CHAPTER 28

21.6K 713 35
                                    

Iinomin ko na sana ang dugo ni Erros ng bigla iyong agawin sa akin ni Harris.

Inamoy nya iyon.

"Hindi ka na uli iinom ng dugo nya... Kung kailangan mo ng dugo you can have my blood."

Biglang lumabas ang kanyang mahahabang kuko at ibinaon nya ang isa sa kanyang pulsohan. Agad na lumabas sa sugat ang kanyang preskong dugo.

Itinapat nya iyon sa bibig ko.

"Baka hindi mo kayanin mahina pa ang kapangyarihan mo."

"Mas lalong hindi ko kayang makitang umiinom ka ng dugo ng ibang lobo gayung kaya ko naman yung ibigay sayo."

Hindi ako kumilos ayaw kong ipakipagsapalaran ang buhay nya.

Pero bago pa maghilom ang sugat nya ay inilagay nya iyon sa kanyang bibig at sinipsip nya ang kanyang sariling dugo.

At hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa nya, siniil nya ako ng halik at dahandahan nyang isinalin sa bibig ko ang dugong inipon nya sa bibig nya, at wala akong nagawa kundi ang inomin iyon.

At ng maubos na ang laman ng bibig nya ay saka nya lang pinakawalan ang bibig ko.

"Sa susunod na mauuhaw ka o manghihina sabihin mo lang sa akin wag na wag kang iinom ng dugo ng ibang lobo, youre mine princes only mine kung may dugo man ng lobo na mananalaytay dyan sa mga ugat mo gusto kong dugo ko lang yun at hindi sa iba."

"Kahit dugo pa yun ng kapatid mo.?"

"Kahit dugo pa yan ni Erros."

"The Possisive king Harrison Delvo."

"Thats because I love You."

Ano daw.

Nanigas bigla ang katawan ko sa sinabi nyang yun feeling ko tumigil sa gitna ang paghinga ko. Katatapos ko lang uminom ng dugo pero pakiramdam ko namumutla na naman ako.

"Hey okey ka lang.?" Tanong nya sa akin.

"Katatapos ko lang makipagtalo kay kamatayn, tinakasan ko pa yung mga tauhan ng yung ama at ni daddy, nakipaglaban pa ako sa mga rogue, ni hindi pa nga ako nakakabawi doon sa mga kakaibang nangyayari sa buhay ko. Tapos heto ka na man nagsasabing mahal mo ako... Tapos tatanongin mo ako kung okey lang ako.... Ano kaya sa palagay mo ha.?"

Hinawakan nya na naman ako sa magkabilang pisngi.

"Kalimutan mo muna ang lahat Ang isipin mo lang muna ay ang sinabi ko sayo ngayon... Evaness I love you."

"Uso ba yan sa inyong mga lobo.?"

"We also have a heart sweetheart.... At kaming mga lobo pag nagmahal isa lang yan, walang iba mate or not."

"Pwede kayong magmahal sa hindi nyo mate.?"

"Yes.... Nangyari sa akin yun, minahal na kita kahit hindi ko pa alam na mate kita."

"Papano...?"

"Its a long story my queen... Matulog na muna tayo at magpahinga, pagod na pagod pa ako at ikaw rin alam ko, bukas na lang natin ipagpatuloy ang usapang ito.... But first magbihis ka muna ayaw ko nakikitang may suot kang damit ng ibang lalaki."

Pati pala yun napansin nya.

Pumasok ako sa banyo, naligo at nagbihis saka ako tumabi kay Harris sa kama.

Nakapikit ang kanyang mga mata pero ng humiga na ako ay awtomatikong pumulopot ang braso nya sa akin. Nakatalikod ako sa kanya, nakasiksik ang mukha nya sa balikat ko.

"I love you too." Sabi ko sa kanya sa mind link.

Lalo syang isiniksik ang mukha nya sa akin at mas hinigpitan ang yakap nya.

THE POSSESSIVE KINGWhere stories live. Discover now