CHAPTER 35

10.2K 259 14
                                    

Ang mga sumunod na araw ay naging napakahirap para sa amin, lalo pa at palakas na ng palakas ang hatak ng mate bond namin.

Ang makasama mo sa iisang bubong ang mate mo pero hindi mo sya mahawakan ay napakahirap na nun para sa akin paano pa kaya kay Harris na isang Royal blood. I know that its killing him subalit ayaw naming makipag sapalaran.

Marahas nyang naibagsak ang hawak nyang folder sabay hilot sa kanyang noo.

"Whats wrong.?" Tanong ko.

Nakaupo ako sa visitors chair sa harap nya.

"Everything." Naihilamos nya ang kanyang kamay sa kanyang buhok.

"Gen... Hindi ko na kaya to. I wanna hold you." Disperadong sabi nya.

"Harris napagusapan na natin to. Kailangan mong maging malakas para sa pack mo."

"Kahit sandali lang... just a touch of youre lips in mine okey na ako dun."

Gusto kong sabihin na yun din naman ang gusto ko pero ayaw ko syang mas i encourage pa.

Pareho lang kaming mahihirapan.

Isang marahas na katok sa pinto ang nakatawag sa pansin namin ni Harris.

Bago pa namin mabuksan yun ay marahas na yong binuksan ni Paulo.

'Paumanhin Alpha, luna. " Nakayukong sabi nya.

"Anong problema Beta.? "

"May sumalakay na grupo ng mga rogue sa Head quarter natin sa lungsod, may ilang mga kauri natin ang namatay."

Biglang nagiba ang kulay ng mata ni Harris, at sinbayan nya iyon ng malakas na, pagungol.

"Harris" tawag ko sa pangalan nya.

Pilit nyang pinahinahon ang kanyang sarili.

"Anong dajilan ng pagsalakay nila.? "

"Ang mahal na luna. Gusto nilang makuha ang mahal na luna Alpha king. "

Doon na kumawala ang isang malakas na ungol mula sa kanya.

"Sino ang kanilang pinuno at papatayin ko sila. " Galit na galit na sabi ni Harris.

"Si Absalon Alpha. "

Muli syang umungol ng malakas pagkarinug sa pangalang binangggit ni Paulo.

"Ang traydor, hindi pa rin talaga sya tumitigil. "

"Ganun na nga... At mas malakas sya ngayon dahil inipon nya ang mga rogue at ginawa silang mga tauhan nya. At naghahanda sila para salakayin tayo. "

"Papano mo nalaman ang lahat ng ito.? "

"May mga nahuli kaming buhay sa mga tauhan nya at dinala namin sa dungeon para imbestigahan. "

Sinalakay ako ng labis na takot, naalala ko yung mga rogue na nagtangkang harangin kami noon.

Biglang tumingin sa akin si Harris.

"No sweetheart. "

Napatingin din ako sa kanya.

"I can smell your fear. Wag kang matakot hinding hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sayo. "

"Natatakot ako hindi para sa sarili ko kundi para sayo... Hindi ko na kakayanin na makita ka uli na nakikipaglaban at sinasaktan ng mga kalaban tulad ng nangyari noon, ikamamatay ko na kapag nangyari uli yun."

Naginit ang gilid ng aking mga mata, pero pinigilan kong mapaluha alam ko kasi kung ano ang magiging epekto nun kay Harris.

Sa isang iglap ay nakulong ako sa mga bisug nya.

Nagdiwang ang buong kamalayan ko ng masanib ang init ng aming mga katawan it feels so good.

Napayakap rin ako sa kanya. At may naramdaman akong malakas na kapangyarihan na pumasok sa katawan ko.

"Alpha... Luna... Tama na. "Mariing sabi ni Paulo.

Dahan dahan kong itinulak si Harris hanggang sa tuluyan kaming maghiwalay.

Yung kulay green na mata nya nakatingin pa ron sa akin. Alam kong pilit nyang kinokontrol ang kanyang lobo na nasa loob nya .

"Magparawag ka ng puling ngayon din... Dagdagan ang mga nagbabantay sa lagusan at higpitan ang security system sa buong isla. " utos nya kay paulo.

"Masusunod Alpha. "

"Ipaalam ko kay daddy at mommy ang nangyari, kaulangan din naming maghanda para tulungan kayo. "

"Salamat aking luna. "

"Wala kang dapat ipagpasalamat mahal kong Alpha... Laban natin to... Kaya kasama mo akong lalaban para sa mga kauri natin."

Alam kong gusto nya uli akong yakapin pero nginitian ko sya.

"I love you Alpha Harris Delvo. "

Huminga sya ng malalim.

"I love your more Princess Evaness. "

Hinanap ko ang aking mga magulang natagpuan ko sila sa silid ni teacher Alexa, may itinuturok sila sa babaing walang malay na nakahiga sa kama, magiisang linggo na syang tulog at sa tabi ng kanyang kama ay nakaupo ang tila wala ring buhay na si Erros.

"Ano tan dad.? " Tanong ko sa aking ama na ang tinutukoy ay ang hiringilyang hawak nya.

"Blood serum, mas madali nitong mapapalitan ang dugo na nawala sa kanya. "

Tumango tango ako.

"At ano namang nangyari sa kanya.? "At itinuro ko si Erros.

"Sya ang real mate ni Alexa, sigurado na ako doon, Masyadong malakas ang koneksiyon nila kahit hindi pa man nila namamarkahan ang isat isa. Nararamdaman nya kyng anoman ang pinagdadaanan ng kanyang mate."

Naaawa ako sa dalawa, ako ang dahilan kung bakit nangyari yun kay Alexa kung may magagawa lang sana ako.

"Wag kang magalala anak... Sooner or later magigising si Alexa, buong pusong tinatanggap ng katawan nya ang dugo na ipinapasok namin sa kanya magandang indikasyon yun. "

"Sana nga mommy, naawa na ako sa kanila ni Erros. "

Ngumiti si mommy.

"Ganyan din ang mangyayari kay Harris iras na may mangyaring masama sayo, unti-unti rin syang mamatay, kaya kailangan mong ingatan ang sarili mo hindi lang para sayo kundi lalot higit para sa mate mo. "

THE POSSESSIVE KINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon