ko ang isang kamay nyang nakakapit sa damit ko. Hindi pa ako nakuntento at inapakan ko rin ang kanang paa nya.

Napabitaw sya sa akin at humiyaw sa sakit.

"Aw, SHIT."

Mabilis naman akong tumakbo palabas ng cafeteria at hinila ang tulalang si Liam. Mukang nasaksihan rin nya ang madamdaming eksena sa loob ng cafeteria.

Malayo na kami'y naririnig pa din naming dalawa ang pagsigaw ng lalaki na bumalik raw ako. He's crazy kung inaakala nyang susundin ko sya.

Humantong kami sa rooftop ng school.

Doon ko lang binitiwan ang kamay ni Liam. Sumalampak ako sa sahig at inilapag ang mga pagkaing dala-dala ko.

"Let's eat."

Nagtaas ako ng tingin nang mapansin kong hindi gumagalaw sa pwesto nya si Liam.

"Hey, come here. Kain na tayo," sumulyap ako sa relong suot ko. "May fifteen minutes na lang tayo bago magsimula ang next subject natin," paalala ko pa kay Liam.

"C-Cain, iyong n-nangyari sa cafeteria--"

"'Yun ba ang inaalala mo?"

Marahan syang tumango.

Napangiwi ako.

"Ewan ko ba. Kahit ako, hindi ko alam kung anong sumanib sa akin," natatawang wika ko. "Hm, siguro dahil nagugutom na ako. May mga bagay-bagay talaga kasi akong nagagawa kapag gutom ako."

"Pero sinabi ko naman sa'yo na iwasan mo ang--"

"Alam ko naman 'yon, kaya nga hindi ako bumalik sa loob ng cafeteria noong nagsusumigaw iyong lalaking bumalik ako," muling putol ko sa pagsasalita ni Liam.

Napapailing na lang syang tumitig sa mukha ko.

"Kakaiba ka talaga."

Ngumisi lang ako.

Iniabot ko kay Liam ang pagkain nya. Nakangiti na nyang tinanggap ang mga iyon at tumabi sa akin ng upo.

Nauna akong matapos kumain. Itinapon ko ang balot ng sandwich at lata ng softdrink sa trashcan na naroon.

Pagkatapos ay hinalungkat ko ang laman ng bag ko.

"Found it."

Inilabas ko ang nakuha kong black t-shirt sa loob ng aking bag.

"Mabuti na lang may extra akong dalang damit."

"Cain," tawag sa akin ni Liam.

"Yes?"

"Salamat nga pala kanina."

"Wala 'yun. Sabi ko naman sayo diba na magkaibigan na tayo, so tama lang na protektahan kita."

Nataranta ako ng makita ang pangingilid ng mga luha ni Liam.

"Hey, mayroon ba akong nasabing hindi mo nagustuhan? I'm sorry kung--"

Umiling si Liam.

"N-no. Hindi lang ako makapaniwala na magkakaroon akong muli ng isang kaibigan. Magmula kasi nang mawala si Tina, nakalimutan ko na ang ganitong pakiramdam. Sobrang saya ko."

Lumapit ako kay Liam at inakbayan ko sya.

"Masaya rin ako dahil ang katulad mo ang naging bago kong kaibigan dito."

Iniyakap ni Liam ang isang braso nya sa bewang ko.

"Thank you for choosing me."

"And thank you for accepting me."

"Tss. Ang cheesy. Parang gusto kong masuka."

Sabay naming nilingon ang nagsalita.

Namutla ang buong mukha ni Liam nang makilala kung sino ang may-ari ng mapanuyang boses na iyon.

"Tss. Another asshole."

Marahas na bumaling sa akin ang lalaki.

Oh. The other twin.

"What did you fucking said?" dahan-dahan syang humakbang palapit sa akin.

"Sorry. Hindi ko ugaling ulitin ang nasabi ko na."

Nagsalubong ang makakapal nyang kilay.

"Are you disobeying me?"

"Duh. Did you really have to ask that?"

Bago pa sya tuluyang makalapit sa akin, naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko.

The next thing I knew, muli na namang kaming tumatakbo ni Liam pero sa pagkakataong iyon, ang kaibigan ko na ang humila sa akin.

Twin's Possession [boyxboyxboy]Where stories live. Discover now