Chapter 4_Witness

5.6K 185 9
                                    

I update!: )

----------------------------------------------------------------------------

(Reese POV)


NANATILI lang ako sa loob ng bahay namin at hindi na lumabas pa. Matapos ba naman ng lantarang pagtitig ko sa katawan ni Zephyr. Malamang na naglalaro sa isip ng taong yun na talagang babae nga ako. Tiyak kong aasarin na naman niya ko. Kumbakit ba kasi sa lahat ng lupa sa mundo sa tabi ng lupang kinatitirikan pa mismo ng bahay namin sila nakatira. Kung saan ang mga bakod ay hindi man lang nagtataboy ng masasamang loob.


Bumuntong hinga na lang ako habang nakasalampak lang sa sofa namin. Hinihintay ko lang naman na dumating na sina Miguel at Jodem. Ibig sabihin din non ay makikita ko rin ang lalaking yun.


Wala sa isip na biglang uminit ang mukha ko.


Nahihiya akong harapin ang lalaking yun eh. Kung sabihin ko kaya kina Miguel at Jodem ang paratang niya sa akin na babae ako. Tiyak ko namang maipagtatanggol ako ng dalawang yun dahil sila mismo nakita na ang banda ko 'don'.


Oi, dirty minded kayo. HIndi naman talaga as in 'dun'.


May mga tricks lang akong 'inilagay' para mapaniwala silang lalaki nga ako. Kinatwiran ko rin sa kanilang may nakakatakot akong birthmark sa dibdib kumbakit madalas ang paglalagay ko ng bandage. Alam nila yun. For sure naman ay ipagtatanggol nila ako sa hamak na transferee lang.


Sana nga ganoon ang mangyari.


"Reese, pupunta dito mamaya ang mga kaibigan mo diba?"


Napatingin ako sa mama kong bihis na bihis. "Opo, san punta mo?" tanong ko lang sa kaniya.


"May lakad ako syempre. Dito ka lang bantayan mo ang bahay. At tungkol don sa lalaking alam ang sekreto mo. . ." Tinitigan lang muna niya ako. "Wag kang pabubuking," aniya saka nagtuloy-tuloy na sa pag-alis.


"Sige po," sagot ko na lang.


Wala din kasi doon ang papa ko at nasa clinic niya tuwing weekend. Madalas itong wala dahil nga abala ito. Ang mama ko naman umaalis na ewan ko kung saan pupunta. Feel ko nga may sideline siya. Kaya madalas ay ako lang ang naiiwan dito sa bahay. Boring yun syempre kaya naman madalas kong imbitahan sina Miguel at Jodem dito.


Ngayon naman ay kasama na ng tropa namin ang bading na unggoy na yun.


Ibinaon ko ang mukha ko sa unan na yakap-yakap ko. Naiinis na akong isipin pa lang na aasarin ako ng lalaking yun pagkatapos ng wagas kong pagtitig sa katawan niya kanina. Bakit ba? Hindi ko naman nasilip ang abs niya ah!


Isang doorbell ang nag-paagaw sa atensyon ko. Sila na marahil yun.


Mabilis akong umalis sa pagkakasalampak at agad na pinuntahan ang gate at pinagbuksan ang mga kaibigan ko.  Ganoong-ganoon na lang ang pag-ngiti ko dahil wala ang lalaking ayaw kong makita.

He's a GIRL! [C O M P L E T E]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon