CHAPTER 23

20.8K 639 49
                                    

EVANESS

Nanghihina na ako, pero pilit ko pa ring pinahlalabanan ang pagkauhaw na nararamdaman ko. Alam kong nanalaytay sa mga ugat ko ang dugo ng isang Vampire kasi yun ang ama ko at mahal ko sya at inererespeto pero ang maging katulad nya ay hindi ko matanggap. Hindi dahil sa ayaw ko, kundi dahil sa natatakot ako.

Papano kung hindi ko makayanang paglabanan ang naturalisa ng isang bampira ang pagiging Blood sucker, magiging mamatay tao ako, at yun ang hindi ko matatangap.

Kaya paglalabanan ko ito kahit pa ito ang maging sanhi ng kamatayan ko.

Ngunit ang makitang nahihirapan si Harris para sa akin ay lalong nakadaragdag sa paghihirap ko.

Alam kong ako ang dahilan ng tuluyang pagkawala ng lakas at kapangyarihan nya. Kung may paraan lang sana para maibalik ko yun sa kanya gagawin ko.

Bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko akala ko si Harris pero hindi ang Daddy ko at ang ama ni Harris.

"Anak kumusta ka na.?" Tanong sa akin ni Dad.

"ano sa palagay nyo dad.?"

"Gusto mo bang alisin na namin ang mga tali mo.?" Ang Ama ni Harris.

"No... wag nyong gagawin yan, ayaw kong makapanakit ng kahit sino... hindi ko kayang kontrolin ang katawan ko."

"Gusto ka naming tulungan anak kaya iaalis ka namin sa lugar na to." Si Dad.

"Kasama si Harris.?"

Ayaw kong mahiwalay sa kanya, sa kanya na lang ako kumukuha ng lakas para makayanan ko ang pinagdaraanan ko ngayon, kung mapapalayo ako sa kanya baka mas lalong ikamatay ko yun.

"Hindi... Tayo lang."

"Ayaw ko.... Hindi ako aalis ng hindi kasama si Harris." Matigas na sabi ko.

"Anak alam mong hindi kayo pweding magsama ni Harris, mapapahamak sya."

"Hindi ako lalapit sa kanya, hindi ko sya hahawakan basta nakikita ko lang sya nakakasama... Okey na sa akin yun."

"Pareho lang kayong mahihirapan... Kailangan nyong maghiwalay para sa ikabubuti ng lahat." Ang ama ni Harris.

"No ayaw ko.... Hindi ako aalis dito ng hindi kasama si Harris."

"Evaness para din sa inyo to... Kaya patawarin mo kami pero gagawin namin ang tama at makabubuti sa lahat." May finality sa boses ni dad.

At may inilabas na isang hiringelya ang ama ni Harris.

"Ano yan... Anong gagawin nyo sa akin.?" Nakaramdam na ako ng takot.

"Patawarin mo kami pero ito lang ang paraang naiisip namin para mailayo ka sa lugar na ito ng walang gulo."

"Hindi ayaw ko.... Wag kayong lalapit."

Pilit akong nagpumiglas mula sa pagkakatali, ngunit nanghihina na ako.

"No... Harris.... Tulungan mo ako... Harris..... Harris." Sigaw ko, ngunit tila walang nakaririnig sa akin.

Wala ring nagawa ang pgpupumiglas ko dalawang hari ang may hawak sa akin.

Unti unti akong nanghina, patuloy kong isinisigaw ang pangalan ni Harris hanggang sa tuluyan na akong nanghina at tuluyang nawalan ng malay.

Nagising ako sa isang silid na hindi pamilyar sa akin. Pero ayon sa mga gamit na naroroon alam kong lalaki ang nagmamayari ng silid na yun.

Nakatali pa rin ako at nakidikit pa rin sa noo ko ang batong humaharang sa isip ko para makapaglabas ng kapangyarihan.

THE POSSESSIVE KINGWhere stories live. Discover now