Chapter 3_Prove

5.5K 164 6
                                    

Enjoy peps!


----------------------------




(Reese POV)


 TULAD nga ng inaasahan ko. Gulat na gulat ang mga magulang ko sa ipinagtapat ko sa kanila to the level na para silang sinabuyan ng mainit na sabaw.


Panay pa ang sisi sa akin kung bakit daw hindi ko sinuot ang trunks ko. Bakit ba? Alam ko ba na may sa bakla pala ang lalaking yun at nagawa pang silipin ang baba kung maumbok ba o hindi?


Saka hindi ko naman kasalanang cute lang talaga ako at may sa bakla ang taong yun na deny to death kaya pinapalabas na lang na ako ang babae at hindi siya ang bakla.


May chance naman diba?


Ng sabihin ko rin sa kanilang pupunta dito bukas ang Tropa kasama ang lalaking yun ay mas lalo silang naging parang mga nagwawalang unggoy.


Kung hindi lang ako nagsalita ay baka natuluyan na sila sa mental.


Hyst! Ang OA naman nila.




KINABUKASAN!


"Nagdidilig ka pala ng halaman?"


Ganoon na lang ang gulat ko ng madinig ang boses na yun. Kaagad kong sinundan ng tingin ang nagsalita at hindi nga ako nag-kamali ng makita ko ang guapong pagmumukha ng lalaking pinagpalang kinasusuklaman ko. Halatang bagong gising siya dahil sabog pa ang buhok niya at hindi man lang yata nanalamin. Marahil na bagong hilamos pa pero ano ba yun? Ang guapo niya, Promise!


Naku! Reese, lumalandi ka na. Erase! Erase!


Nakadungaw lang siya sa akin mula sa bakod naming ga-dibdib lang ang haba. Kasi naman, parang magkakapamilya mga tao dito at hindi uso ang mahahabang bakod eh. Yun bang tipong, sa bakod lang inaabot ang ulam para sa mga kapit-bahay. Tindi rin eh.


Nakatalikod naman ang posisyon ko sa kaniya dahil nasa kabilang side ng bakod ang mga halaman namin. Kasalukuyan rin akong nagdidilig dahil yun naman ang routine ko tuwing umaga lalo na kapag walang pasok. Maaga pa rin naman, nasa 5 am pa siguro at mamaya pa dadating sina Miguel at Jodem.


Hindi ko siya pinansin na muli lang ipinagpatuloy ang pagdidilig gamit ang hose namin.


"Pasensiya ka na sa akin kahapon kung naging prangka ako sayo."


Manghang tiningnan ko siya. Marunong palang magpasensiya ang unggoy na ito. "So, inaasar mo lang talaga ako?" tanong ko sa kaniya. Baka nga naman kasi talagang pang-aasar na yun.


"Oo, nakakatuwa kasing may babaeng nakapag-aral sa isang boy's sch------"


He's a GIRL! [C O M P L E T E]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon