Ako si Nicole Moore. Nikki for short at 18 years old. At Simple lang ang buhay ko.
"Ate niks. You're so beautiful ever talaga." sabi ng kapatid ko na si Layshin o mas kilalang Shin habang papalapit siya sa'kin at nasa harap ako ng salamin. Kinuha niya ang suklay na nasa harapan ko at susuklayan niya sana ang buhok ko.
Sana.
"Ayy.." suway ni Shin habang pilit na pinapupunta ang suklay sa dolo ng buhok ko. "..Hehe, ate. You nalang ang magsuklay, okeyness?" at iniwan lang niya ang suklay na nakasabit sa buhok ko. Hindi ko alam kung anung harang ang nasa buhok ko lagi kung bakit lahat nalang ng suklay sa buhok ko ay sumasabit.
Umupo si Shin sa tabi ko. "Ate Niks. Diba you're so pretty naman. Pwede po bang humingi ng allowance? Hehehe.. Pinutol kasi ni Mommy ang allowance ko for 3 days." habang nagpa-pout siya.
I just rolled my eyes. As usual, sinasabihan lang ako ng maganda nito kapag may hihingin. Ibinigay ko sa kanya ang one thousand na nasa bulsa ko. At ayun, sumibat na!
Kung napapansin niyo, hindi ako nagsasalita. Hindi ako pipi ha? Wala lang talagang sense kung magrereact pa ako. Kung sasabihin ni Shin na maganda ako, at sinabi ko ring "Ayy hindi nu, wala ngang nanliligaw sakin ee." Gaganda ba ako sa pagiging humble ko?
The answer is obviously, NO.
Hindi naman ako tanga ee. Sadyang minamalas lang ang pagmumukha ko. At kahit kunti hindi nabiyayaan ng kagandahan.
**Ring-ring** (Cellphone ko yan.)
"Hello, Kenny?" congrats nagsalita na ako..
"Nikkiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!" Hindi ako exag mag story-telling. Ganyan lang talaga siya tumili.
"Oh?"
"Nikssss, alam mu? Pinuntahan ako ni Mark sa amin kagabe!" nasa tenga parin ang phone ko, habang kinuha ko ang back-pack ko sa study table. "Dinalhan niya ako ng floweeeers. Imagine ha? Pink roses lahaaaaaat! Diba ang sweet niya?" pag ke-kwento niya.
"Diba november pa hallowen?" natawa naman ako sa sinabi ko.
"GAGA KA TALAGA!!! HAHAH, seryoso nga! Grabe, may paharana-harana pa siya."
"Talaga, sana magtagal kayo." walang gana kung sagot sa kanya. "Kenny, on the way na ako sa school. Bye." I turned-off my phone, kasi alam kung tatawag ulit yun.
Si Shin, una nang umalis. Ako nalang at si Mommy ang naiwan dito. Maaga kasi pasok ni Shin. Masipag yun mag-aral, promise!
"Mommy." tawag ko kay Mommy habang hinahanda ang breakfast. Pagkalingon ni Mommy.
"AYY, BUTIKING MAY BUHOK!" nagulat si Mommy sa presence ko. Hindi na ako ma-o-offend niyan. Nasanay lang. "Ikaw pala yan, akala ko kung sino na. Hehehe, come on, let's eat." Nakangiting bati ni Mommy.
Ang ganda talaga ni Mommy, kahit hindi pa siya ngumiti. Ako nga hindi kaaya-ayang tignan kung ngumingiti. Kaya ito, simangot lang ako.
Umupo na ako sa table at nagsimulang kumain. "Mommy?"
"Yes, anak?"
"Bakit po walang allowance si Shin?" tinignan ako ni Mommy. At nawala bigla ang ngiti.
"That child! May allowance siya, Nikki. Naubos lang siguro sa pagbili ng make-up! I don't know what to do to your sister anymore. She's getting worse."
"Hindi naman, Mom. Eni-enjoy lang niya ang kagandahan niya." at bigla naman akong na insecure. Hayy, pathetic talaga ako. Kahit sarili kung kapatid na-e-insecure ako.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Heiress
RomanceEverything in my life is fine and steady. Not until I knew that I am a Billionaire's Daughter. Like. What. The. Heck.