CHAPTER 2

47.1K 1.2K 13
                                    

Nagising ako dahil sa walang tigil na pagtunog ng alarm ng aking cellphone, kinapa ko ito sa bedside table at pinindot para tumigil sa pagtunog, pilit kong idinilat ang aking mga mata para tingnan kong anong oras na  7:00 am.

Bigla akong napabalikwas ng bangon at halos patakbo akong pumasok sa banyo, maghuhubad na sana ako ng mapansin kong wala naman akong huhubarin dahil under wear lang ang soot ko under wear as in Bra at Panty. 

Napahawak ako sa katawan ko. Bakit wala akong damit.? Yun ang unang pumasok sa isip ko, unti unting bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi sa loob ng elevator ang napakagandang lalaki na nakasabay ko at malinaw na malinaw sa isipan ko ang kanyang kulay blue green na mga mata.

Bigla akong humarap sa salamin at tiningnan ang gilid ng aking leeg  at nakita ko ang tila marka na roon hindi sya mukhang hickey or chikinini mas mukha syang pilat na may design, hindi ko Makita ng malinaw ang design pero hindi sya masagwang tingnan maganda nga sya sa paningin ko para syang tattoo, pero ang ipinagtataka ko bakit tila pilat na lang ang nakikita ko, ang alam ko may matalim na bagay na bumaon doon pakiramdam ko nga ay parang kinagat ako nung lalaki kagabi sa elevator, pero hindi ko naalalang nasaktan ako, mas nalaala ko ang halik na pinagsaluhan namin. His an excellent kisser, biglang naginit ang mukha ko ng malala ko kung papano ako nakipaghalikan sa lalaking noon ko lang nakita at ni hindi ko alam ang pangalan. Hindi ko na alam kong ano ang nangyari pagkatapos ng halikan namin ni hindi ko rin alam kong papano akong nakauwi at kung bakit nakahubad ako.

8:15 na ng makarating ako sa Delvo Building I'm already fifteen minutes late. Halos liparin ko ang hallway papunta sa board room. Malayo pa ay nakita ko na na may mga lalaking naka polo barong na kulay asul na nakatayo sa labas ng board room mga mukha silang PSG, siguro body guard ng president, abot abot tang kaba ko, parang ayaw ko ng pumasok sa loob, pero kanina pa tumatawag sa akin si VP kailangan daw ako sa meeting at hinahanap ako ng CEO.

Ng papalapit na ako sa pinto ay nakita kong nakatingin sa akin ang mga security men na nakatayo sa may pinto lalo tuloy akong kinabahan, at ng tumapat ako sa kanila ay magkakasabay silang yumuko pagdaan ko. Nagtataka man ay binati ko na rin sila ng Good Morning. Ipinagbukas ako ng pinto ng isa sa mga security.

Pagpasok ko ay biglang tumigil ang lalaking nagsasalita na nasa kabesira ng mahabang mesa, alam kong ang CEO yun dahil walang ibang nauupo sa upuang iyon maliban sa CEO.

Dahan dahang tumayo ang apat na lalaking nasa unahan ng mesa at humarap sila sa akin at tulad ng mga security sa labas ng board room ay yumuko rin sila. Lalo akong nakaramdam ng hiya, parang gusto ko ng bumukas ang sahig at kainin ako ng buhay.

Pero ang higit na nakatawag sa pansin ko at dahilan para tumigil ang paghinga ko ay ng makilala ko kung sino ang lalaking nakaupo sa Presidents chair. Ang lalaki sa elevator.

Ang lalaki sa elevator ay si Harisson Delvo ang President CEO ng DELVO industries. Oh no pwede na akong mamatay ngayo, lord kunin mo na po ako please. dahan dahan akong pumihit patalikod para tumakbo palabas ng marinig ko ang boses ni Mr. President.

"Take your seat Miss Ferrer...I will give you 10 minutes to prepare your report." May awtoridad sa kanyang tinig, ngunit wala akong maramdamang takot.

