Chapter 18

7K 273 8
                                    

Napangiwi ako pagkaupong-pagkaupo ko sa upuang nasa tabi ni Liam at pasimple kong iginalaw-galaw ang paa ko matapos kong mailapag ang tray na dala ko sa ibabaw ng mesa.

"Aw."

It's hurt. Napalakas ang sipa ko kay Mr. Cafeteria. But oh well, it's worth it.

Napailing naman si Liam habang inaayos nya ang mga pagkaing binili ko sa mesa namin.

"I really can't believe you, Cain. Saan ba nanggagaling ang lakas ng loob mo? Ikaw pa lang ang taong nakita kong walang takot na kumakalaban sa magkapatid na Mondragon."

"I told you, kapag nagugutom ako ay kung ano-anong reckless action ang nagagawa ko."

Dinampot ko ang isang set ng chopsticks, pinaghiwalay ko ang mga ito sa dalawa at baghaya kong iniyuko ang aking ulo.

"Thank you for the meal," pagkatapos kong sabihin iyon ay kinuha ko ang fried chicken gamit ang chopsticks. "Let's e--oh, darn. I forgot our drinks."

"Gusto mo bang ako naman ang bumili ng drinks natin?" presinta ni Liam.

Umiling ako. "No. Ako na. Just wait here. Mabilis lang ako."

"No need, raggy boy. Here, I'll give you my drink."

Kasabay ng malamyos na boses na iyon ang pagbuhos ng malamig na juice sa ulunan ko. At kahit nakasuot pa ako ng cap, ramdam ko ang panunuot niyon sa buhok ko hanggang pati ang suot kong puting uniporme ay nabasa.

Napasinghap naman ng mahina si Liam.

"C-Cain.."

Bago pa ko tuluyang makahuma sa nangyari, mas ikinabigla ko ang sumunod na naganap.

Kitang-kita ko ang pagtilapon ng babaeng nagbuhos ng juice sa akin sa kalapit naming table. Bumalandra ang katawan nito sa gilid ng mesa. Nagsipulasan naman ang mga nakaupong estudyante sa nasabing mesa.

Umungol sa sakit ang babae dahil pumutok ang labi nito at namula ang kaliwang pisngi. Nanlalaki ang mga mata nitong tiningala ang may kagagawan kung bakit ito nasa ganoong posisyon.

Si Mr. Rooftop.

"You. Fucking. Bitch."

Paupo itong umatras nang magsimula muling humakbang ang lalaki palapit dito habang nakakuyom ang mga kamao.

Mabilis akong tumayo at humarang sa harap ng babae.

"Hey, cut it out."

"Umalis ka dyan, Cain. I gonna fucking kill that bitch."

"No."

Nagsalubong ang mga kilay nya.

"Why're you protecting that bitch? She fucking--"

"So what? I can change my clothes," sawata ko sa sasabihin nya. "And you have no rights to slap her."

"But I just--"

"I don't need you to depends me. Hindi ba't mas malala naman dito ang binalak nyong gawin sa akin ng kakambal mo kahapon?"

Natameme sya sa sumbat kong iyon.

"Pero hindi na namin itinuloy ang plano namin ni Brent sayo," pagsabat ni Mr. Cafeteria nang makalapit ito sa tabi ng kakambal nya.

"Tama si Drake, Cain. And we are really sorr--"

"I don't need your apologize. The harm is done. Just stay away from me or Liam. Let's pretend that we don't know each other and let's just stay to be a simple schoolmate. Can you do that?" hindi ko naitago ang hopeful sa boses ko sa magiging sagot nilang dalawa sa akin.

"We can't."

Nangunot ang noo ko sa sagot na iyon ni Brent (now I know what their names).

"And why not?"

"Because you're mine," sagot naman ni Drake.

"Ours." Pagtatama ni Brent sa unang isinagot ng kakambal nya.

They're crazy.

"What are you talking about?"

Before one of them got a chance to answer my question, the bell rang indicating the end of the lunchtime.

Twin's Possession [boyxboyxboy]Where stories live. Discover now