A/N: May mga readers pa po ba ako neto? Hello? Sorry talaga guys, medyo busy eh, tas na writer's block pa kaya kinaylangan ng inspirasyon. Charoot!
Sigeee! ENJOOOY!
Nagmamahal,Miss Joyce
****
Chapter 9
Operation: Invite Mr. Louie for Family Dinner.
My goodness! Paano ko lalapitan ang isang 'to at aaluking mag dinner sa amin, mamaya.
OO, MAMAYA! Grabe, papayag kaya siya?
Dapat pumayag siya kasi pag hindi, baka bitayin ako ni Mommy ne'to.
Andito na ako sa room kung saan may klase kami ng mga kaibigan ko. At classmate ko din si Louie dito.
As usual nasa likod ako at hindi pa dumarating ang teacher namin at ang mga classmates ko ay nagchichikahan pa. Hinintay kong dumating si Louie para sabihin sa kanya ang pakay ko. Although, one-seat apart kami. Okay lang. Kakapalan kona mukha ko.
Kinuha ko ang papel na nasa bag ko. Band paper iyun at isinulat ko pa ang gusto kong sabihin kay Louie. Kasi naman! Never pa akong nag-invite ng lalaki sa personal!!! Kaya natetense ako!
Woooo.. Grabe, wala nabang mas kakaba pa dito?
Nagbubulungan na ang mga babaing nasa harapan ko kaya tinignan ko kung sino ang nasa pintuan.
Si louie.
"Grabe! Mahal talaga ako ni Lord kasi nasa isang class ako kung nasaan siyaaaa!"
"Ayy oo, girl! Ang hot kasi niya! Parang malaglag na ang buong kaluluwa ko kahit na magskin-contact kami! Waaaaa..."
"Dream on, Girls! As if namang papansinin niya kayo? Huh!"
"Duuuh! Sakin kaya siya mapupunta!"
Nagbubulungan ba sila? Kasi.. oh nevermind.
Papunta na dito si Louie sa likuran pero patuloy parin ang bulong-bulongan.
Umupo siya sa left side kung nasan ako pero may isang upuan na pagitan samin. Go Nikki! Kaya mu yan!
Dahan-dahan akong tumayo at dahan-dahan ding nagpunta sa bakanteng upuan sa tabi ni Louie. Umupo ako dun. Pinakiramdaman ko muna ang paligid. Kung busy na ang mga babaing nasa harapan ko na mag chikahan ulit, dun ko na sasabihin.
Nanginginig akong humugot ng malalim na hininga at dahan-dahang lumingon kay Louie. Pinilit kung ngumiti pero hindi talaga makakaform ng kahit kunting ngiti ang mukha ko. Dahil siguro sa matinding kaba.
"Uh.. L-louie.. G-gusto ko s-sanang... Uhh.. imbitahan ka sa family d-dinner mamaya samin."
Wooo.. nasabi ko rin! Pero umangat ang tingin ko sa kanya at wala siyang sagot sa akin, ni hindi nga siya tumingin. Nakayuko lang siya at ang hood ng jacket niya ay nakapatong sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Heiress
RomanceEverything in my life is fine and steady. Not until I knew that I am a Billionaire's Daughter. Like. What. The. Heck.