CHAPTER 17

26.2K 764 62
                                    

/AN/Nakalimutan ko pon  bigyan ng POV si Harris kaya heto medyo mahaba haba tong ginawa ko para sa kanya, para naman maikalala nyo sya./


HARRISSON DELVO'S POV

Kung gaano kaganda ang mate ko ay ganun din katigas ang ulo nya. Ni hindi ko sya kayang pasunurin sa mga gusto ko at madalas sinasaktan nya ang wolf ko dahil sa hindi nya pagtitiwala sa amin. At alam kong nalulungkot ang Risson (Rayson) sya ang wolf ko dahil sa hanggang ngayon ay hindi nya pa rin kami matanggap tangap.

"Alpha king." Pukaw ng beta kong si Paulo sa akin mula sa aking malalim na pagiisip.

"Yes Beta...?"

"Bilang Beta nyo gusto ko sanang malaman kung bakit kinakailangan nating dalhin sa Isla ang Luna Evaness... Samantalang kayang kaya naman natin syang proteksiyonan kahit nandito tayo sa siyudad."

Tiningngan ko si Paulo. Hindi lang sya basta beta ko o second in command ko, kundi isa rin syang matalik na kaibigan. Alam nya kung may bumabagabag sa akin.

"Pau... Kailangan natin syang madala sa isla dahil mas ligtas sya doon."

"Kahit saan naman natin sya dalhin basta naandun ka ligtas sya."

"Ayaw kong makipagsapalaran...Pau nararamdaman kong unti unti ng nagnhihina ang kapangyarihan ko." Pagamin ko sa kanya.

"Bakit..?" Hindi makapaniwalang tanong nya sa akin

"Minarkahan ko na si Evaness."

"Shit dude... Bakit mo ginawa yun ng hindi pa kayo nagmemate..?"

"Hindi ko napigilan ang sarili ko...... ng makita ko sya natakot ako na baka mawala pa sya sa akin, ang tagal ko syang hinanap Pau.... Kung saan saang sulok na ako ng mundo nagpunta yun pala nandito lang sya. Sa teretoryo ko at sa loob ng sarili kong kompanya at matagal ko na syang nakilala."

"Nauunanawaan kita... Pero sana pinigilan mo muna ang sarili mo, alam mong unti unti malilipat sa kanya ang kapangyarihan mo hanggat hindi  nagaganap ang mating nyo at hindi ka nya minamarkahan... Ilang porsyento na ba ang nakuha nya sayo.?"

"Hindi ko alam, basta nararamdaman kong hindi na ako kasing lakas ng dati."

"Oh no... That woman will be the death of you...."

"I'm sure she is... Nakahanda akong ibigay sa kanya ang buhay ko... Hinding hindi ako makapapayag na makuha sya ng iba sa akin."

"Eh di pilitin mo na syang makipag mate sayo para markahan ka na nya at mabawi mo na ang kapangyarihan mong nakuha nya at mas lalo ka pang lumakas."

"Hindi pa sya handa Pau... At ayaw kong madaliin sya."

Totoo ang sinabi ko kay Paulo. Ayaw kong madaliin si Evaness at lalong hindi ko sya pipilitin kahit pa maubos lahat ng kapangyarihan ko... Gusto kong kusa nyang ibibigay sa akin ang sarili nya dahil sa gusto nya at hindi dahil sa kailangan.

"Papano mo nga pala nalaman na sya ang mate mo kung itinago sya ng kapangyarihan ng witch Queen.?" Tanong uli ni Paulo.

"Its not the full of mate that lead me to her but its my heart. Ang puso ko ang nagturo sa kanya."

"Papano.?" Na Curious ng husto si Paulo.

Sa amin kasing mga lobo ang full of mate o yung wolf mo ang magsasabi kung sino ang mate mo. Pero sa akin iba ang nangyari hindi sya nakilala ng wolf ko pero nakilala sya ng puso ko.



FLASHBACK


THE POSSESSIVE KINGWhere stories live. Discover now