Nakayukong umupo ako sa upuang nakatalaga para sa akin, sa katabi ni Earl, ipinagpatuloy ng Presidente ang kanyang dinidiscuss tungkol iyon sa expansion ng kompanya. Binuksan ko ang laptop ko at inihanda ang report ko. Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay ni Earl sa aking hita na nasa ilalim ng mesa at natatakpan ng table cloth, napapitlag ako, gusto ko syang sampalin pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa halip ay pasimple ko syang binigyan ng matalim na tingin. 

"Take your hand off me." Pabulong na sabi ko sa kanya,hindi ko alam kong narinig nya ba ako mahinang mahina lang kasi ang boses ko, ayaw ko naman kasing may makarinig na iba.

"Mr. Gonzalez. What do you think?" Tanong ni Mr. Pres. Kay Earl.

Halos namutla naman si Earl dahil wala syang maisagot sa tanong sa kanya, huling huli sya na hindi nakikinig sa sinasabi ng Presidente.

"ah Mr. President sir..." pautal utal na sabi nya.

Matalim ang tingin nito kay Earl.

"Never mind Mr. Gonzalez, just add one more rule to the existing rule of the company, never ever touch what's mine or you'll be dead." Matigas na sabi nito.

Hindi naman maintindihan ni Earl ang ibig sabihin ng presidente.

"Keep your hand to yourself ang get out of this room. You're fired!." Halos dumagondong sa buong silid ang boses ng CEO.

Tila napaso na inalis ni Earl ang kamay nya sa hita ko, at nagmamadali itong tumayo at lumabas ng board room.

Noon lang nag sink in sa akin ang lahat, alam nya na nakahawak sa hita ko si Earl, papanong nangyari yun.?

Biglang naginit ang mukha ko dahil sa hiya, parang gusto ko na ring tumakbo palabas at magtago.

"Miss Ferrer, it' time for your report please." Sabi nya sa akin sa mahinahon na tinig.

Wala akong nagawa kundi ang tumayo at pumunta sa harapan.

Sa awa ng Diyos ay natapos ko rin ang report ko kahit halos himatayin na ako sa sobrang nerbiyos, ni hindi ako makatingin ng deretso sa tuwing may itatanong si Mr. CEO.

Ng matapos ang meeting ay nagmamadali na akong lumabas ng board room at bumaba sa 28th floor kung saan naroroon ang opisina ko nasa 29th floor kasi ang board room at opisina ng CEO at mga member ng board nito.

Pagkarating ko sa opisina ko ay agad kong binuksan ang computer at hinanap ang files na kinaroroonan ng aking resignation letter, kailangan ko uling mag print noon, dahil mas lalong kailangan ko ng magresign ngayon pagkatapos ng nangyari sa amin ng CEO sa loob ng elevator at ngayon sa meeting, wala na akong mukhang ihaharap sa kanya.

Buong  maghapon kong inayos ang mga files ko para mas madali na ang pag endorse ko sa kung sinomang papalit sa akin, hindi na kasi talaga ako magpapapigil, magreresign na akong talaga.

Bandang ala singko ng hapon ng tumunog ang telepono sa ibabaw ng mesa ko si Mr. De Lios.

"Miss Ferrer, ipinapapatawag ka ng CEO. Ibinigay ko na sa kanya ang resignation letter mo, at mukhang hindi sya natuwa, pinapupunta ka nya ngayon din sa opisina nya."

"shit...." Pagmumura ko sa sarili ko ng matapos ang tawag ni VP.

Anong gagawin ko, wala akong mukhang maihaharap sa CEO matapos ang nangyari sa amin sa elevator, marahil iniisip nya ng mababang uri ako ng babae dahil nakipagpalitan agad ako ng laway sa lalaking noon ko lang nakita at ni hindi ko nga nakikilala.

THE POSSESSIVE KINGWhere stories live. Discover now