Chapter 1_New Transferee

9.7K 283 24
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


(Reese POV)



"MAGPAYONG ka nga!" ang wika ko sa kapwa ko studyante.


"Bakit?" tanong naman niya.


"Inuulan ka kasi ng kagandahan." Hindi ako nabigo sa pick up lines ko dahil kinilig nga ang babae kasama na ang mga kaibigan niya habang nakatingala sila sa amin.


Palakpakan naman ang dalawa kong mga ungas na kaibigan.


"Galing ng mokong!" ang wika ni Jodem sa akin.


Ngingiti-ngiting binalingan ko lang sya. "That's life." Sagot ko lang sa kanya bago tiningnan sa baba ang mga babae. "So girls, sino ang panalo sa aming tatlo." Tanong ko sa kanila pero malaki ang tiwala kong mananalo ako sa patalbogan ng pick up lines namin ng mga kaibigan kong sina Jodem at Miguel.


"Oo na, panalo ka na!" ang wika ni Miguel na halatang tanggap na ang pagkatalo.


"Panalo ka, Reese." ang sabay-sabay na wika ng mga babae na pumalakpak.


Lumubo naman ang ulo ko at nagyabang pa sa dalawa kong kaibigan.


"Reese, Jodem, Miguel. Nandiyan na naman kayo sa ibabaw ng puno? Wala talaga kayong magawa sa buhay niyo kundi ang mag-pacute sa mga girl students diyan sa kabilang bakod!"


Patda kaming tatlo sabay tingin sa ibaba at nagulat kami ng makita si Ma'am masungit na nakasimangot na naman ang mukha habang nakatingala siya sa amin.


Right! All-boys high school nga pala itong pinapasukan kong paaralan at sa kabilang bakod na sinisilip namin ay All-girls naman. Bagammat pareho lang ang pangalan ng paaralang ito ay iba naman ang para sa lalaki at para sa mga babae. Hindi ko alam kung ano ang problema ng mga taong namamahala sa paaralang ito at kailangan pang hatiin ang paaralan para sa mga babae at para sa mga lalaki.


Hindi tuloy ako maka-discarte ng harap-harapan. Although hanggang diskarte lang ako, pambobola kumbaga pero hindi na ang magkaroon ng girlfriend. Babae rin naman ako kahit lalaki ang tingin ng lahat ng tao sa akin. Marahil na isa ang pambobola sa charactiristics ng mga lalaki ang nakuha ko mula sa kanila sa panghabang buhay na pagpapanggap na ito.


Pero nag-e-enjoy din naman ako.


Nagkatinginan lang kami ng mga kaibaigan ko sabay tingin sa mga babae. Kinawayan lang namin sila at kitang-kita naming dismayadong nagsialisan na lang sila.


Ang punong yun lang naman kasi ang nakikita naming madaling akyatin para masilip ang 10 feet wall na nagsisilbing divider ng dalawang skwelahan.


Sabay-sabay kaming nagbabaan at hinarap si Ma'am masungit na masasabitan na yata ng kaldero ang nguso.

He's a GIRL! [C O M P L E T E]Where stories live. Discover now